"She's beautiful, Kuya! Anong nangyari sa kaniya? Bakit wala siyang malay?"
"I don't know. She looks like she just came here from the portal."
"Portal, kuya?! Ibig sabihin dito na siya titira?"
"Probably. I really don't know."
"I'll tour her around Minde!"
"You can't. You're just fourteen."
"E'di sumama ka sa amin!"
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang pagkahilo. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang maliwanag na sikat ng araw. Napaupo ako.
Umaga na!? Shit, anong nangyari sa akin?
Luminga ako sa paligid, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang batang babaeng nakangiti sa akin. Sa tabi nito ay isang lalaking sa tingin ko ay kaedad ko lamang, kung hindi naman ay mas matanda sa akin ng isa o dalawang taon. Who are they? Sila ba ang naririnig ko kanina?
Kahit nahihilo ay pinilit ko pa ring tumayo. Napapikit ako nang mariin nang mahilo ako. Muntikan pa akong matumba kung hindi lamang ako hinawakan ng lalaki sa bewang ko at isinandal ako sa katawan niya. I heard him muttered a curse.
"Saan ka ba kasi nanggaling?" he asked me as he guided me to stand properly. Parang naiinis pa siya sa tono ng pananalita niya.
Umiling ako at mas piniling hindi sagutin ang tanong niya.
"Who are you?" tanong ko nang mawala na ang pagkahilo ko at kinaya ko nang makatayo ng tuwid.
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya at tinignan siya nang maigi. He's tall. Medyo mahaba ang magulo niyang buhok. He's dark but it doesn't make him less attractive. In fact, it even made him more appealing. Malalim ang mga mata at may mahaba at makurbang pilikmata, makapal ang kilay at matangos din ang ilong.
He's handsome.
But that doesn't mean na pagkakatiwalaan ko na siya. Estranghero ang lugar na ito sa akin. I think, dito ako dinala ng pinasukan kong portal. I didn't even know where I am.
Minde? Iyan ang narinig ko sa usapan nila kanina ng batang babae.
"Why would I answer your question? Hindi mo nga sinagot ang tanong ko." he answered.
I rolled my eyes because of that. Bwisit ang lalaking ito, ah. Mukhang wala akong matinong sagot na makukuha sa kaniya.
Should I just go, then? Baka masasamang tao pala sila at may gawin pang kung ano sa akin! Tumalikod ako at nagsimula na lamang maglakad papalayo.
"Wait, ate!" kasabay nito ay ang paghawak niya sa braso ko na nakapagpatigil sa akin sa paglalakad.
The girl smiled at me. Sumulyap ako sa kapatid niyang nakapamulsa habang tinitignan din kami. When he noticed that I'm looking at him, he glanced at me. Pinagtaasan ko siya ng kilay bago bumaling sa babaeng nasa harapan ko.
"Bakit? Aalis na ako," I softly said to the girl.
"Sasamahan ka na namin! Sabi ni Kuya, you just came out of the portal. That means you're not yet familiar with Minde!" masiglang sabi niya sa akin.
Minde.
I don't even know that this place is existing. Luminga ako sa paligid. Para lang naman akong nasa normal na kagubatan. May puno sa paligid. Naririnig ko rin ang huni ng mga ibon. Kumunot ang noo ko at muling bumaling sa babae.
"Sino kayo?"
The girl smiled wider at me. "I'm Ashley! And that boy over there is Kuya Asher. Just don't mind him, okay? He's always grumpy!" sambit nito kaya napatingin ulit ako sa lalaking nasa 'di kalayuan sa amin. I saw him scoffed upon hearing what Ashley said.
YOU ARE READING
Perigo University
FantasyAthena Beatrice Levin is just a normal girl, living her normal life, or that's what she thought. It all started when her Auntie pushed her to enter a portal. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya pagkatapos nito, ngunit wala siyang ibang m...