Nagpunta ako sa training room ng mga Alpha pero si Hiro lang ang tanging naabutan ko roon. Nagte-training siya at alam kong binubuhos niya roon lahat ng galit niya. Huminga ako nang malalim at nagpasyang lapitan siya.
"Hey..." mahina kong tawag sa kaniya.
Huminto siya sa ginagawa at hindi man lang nagulat sa presensya ko. O kung nagulat man siya, hindi ganoon kahalata dahil sa napakaseryoso niyang mukha. Gone was his cute and jolly aura. Blangko lang ang mukha niya at nananatiling madilim ang ekspresyon.
Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa harapan niya. Tinapik ko ang balikat niya.
"I'm sorry," napapaos kong sinabi.
I know I have my share of mistakes here. Kung hindi sana ako nagpumilit magsalita at gumawa ng topic ay hindi sana sila magkakasagutan.
"Not your fault, Athena." His tone is hard.
Napalunok ako. "I don't know what to say..." wika ko. "I hope I can do something... para maging maayos ang lahat."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. I'm 5'7 pero ang tuktok ng ulo ko ay hanggang bibig lang ni Hiro. Humugot ako ng isang malalim na hininga at sinalubong ang malulungkot niyang mga mata.
He smiled weakly at me. "You don't need to meddle with this, Athena. Labas ka dito."
"I hope you can forgive yourself. Alam kong hindi ninyo sinasadya ang mga nangyari. Naniniwala akong hindi ninyo kasalanan ang lahat."
"Asher is still hurting... magulang niya iyon, e. Naiintindihan ko," aniya.
"But you still deserve to have peace in your mind, Hiro. Patawarin mo ang sarili mo sa lahat. Believe in yourself in times like this," wika ko. "Alam kong hindi ninyo sinasadya. Naiintindihan ko si Asher pero naiintindihan ko rin kayo."
Umiling siya sa akin. "When Asher stopped believing in me, I stopped believing in myself too. When Asher started to get mad at me, I started to get mad at myself too. So, I'm sorry if I still can't grant your request to forgive myself right now, Athena. Dahil hangga't nangyayari ang lahat ng ito, maaapektuhan at maaapektuhan pa rin ako."
Kinagat ko ang labi ko. Tinanggal niya ang kaniyang mga kamay sa magkabilang balikat ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin.
"Nasa room ninyo si Sapphire. Please accompany her for now, she needs you."
I nodded. "Si... Luigi?" nag-aalinlangan kong tanong.
"Hindi siya nagpapakita sa amin lalo na kapag galit o nasasaktan siya," sagot niya. "But don't worry about him, I know he can handle himself. Sadyang ayaw niya lang talagang makikita siya ng iba kapag ganito na ang sitwasyon. Please understand him. Sa aming tatlo, siya ang nakita kong pinakanaaapektuhan kapag nangyayari ang ganito."
Tumango ako. "Aalis na ako. Uh... are you okay here?"
He smiled at me. "Yes, Athena, thank you."
Umalis ako at hinayaan na lang siyang mapag-isa. Siguro ay iyon ang gusto niya sa ngayon. Habang naglalakad papunta sa room namin ay malalim at napakarami kong iniisip.
I know they didn't mean to do it. Alam ko at maging si Asher ay alam iyon. But... he's hurt. We don't know the battle he's facing right now. Hindi ko masisisi si Asher dahil siya ang nawalan, siya ang pinakalabis na nasaktan dito. But is it really right? Ang manakit ng iba dahil nasasaktan ka?
Huminga ako nang malalim. I don't want to judge him. Alam kong hindi niya sinasadyang masaktan sina Hiro. Alam ko ring sobra siyang nahihirapan sa mga nangyayari. I know that it is very hard to forgive people, lalo na kapag hindi mo pa rin talaga nakakalimutan ang lahat. Lalo na kapag nasasaktan ka pa rin.
YOU ARE READING
Perigo University
FantasyAthena Beatrice Levin is just a normal girl, living her normal life, or that's what she thought. It all started when her Auntie pushed her to enter a portal. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya pagkatapos nito, ngunit wala siyang ibang m...