Chapter Nine

2.8K 168 22
                                    

Marahan akong umupo sa gilid ng nakahigang si Asher. We're still on the top of the hill. Medyo malalim na rin ang gabi. I glanced at Asher beside me. He's staring at the night sky again. Ang magkabilang braso ay nasa ulo niya at nagsisilbing unan. Nang mapansin ang titig ko ay tumingin siya sa akin at ngumiti.

Umupo siya at hinubad ang suot niyang coat. Nilatag niya iyon sa lupa sa likuran ko. Pagkatapos ay muli siyang humiga. He stretched his left arm.

"You can lie down here..."

Kinagat ko ang labi ko. "Baka mangawit ka?"

Umiling siya at ngumisi. "It's okay. Come on."

Ngumuso ako at humiga sa nilatag niyang coat. Ginamit ko ang braso niya bilang unan. Nag-aalinlangan pa nga akong ilagay ang bigat ng ulo ko doon dahil baka mangawit siya kaagad.

"So, what have you been doing for the past two weeks without me?"

Kumalabog ang puso ko. Sasabihin ko ba sa kanyang nakikipagkita ako sa Alpha team? Kung sasabihin ko, ano namang idadahilan ko? He might get mad at me if I told him that. Siya kasi itong may ayaw talagang makihalubilo ako sa kanila.

"Just as usual..." napapaos kong sinabi. "May mga nakakausap na rin akong ibang members. Ethan is also considerate."

Lumingon siya sa akin kaya napatingin na rin ako sa kaniya. Kunot na naman ang noo niya. "Considerate? Bakit? May ginawa ka bang mga kasalanan habang wala ako?"

I smirked at him. "I always ditch the Control Ability training. I sometimes cut class too. The teachers here are so boring," natatawa kong sinabi sa kanya.

Nanatili sa ganoong ekspresyon ang mukha niya. Obviously not pleased on what I am saying right now.

"You're so stubborn..." Umiling siya sa akin. "Dapat sayo pinapalo sa puwet," aniya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil doon.  Umupo ako at pagalit siyang tinitigan.

"Alam mo? Napakamanyakis mo talaga, 'no? Anong akala mo sa akin, bata? Saka bakit papaluin sa puwet? Perverted asshole!" singhal ko sa kanya.

Humagalpak siya ng tawa. "Bakit? Sinabi ko bang ako ang papalo sayo? Silly girl..."

"Don't call me that! Kung makagirl ka sa akin ay parang napakabata ko pa? I'm on legal age now!"

Umiling siya, natatawa pa rin. "Okay, okay. Stop shoutin..." wika niya at muling tinapik ang tabi niya. "Humiga ka na."

Padabog akong muling humiga sa tabi niya. Sinadya ko pang diinan ang pagkakaunan ko sa braso niya pero hindi man lang siya nasaktan dahil doon. Suminghap na lang ako at tumingin sa itaas. Bahala na nga siya riyan.

Hindi na rin naman siya umimik at sabay lang naming pinagmasdan ang kalangitan.

Itinuro ko ang isang pattern ng bituin sa itaas. "You know that constellation?"

"I'm not good at astronomy."

Ngumuso ako. Naalala ko iyong sinabi niya sa akin tungkol sa buwan. Saan ang not good doon? He's unbelievable!

Huminga ako nang malalim at muling itinura ang nakita kong constellation. "That's Big Dipper," wika ko sabay turo ulit doon sa grupo ng mga bituin.

"Big dipper is not a constellation. It's just an asterism. Ursa Major is the constellation and it contains the group of stars commonly called as the Big Dipper."

Umismid ako sa kaniya. Hindi pala magaling sa Astronomy, ha? Hindi ko alam kung nagpapahumble siya dahil sadyang mapagkumbaba siya o nagyayabang siya sa pamamagitan ng pagpapahumble.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now