Chapter Thirteen

2.5K 143 11
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi na naulit pa ang pagdaan ng mga alaala sa akin. I sighed. Buong akala ko pa naman ay magtutuloy-tuloy na. Siguro ay kailangan ko ng trigger? Iyong mga events na may kinalaman noon?

"You done, Athena?" tanong sa akin ni Megan.

Hindi ako sumagot. Parehas kaming nag-aayos na para makapasok. Maaga pa pero ayaw na naming ma-late ulit dahil yung isang member na na-late sa klase ni Mrs. Claine ay tinakbo ang buong campus nang sampung beses. Meh, that teacher is really scary.

I blow-dried my short hair. Pagkatapos ay kinuha ko ang tie ko para maisuot at maitali ko na nang maayos. Sumulyap ako kay Megan na saglit pang nag-ayos sa harap ng salamin bago humarap sa akin.

"Let's go?" aya niya sa akin.

Tumango ako. Sabay kaming bumaba sa building at naglakad papunta sa classroom namin. Sinuklay ko gamit ang mga daliri ko ang maikli kong buhok. Sobrang aga yata namin, kakaunti pa lang ang estudyanteng naglalakad, e.

Nang makarating kami sa room namin ay naabutan ko ang malakas na bulungan ng mga members. Nang pumasok kami ay natuon ang pansin nila sa aming dalawa ni Megan. I raised my brow. Hindi ko gusto ang titig na ibinibigay sa amin ng ilang lalaking members. Gusto ko tuloy kumuha ng tinidor at tusukin ang mga mata nila.

Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko rin na medyo nagiging maayos na ang pakikitungo ng iba sa akin. Hindi na katulad noong una na halos wala akong makausap. Well, okay naman sa akin kahit hindi nila ako kausapin. I'm fine with that.

Wala rin akong ibang pinagsabihan tungkol sa pagkakatuklas ko sa CA ko. Ang marka ko sa kamay bilang Alpha ay tinatabunan ko na lang din ng concealer. Although hindi siya tuluyang nawawala, at least hindi ganoon kadaling mapapansin.

"Wow, Athena! You cut your hair?" rinig ko ang pagkamangha sa boses ni  Reo.

Hindi ko talaga nagugustuhan ang biglaan niyang pagiging mabait sa akin. Pero siguro ay ginagawa niya ito dahil nagui-guilty siya sa mga sinabi niya sa akin noong nakaraan? Kung iyon lang din pala ang dahilan niya, sana ay hindi na siya nag-abala. I'm not mad at him or whatsoever.

Ngumisi ako. "Obvious ba?" sarkastikong sinabi ko.

He laughed at my remark. "You're so grumpy!" wika niya at tinuro pa ako.

I rolled my eyes at him. Grumpy, my ass.

Inayos ko na lamang ang pagkakaupo ko at muling inilibot ang tingin ko sa paligid. The other members are still whispering about something.

"Anong meron?" nagtataka kong tanong habang nakatitig pa rin sa mga members na nagkukumpulan at may seryosong pinag-uusapan.

Nilingon ko si Reo dahil umupo siya sa tabi ko. Agad na hinanap ng mga mata ko si Megan. Kasalukuyan na siyang nakikipagusap sa iba pang members, kadalasan ay lalaki. I rolled my eyes. Siguro ay sobra siyang namamangha dahil nasanay siyang sina Hiro at Luigi lang ang kasama niya noon.

"Contain Faction is now facing a big trouble. Kaninang madaling araw ay may nakakita raw sa katawan ni Lucas doon sa may forest. Wala nang buhay," paliwanag sa akin ni Reo.

Nanlaki ang mga mata ko at gulat na tumingin sa kaniya. "Lucas!? Yung rank two, Reo?" If I remember it right. Lucas iyon 'di ba?

Tumango siya sa akin at nagbuntong hininga. "Hindi ko rin inaasahan 'yon. Nakausap ko na siya minsan at masasabi kong malakas siya. Sino naman kaya ang umaatake sa Contain? Kahapon si Theo, ngayon naman si Lucas? Hindi na ako magugulat kung isusunod si Zian."

Kumalabog ang puso ko. I couldn't believe this! Akala ko pa naman ay maaayos na ang lahat! Iniisa-isa talaga ni Lumiere ang mga may matataas na rank sa Contain. God, she's a witch!

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now