Chapter Three

4.1K 219 18
                                    

"Alpha? What do you mean?" I asked Asher.

Luminga-linga ako sa paligid at pansin ko ang titig sa akin ng mga estudyante. Ang ilan ay nakakunot ang noo, ang iba ay nakangiti, samantalang ang karamihan ay hindi pa rin makapaniwala.

Mas lalo lang akong hindi mapakali. The heck is happening? Anong Alpha?

"Athena, right?" nagsalita ang babaeng kasama ng dalawang lalaki kanina. Nakangiti ito sa akin. "Being an Alpha means you're not just an ordinary person with an ordinary Control Ability. You have a special type of CA. Just like us, you belong to the Alpha Team."

"Anong special special? That's impossible!" bulalas ko. "Ni hindi ko nga alam kung anong CA ko!"

Umiling lamang sa akin ang babae. "That's not impossible, Athena. It's just... extremely rare."

"Sino ba kayo?" Nagsisimula na akong mairita. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. No one's even helping me to understand! Hindi ko ito napaghandaan dahil wala namang sinabi si Ashley sa akin tungkol sa kanila!

Are they trying to fool me?

"I'm Sapphire and this is Hiro," turo niya sa lalaking nasa gitna, 'yong kanina pa nakatitig sa akin. "And he's Louie."

The boy named Louie scoffed. "It's Luigi for her," matigas na sabi niya.

"Oh." Tumawa si Sapphire. "Call him Luigi."

I just smiled sarcastically at her. Tumingin ako kay Asher na nasa tabi ko. Nanatili siya sa ganoong ekspresyon. Bakit parang wala lang naman yata sa kaniya? Kanina pa siya tahimik at malamig kung tumingin! What's wrong with him, really? Nang mapansin sigurong sa kanya ako nakatingin ay sumulyap din siya sa akin. Nagkatitigan kami.

His lips are on a grim line. Pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang malungkot na ekspresyon sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.

Bakit? Is there something wrong?

"Asher Ezekiel, I didn't know you'd be this kind for bringing another Alpha here in this school. Your effort is fully appreciated." Malalim ang boses ng nagsalita.

Muli akong napatingin sa tatlong tao sa harapan namin dahil sa sinabi ni Louie --- I mean ni Luigi. Napaismid ako sa naisip. Napakaarte naman ng lalaking ito at gusto pang iba-iba pa ang tawag sa kaniya.

Luigi smirked at Asher, obviously pissing him off.

Oh? Magkakakilala sila? Magkaibigan?

"I brought her here for myself. Not for you and certainly not for anyone else," Asher fired back.

Napakagat ako sa labi ko. There, Athena! The answer is now in front of you. Hindi sila magkakaibigan, obviously. Kung ganoon ay magkakaaway sila?

Napaismid ako ulit. Hindi na ako magugulat kung maraming kaaway itong si Asher the motherfucker. Sa ganyang ugali ba naman niya, talagang may makakaaway siya!

Nanatili ang ngisi sa mukha ni Luigi nang marinig ang sinabi ni Asher. Parang inaasahan na niya ang ganoong klaseng sagot mula rito. Lumipat ang tingin ko sa lalaki sa gitna nila.

So... his name is Hiro. Tumaas ang kilay niya sa akin nang mapansin ang tingin ko. Ano kayang problema nito sa akin? Kanina pa siya nakatitig, ah?

"Athena, you need to---" Mr. Steph was cut off. Napahinto siya sa sinabi niya at hindi nakagalaw.

Why? What's happening? Muli akong lumingon sa paligid at nagulat ako nang halos lahat sila ay parang natigil sa ginagawa. It was like the time was stopped for them. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero nagagalaw ko naman.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now