Chapter Twenty Six

1.9K 122 6
                                    

"Ano, Athena? Tama ako hindi ba?"

Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa seryosong si Sapphire. I held on to my temple when I felt a throbbing pain on my head. Pumikit ako nang mariin.






"It's not safe anymore, Corrine! Nagbabalak na ng pag-aaklas ang taong bayan sa gobyerno!"

"And what do you suggest? Umalis tayo? Hinding hindi nila tayo pakakawalan lalo na't ako at si Carmen ay Alpha!"

"How about Athena? We are risking our daughter's life here! Hindi pupwedeng pati siya ay madamay!"

"Alam ko! Sa tingin mo ba ay hindi ko iniisip ang kapakanan ni Athena rito?"

"That's why we need to leave. For her safety! Hindi tayo pupwedeng manatili rito. Sa susunod na linggo na gagawin ang pagaaklas base sa sinabi sa akin ng tauhan ko!"

Kinusot ko ang mga mata ko. What is that noise? Is that Mommy and Daddy? Are they fighting?

I pouted as I walked towards the door. I want to see what's happening. Pagkalabas ko ay nakita ko ang pintuan ng kuwarto nila Mommy na bahagyang nakabukas.

"Kahit umalis tayo, hinding hindi tayo magiging ligtas, Fred. Kahit saan man tayo pumunta! Alam mo yan! Basta nandito tayo sa Miyata, hinding hindi tayo patatahimikin!"

I sighed as I opened their door widely. They are fighting... again. Mabilis na nangilid ang luha ko sa mata nang tuluyan silang makitang nag-aaway. Minsan na nga lang sila umuwi rito sa bahay... Minsan na nga lang kami makumpleto tapos ganito pa.

I bit my lower lip. I saw my Mom sitting on their bed while my Dad is in front of her, standing. Huminga ako nang malalim at naglakad papalapit sa kanila.

"Fuck! Kung hindi dahil kay Augustu--"

"Nag-aaway na naman po ba kayo?" I interrupted.

I saw how their eyes widened upon seeing me here. Agad na tumayo si Mommy at pumunta sa harapan ko. She kneeled so she can see me properly. Kita ko ang mamasa-masa niyang pisngi. Probably because of her tears.

"Hindi, anak..."

"Then why are you two shouting at each other?"

Nahagip ng mga mata ko si Daddy na umupo sa kama. I saw how frustrated he is. Hinilamos niya ang kaniyang palad sa mukha. I swallowed hard. I can't stand seeing them fighting like this.

"May problema lang sa trabaho, baby," malambing na sinabi ni Mommy.

I nodded. Lagi na lang. Lagi na lang silang nag-aaway dahil sa trabaho nila. What kind of job is that? Bakit ba nila pinag-aawayan iyon?

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now