Chapter Fifteen

2.5K 154 28
                                    

"Athena, look at here baby! I have something for you..."

I automatically smiled when I saw my mother. She's now approaching me with her arms wide open. I ran towards her and hugged her real tight.

"What is it, mom?" I excitedly said to her after my tight embrace.

She chuckled at me as she ruffled my hair. "Mas excited ka pa yatang makita iyong pasalubong ko kaysa sa akin mismo, ah?" Lumuhod siya sa harapan ko para magpantay ang height namin.

I giggled. Pabiro akong namewang sa harap niya. "Where's my pasalubong?" maarte kong sinabi.

She laughed so hard at me before pulling me again for a tight embrace. I giggled. Mom is so sweet at me. I love her so much!

"Aba, hindi naman yata ako papayag na kayong dalawa lang ang nagyayakapan diyan."

My eyes widened when I saw my Dad at the entrance of our house. He's working for the government. Minsan lang siya umuwi kaya naman halos mapatalon ako sa tuwa nang makita siyang papasok! Oh my God! I'm so stoked!

I heard my Mom laughed upon seeing my reaction. "He's my pasalubong, baby. Your Dad's home!" masaya niyang sinabi sa akin.

Agad akong kumalas sa yakap namin ni Mommy at tinakbo ang distansya papunta kay Daddy. Halos tumalon na ako para lang mayakap siya. Dad lifted me up as I hugged his neck so tight.

"Dad, you're here! You're now here!" I shouted with so much enthusiasm.

My Dad chuckled as he caressed my long hair. "Yes, baby. I'm here.. I missed you," malambing niyang sinabi.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa leeg niya. My Mom also went to us to hug us both.

"My little family... You two will always be my home..." my Mom whispered.







"ATHENA! ATHENA! Shit, Athena!"

Agad akong bumangon habang habol habol ang hininga ko. Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa magkabila kong pisngi. I sighed heavily. Niyakap ko ang tuhod ko habang nakatulala sa kawalan.

Dad... Mom...

"Athena? What happened? May naalala ka ba?" Rinig ko ang natatarantang boses ni Sapphire.

Dito niya naisipang matulog pagkatapos ng ginawang pagsalakay nina Lumiere. Asher's already gone after finishing our dinner here. Tumingin ako sa labas. Madilim pa rin ang paligid.

"Athena, magsalita ka naman..."

Inangat ko ang tingin ko kay Sapphire na nag-aalalang nakatitig sa akin. I smiled weakly at her. Nanghihina pa rin ako habang naiisip ang mumunting ala-alang nagbalik sa akin.

"I'm fine. Sorry, matulog na tayo..." napapaos kong sinabi sa kaniya.

Tinitigan niya muna ako saglit bago dahan-dahan dahang tumango. Naglakad na siya papunta sa kama niya habang ako naman ay nanatiling nakaupo. Mahigpit kong niyakap ang tuhod ko. I can't help but to feel sorry for my parents. Mahal na mahal nila ako. They protected and saved me from possible harm. But here I am... nahihirapan pa ring maalala ang lahat.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now