"We are the defending champion! Bakit siya pa ang napili? She doesn't even know her Control!"
"She's just a tranferee. I think she doesn't even know how to fight!"
"We'll definitely lose this game!"
Bago ko pa marinig ang lahat ng sinasabi sa akin ay tumakbo na ako papalayo sa lugar na iyon. Rinig kong may tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin. I just want to get out of that place. I want to get out of this place... it's toxic. It's getting toxic for me!
Bakit ako ang napiling ilaban doon? We have so many members! Bakit ako pa? Anong gagawin ko roon? Papatay ba ako?
Of course not! Hindi ko gagawin iyon! I'm not a killer. I will never be!
Kung ganoon, paano ko matatakasan ito? Kung umalis na lang kaya ako? Pero paano? Hindi ko alam kung paano. Wala rin akong mapupuntahan. Wala akong ibang alam na lugar dito kung hindi itong University lang!
Shit.
What am I gonna do? I can't escape... Kung ganoon, kailangan kong lumaban? Kung magpatalo na lang kaya ako? That's possible, right? Kahit naman mapuruhan ako ay okay lang. May mga healers naman. Tama. Iyon na lang ang gagawin ko. Saka malayo pa naman! Limang araw pa... puwede pa kayang magbago ang isip nila? Puwede pa kaya akong mapalitan?
Dinala ako ng mga paa ako sa forest na nasa gilid ng University. Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa malaking puno. Umupo ako sa isa sa mga ugat niyon at saka sumandal sa katawan nito.
"Anong gagawin ko?" tanong ko sa sarili.
Nananaginip lang ba ako? Bakit ako pa? Bakit padagdag na nang padagdag ang problema ko? Ang dami ko nang iniisip! Sinapo ko ang noo ko at malakas na bumuntong-hininga. I'm literally panicking. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
I bit my lower lip. Another trouble again, Athena? Bakit ba simula noong dumating ako rito ay palagi na lang akong nadadawit sa kapahamakan? Idagdag mo pa ang mga taga Miyashi who's literally after my life! Shit. Is this a sign? Na ano? Na hindi talaga ako pupwede rito? Na kahit anong gawin kong pakikibagay... na kahit maging komportable na ako rito... hindi pa rin pupwede?
Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa mga nangyayari. Nakakatakot. Natatakot na ako sa kung ano pa ang pupwedeng maganap sa mga susunod pang araw.
I heard a sigh from someone. Bago ko pa idilat ang mga mata ko ay isang mainit na braso ang pumulupot sa baywang ko. Kumalabog ang puso ko.
"I'm sorry..." marahang sabi ni Asher.
Umiling ako. Itinaas ko ang mga kamay ko at niyakap na rin siya. He's now caressing my hair as he put me on his chest.
"Wala ka namang kasalanan," mahinang sabi ko.
"I'll do something about this. Hindi ko hahayaan na sumama ka sa larong iyon."
Kumalas ako sa yakap niya at tinitigan siya. Kumislap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"How would you do that?" I asked him.
Bumuntong-hininga siya at umupo sa mismong harapan ko. Kinuha niya ang kanang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.
"Hindi ko alam. I'll... talk to the council."
Parang dinurog ang puso ko nang marinig ko iyon. He will talk to the council? But he loathe them so much! Hindi niya pupwedeng gawin iyon. I won't let him do that. Ayokong gawin niya iyon para lang sa akin. Ayokong gumawa siya ng mga bagay na labag sa kalooban niya para lang matulungan ako.
YOU ARE READING
Perigo University
FantasyAthena Beatrice Levin is just a normal girl, living her normal life, or that's what she thought. It all started when her Auntie pushed her to enter a portal. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya pagkatapos nito, ngunit wala siyang ibang m...