Hindi ako nakatulog sa gabing iyon. Noong ihatid ako ni Asher sa kwarto namin ni Megan ay tulala lamang ako. Buong gabi akong nakasandal sa headboard ng kama, nakatunganga sa kawalan. I didn't know if Megan managed to sleep, though. She insisted on sleeping beside me so I let her. Besides, I don't have enough strength to disagree on her crazy ideas. Well, alam ko namang gusto lang niyang tumabi sa akin dahil nag-aalala siya. She wants to make me feel that I'm not alone.
Asher is right. Masarap pala sa pakiramdam kapag alam mong may mga taong nag-aalala sayo. Masayang isipin na may mga taong handang damayan ka sa lahat ng mga pinagdadaanan mo. Kung papaanong hindi ko ito narealize noong may pagkakataon ako ay hindi ko alam.
Tumayo ako sa kama at nagsimulang mag-ayos ng sarili. Megan is on the bathroom, getting ready for school. Kanina niya pa sinasabi sa aking huwag na akong pumasok at matulog na lang pero mariin akong tumanggi. Ayaw kong umabsent. Isa pa, hindi naman ako nakararamdam ng antok.
I combed my hair. Nilagay ko ito sa kanang balikat ko, ang dulo nito ay umabot na sa aking baywang. Hinaplos ko ang mahaba at makapal kong buhok. Naalala ko ang paraan ng paghaplos ni Asher dito kagabi habang pinapatahan ako. His touch somehow comforted me.
Kumalabog ang pintuan ng banyo nang lumabas si Megan. Halos mapatalon pa siya sa gulat nang makita akong nakatayo at nag-aayos ng sarili.
"Didn't I tell you to just rest, Athena?" marahang sabi niya sa akin.
Umiling ako. "Papasok ako, Megan."
"But you-"
"Mababaliw ako kapag naiwan akong mag-isa rito. Mas okay na sa akin kapag may mga makakasama ako, Meg. Please understand my reason," sabi ko sa kaniya.
I heard her sigh before slowly nodding at me. "You sure?" paninigurado niya.
Ngumiti ako sa kaniya. "Yup, Meg. Thanks."
Kinuha ko na ang uniform ko bago ako pumasok sa loob ng banyo para maligo. Habang nasa ilalim ng shower, wala sa sarili kong hinaplos ang marka sa may batok ko. Akala ko talaga noong una ay simpleng birthmark lang ito.
"Athena!"
Agad akong napalingon nang marinig ko ang malakas na katok sa pintuan ng banyo. Kumunot ang noo ko.
"Bakit?" malakas kong tanong mula sa loob.
"Naiwan ko pala diyan yung tie ko. Pakikuha naman paglabas mo, oh!"
"Sige!"
"Saka bilisan mo na riyan, baka ma-late na naman tayo!"
Nagmadali ako sa pagligo at pagbihis dahil ayaw ko rin namang ma-late. Hinablot ko ang tie na naiwan ni Megan sa loob at lumabas na sa banyo. I saw her doing her daily make-up routine. Lumapit ako sa kaniya at inabot ito.
"Here," I said.
Ngumiti siya sa akin at kinuha ang tie. Nagtaka pa ako dahil nagtagal ang titig niya sa kamay kong nakalahad. She looked so stunned. Nanliit ang mga mata ko sa kaniya.
"Why? May problema ba?"
She looked at me, still shocked. "Do you already know what your Control is?"
Kumunot ang noo ko. "Hindi pa, bakit mo naitanong?"
Muli siyang tumingin sa kamay ko. Hinawakan niya ito at sandaling sinuri. Nagtataka ko ring sinulyapan ang kamay ko.
My jaw dropped when I saw something on my wrist. Inangat ko ang kamay ko at tinitigan ito nang mabuti. May maliit na letrang A na nakaukit doon. It is like a minimal tattoo.
YOU ARE READING
Perigo University
FantasyAthena Beatrice Levin is just a normal girl, living her normal life, or that's what she thought. It all started when her Auntie pushed her to enter a portal. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya pagkatapos nito, ngunit wala siyang ibang m...