Chapter Twenty Eight

1.9K 116 14
                                    

Nanginginig ako sa takot at galit habang pinapasok nila akong dalawa sa isang itim na sasakyan. My angry face screams betrayal as I glare at Luigi. Malamig lang ang ekspresyon niya habang nagmamaneho.

I still can't believe this! We trusted him! I... trusted him!

Ibig sabihin, siya ang spy nina Augustus sa school? Ibig sabihin... siya rin ang nagsabi sa council ng tungkol sa pagiging Alpha ko?

Oh my God! I can't fucking believe this! Nanginginig na ako sa sobrang galit! And shit... I really hate it when my anger turns into tears! Nangingilid ang luha ko sa mga mata habang iniisip lahat ng mga nangyayari.

Nakaposas ako at nasa backseat ako ng sasakyan katabi ang 'half sister ko'. Masakit ang mukha ko dahil sa malakas na sampal niya sa akin kanina. But nothing could ever surpass the pain I am feeling inside. It is an emotional torture.

Kinagat ko ang labi ko habang natutulala sa kung saan.

I'm fucking doomed. And it is all because of him. I still can't get over how he pointed a gun at me earlier.

Headshot. He is aiming for headshot.

Bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko iyon magawang punasan dahil nakaposas sa likuran ko ang parehas kong mga kamay. I hate this. I hate crying in front of these people. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga mapigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Dammit, Athena! You are a fucking cry baby!

Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin pagkatapos nito. Are they going to kill me? Pero kailangan nila ako, 'di ba? They need me for their experiments. Dammit. What am I here? A fucking guinea pig?

Humikbi ako. I saw Luigi clenched his jaw so hard upon hearing my sob. Pero hindi niya ako nilingon. His serious and cold eyes are still on the road.

"Stop crying. Naririndi ako sa'yo! Wala ka nang magagawa dahil sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa amin!"

Magkasunod na sampal ang natanggap ko mula kay Ara Miyata. Bumilis ang paghinga ko at marahas siyang tinapunan ng matalim na tingin.

I am not crying for myself. I am crying for our friendship! Na sinira ni Luigi nang sandaling pumanig siya kina Augustus! Nang sandaling mas pinili niyang pagtaksilan kami!

"I will never forget this. Ako mismo... ang magpaparusa... sa inyong lahat," putol-putol kong sinabi dahil sa galit.

"Shut up!"

Akmang sasampalin niya akong muli pero pareho kaming halos mabuwal sa pagkakaupo dahil sa biglaang paghinto ng sasakyan. We both looked at Luigi who is now glaring at us.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sandaling magtama ang mga mata namin. I just looked directly at him in a very angry way. Gusto kong iparating sa kaniya kung gaano ako kagalit at kadismayado sa mga nangyayari.

I hate betrayals. I loathe every traitors here in this world. Saludo ako sa mga taong nakukuhang magpatawad pagkatapos silang pagtrayduran pero hinding hindi ako sasali sa mga taong iyon.

Galing sa akin ay inilipat ni Luigi ang malamig na tingin niya sa katabi ko. "We are already here. Mauna ka na, Ara. Ako na ang bahala sa babaeng 'yan."

Babaeng 'yan.

Wow. Babaeng 'yan?

How dare him address me that way? Hindi ko alam kung bakit mas nagdomina pa ang sakit sa sistema ko kaysa sa galit. Umiwas ako ng tingin sa kanila hanggang sa padabog na lumabas si Ara sa sasakyan. I gritted my teeth. Hindi ako nagsalita kahit na alam kong nakatitig sa akin ang traydor.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now