Tahimik ako sa gabing iyon. Naging abala rin sina Asher sa pag-aasikaso kina Ashley at Manang. Pinili kong matulog sa isa sa mga bakante pang guestroom. I don't want to sleep at Ashley's room. The guilt is eating me up. At hindi ko kayang makita si Ashley ngayon dahil alam ko sa sarili kong kasalanan ko kung bakit sila napapahamak.
Hindi ako nakatulog. Buong gabi akong tulala habang iniisip ang bawat nangyayari. Natauhan lamang ako nang mapansing unti-unti nang sumisikat ang araw at lumiliwanag na rin ang paligid.
I didn't cry. I am too exhausted and tired. Pagod na pagod na ako sa lahat. At ito ang klase ng pagod na alam kong hinding hindi kayang pawiin ng kahit na anong tulog at pahinga.
Wala ako sa sarili habang naliligo sa loob ng banyo. Ni hindi ko man lang namalayan lahat ng mga ginagawa ko. Nagbihis ako at nagsuklay ng buhok. After that, I walked towards the door to check everything up. Pagkababa ko ay naabutan ko kaagad sina Asher, Hiro, Luigi at Sapphire na seryosong nag-uusap.
Parang baril na biglang kinalabit ang gatilyo, sari-saring emosyon ang biglang sumabog sa sistema ko. Mabilis na nangilid ang luha ko habang tinataw silang maraming galos at sugat sa katawan. Siguro'y hindi pa rin ayos si Ashley kaya't hindi pa sila nagagamot.
Sinalubong ko ang mga takas na luha sa mata ko gamit ang magkabila kong palad. I gasped for more air as I try my best to calm myself down. Nakakapagod. Iyon lang talaga ang nararamdaman ko. Pagod na pagod na ako.
Huminga ako nang malalim at nagpasyang lumapit sa kanila. Nag-angat ng tingin sa akin ang seryosong si Luigi. I avoided his gaze as I sat on a vacant sofa near them.
"How's Ashley and Manang?"
Nanatili ang tingin nila sa akin na para bang tinitimbang ang ekspresyon ko. Kagabi, pagkatapos kong umiyak sa mga bisig ni Asher ay wala na akong iba pang kinausap. They were all asking me what happened. Or if I am fine, and I know to myself that I am not.
Tumikhim si Sapphire. Nilingon ko siya at pinasadahan ng tingin ang buo niyang katawan. Parang naninikip ang dibdib ko nang makita ko siyang may pasa at sugat sa braso niya. May hiwa rin sa pisngi niya pero hindi ganoon kalalim.
"We are just waiting for them to wake up. They are both fine." Si Hiro ang sumagot niyon.
Tumango ako at hindi na lamang nagsalita pa. I heard someone sighed heavily. Nag-angat ako ng tingin kay Asher nang makita ko siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. He sat beside me, his stare is just so deep. Parang tagos sa kaluluwa ko. Hindi ko kinaya iyon kaya hindi ko siya magawang tignan.
"What really happened, Athena?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
Sinubukan niyang hanapin ang tingin ko pero hindi ko iyon binigay. I looked at the three in front of us. Kagabi'y nagkakasiyahan lamang kami. Ngayon... ito na ang nangyayari.
I am a jinx.
I sighed. My chest hurt from all of my negative thoughts. "What happened to all of you?" balik tanong ko sa kanila.
Hiro's jaw clenched, maybe because he is gritting his teeth so hard. Ramdam ko ang hindi pa rin natatanggal na titig ni Asher sa gilid ko pero binalewala ko iyon. I don't want to be drown in his eyes again. Buo na ang pasya ko. At ayokong magbago na naman iyon dahil lamang sa mahal ko siya.
Malakas na kumalabog ang dibdib ko. Mahal ko si Asher. I am madly and deeply in love with him. Pero hindi pupwede. Dahil habang nananatili ako sa tabi niya, sa tabi nilang lahat ay hindi sila lulubayan ng kapahamakan.
"We encountered those three men wearing a cloak... ang tatlong lalaking pumunta sa inyo ng Auntie mo noong gabing iyon," panimula ni Hiro.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Bumalatay sa sistema ko ang galit at sakit sa lahat ng mga nangyayari. Ang tatlong lalaking iyon ang dahilan kung bakit napilitan akong pumunta rito. Ang tatlong lalaking iyon ang dahilan kung bakit ko nararanasan ito.
YOU ARE READING
Perigo University
FantasyAthena Beatrice Levin is just a normal girl, living her normal life, or that's what she thought. It all started when her Auntie pushed her to enter a portal. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya pagkatapos nito, ngunit wala siyang ibang m...