"Saan ka ba kasi nagpunta? Buti na lang nahanap kita!"
I rolled my eyes.
"Kung hindi ka kasi sana tumakbo, edi sana hindi ako nawala," sambit ko.
"You know what? Just forget it! Let's go shop!"
Iyon nga ang ginawa namin. Halos umabot nga kami ng dalawang oras sa pamimili lamang ng damit. Paano ba naman kasi itong si Megan, gusto yatang bilhin ang buong mall sa dami ng kinuha at pinagsususukat! Samantalang ako ay may sampung damit lang ang nabili ko. I don't need many of those, may uniform naman kami kapag papasok so I just need some.
Bumili na rin kami ng mga sandals at mga sapatos. Buti na lang at hindi naman kami ganoon katagal doon. I bought three rubber shoes and a pair of sandals. I like rubber shoes more. Sa bahay namin noon ay may collection ako ng mga rubber shoes sa iba't ibang brand. That's my drug. Well, hindi naman kasi nasasayang dahil nasusuot ko naman lahat.
Pagkatapos naming bumili ay pumunta na kami sa isa sa mga restaurant nila at doon na kumain. I can't believe it, para rin naman pala itong katulad noong sa normal na mundo. Ang kaibahan nga lang, ang mga tao rito ay may kapangyarihan.
God, I didn't expect that I will say that. Hindi ko naimagine noon na maniniwala nga ako sa mga ganitong powers powers. Ngayon lang talaga kung kailan nararanasan at nakikita ko na ng harap-harapan.
"Meg," pag-agaw ko ng pansin sa babaeng masigla pa ring kumakain.
Hindi ba 'to nauubusan ng energy? Napakahyper.
"Hmm?" Nakangiti siya sa akin.
"Bakit pa may mga hospital dito? May mga healer naman, 'di ba? Bakit hindi na lang ipagamot sa healer at huwag nang dalhin sa hospital?" tanong ko.
Kasi kung pwede naman palang gamutin ng healer, e'di ibig sabihin ay hindi na kailangan pa ng hospital. Kanina ko pa rin iniisip iyon dahil naguguluhan din ako sa sobrang dami ng malalaking buildings dito sa University.
Megan almost choked in her food. I hissed. Her reaction told me that I just asked a dumb question! Duh, malay ko ba?
"Siyempre, 'no! Kailangan ng mga injured at may sakit ng facility na matutuluyan nila, Athena. Saka hindi naman lahat kayang gamutin ng mga healer na nag-aaral dito. If an injury is so severe, sa hospital nila dinadala. Nandoon nagtatrabaho ang mga alumni ng school na galing sa Heal Faction," mahabang paliwanag niya.
Wala sa sarili akong tumango. "Trabaho? Hindi ba kailangan ng badge para makuha sa mga ganyang klaseng trabaho?"
"Hindi naman. Pero malaking advantage pag nakakuha ka ng badge." Meg stopped eating for a while so she can focus on explaining. "Kasi kapag meron ka no'n, mas madali kang matatanggap. Hindi katulad noong sa mga wala, kailangan mo pang paghirapan ng sobra bago ka makapagtrabaho sa mga ganoong propesyon."
Oh, para lang palang diploma.
"Paano ba nakakakuha ng ganoon?" interesado kong tanong sa kanya.
"Well, kapag Alpha ka madali na lang iyon. You just need to be under the council of this school. You know, just like their pet." Ngumiwi siya sa sinabing iyon. "Kapag naman hindi, you need to be at the top 5 in your faction. Ina-announce 'yon kapag ga-graduate na."
Kumunot ang noo ko. I'm an Alpha. Ibig sabihin basta sumunod lang ako sa council ng school na ito, makakakuha na ako ng badge?
I'm interested on getting that. Sabi ni Ashley ay maaari akong humiling sa council ng kahit na ano basta makakuha ako ng badge.
If ever na makakuha ako, hihilingin ko na bumalik na lamang sa dati kong mundo. I'm so sick of here, feeling ko ay hindi ako nababagay dito kahit alam ko namang isa ako sa kanila. I feel like I'm not welcome. Feeling ko, kahit kailan ay hindi ako masasanay sa mga nangyayari rito.
YOU ARE READING
Perigo University
FantasyAthena Beatrice Levin is just a normal girl, living her normal life, or that's what she thought. It all started when her Auntie pushed her to enter a portal. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya pagkatapos nito, ngunit wala siyang ibang m...