Chapter Twenty

2.1K 132 2
                                    

Walang nagsalita ni isa sa amin, it's like all of us were shocked because of that. Natauhan lang kami nang biglang tumikhim si Asher na parang bang narealize kung ano ang sinabi niya. Titig na titig ako sa kanjya kaya naman napansin ko ang pagpula ng tainga niya.

I prevented myself to laugh. Nilingon ko ang tatlo at kita kong nakarecover na rin sila sa pagkagulat at katulad ko'y natatawa na rin.

"Tss..." Asher scoffed before he walked away from us.

Nang makaalis na siya ay doon na ako tuluyang humagalpak sa tawa. Sina Luigi at Hiro ay naiiling pero kita naman ang multo ng ngisi sa kanilang mga labi. Sapphire chuckled too. Ako lang yata ang may pinakamalakas na tawa sa aming lahat.

Parang nilipad na yata papalabas ng kwartong ito ang lahat ng pangamba ko kanina. Paano ko nga ulit sila napag-isipan ng ganoon? Of course they can't do that to me!

"O? Bakit?" I chuckled.

Napansin ko kasing bigla silang tumayo nang maayos at sumeryoso ang mukha. Kumunot ang noo ko at sinundan ang tingin nila sa may likuran ko. Natatawa pa rin ako pero agad iyong natigil nang may biglang humawak sa kanang kamay ko at hatakin ako papalayo roon.

I uttered a curse when I almost tripped.

"Binalikan ko lang," malamig na sinabi ni Asher sa tatlong pareparehas na laglag panga akong pinapanood habang hinahatak niya papalabas.

My brows furrowed. Pilitin ko mang kumawala ay alam kong malakas siya. I sighed heavily. Habaan mo pa ang pasensiya mo sa Asher na iyan, Athena. Tandaan mo, motherfucker yan at ikaw ang may tuwid na pag-iisip.

Fuck. I mentally sneered because of that thought.

"Ano bang--- Hoy! Magdahan dahan ka nga! Hatak hatak mo ako, aba!" reklamo ko nang muntikan na naman akong matalisod dahil sa bilis ng paglalakad niya.

Napatigil siya at humarap sa akin. He uttered a soft curse under his breath. "Sorry."

I chuckled. "Natataranta ka ata?"

Binitawan niya ang kamay ko at matalim akong tinitigan. Humagalpak ako sa tawa at inakbayan siya. Medyo mahirap kasi nakatingkayad pa ako dahil mas matangkad siya sa akin. Muli siyang napamura dahil sa ginawa ko.

Inalis ko ang pagkakatingkayad ko habang nakaakbay pa rin sa kaniya. Napayuko siya dahil doon. He's still glaring at me. Tumawa ako at pinisil ang kanyang ilong. Napakasungit naman ng lalaking ito. Sarap lamutakin ng mukha, e.

Hinila ko ng leeg niya at ako naman ngayon ang humatak sa kaniya papunta sa Dining Hall. I want to eat my breakfast. Hindi kami nakapag breakfast ni Sapphire kanina dahil muntikan na naman kaming ma-late.

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Hindi ko alam kung anong nangyari pagkaalis ko sa Physical Training Room kanina. Kumalat kaya ang tungkol sa pagiging Alpha ko? O talagang nakagagawa talaga kami ng eksena ngayon dahil sa ginagawa ko sa leader ng Create?

I just shrugged my shoulders off. Wala namang magagawa ang mga iyan kung hindi tumingin na lang. Bahala sila. Ang dami dami ko nang iniisip, idadagdag ko pa ba sila? No thanks.

Nang makarating kami sa Dining Hall ay agad akong pumunta sa counter para makabili ng pagkain. Inalis ko ang pagkakaakbay ko kay Asher para naman makaayos na siya sa pagtayo. Kawawa naman, baka mamaya bigla na naman akong singhalan.

"Hindi ka pa kumakain?" nakakunot noo niyang tanong sa akin habang tinitignan akong umoorder ng pagkain.

Nilingon ko siya. "Hindi pa," sagot ko. "Anong sayo?"

Umiling siya. "I'm still full."

Pinagkibit-balikat ko na lamang iyon at kinuha ang mga inorder kong pagkain. Humanap kami ng bakanteng lamesa at doon na lang pumwesto.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now