Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi na naulit pa ang labis na pagsakit ng ulo ko. Wala na rin akong ibang naalala pa noong kabataan ko. But I know, there's something missing. Parang may nawawala sa pagkatao ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa lubusang naaalala.
I didn't mention anything to Asher since that day. Baka nga sakaling wala lang talaga ang alaalang iyon. Baka naalala ko lang dahil sobra ang inis ko ng mga panahong 'yon.
I mentally frowned. Magnanakaw ng mansanas. Noong bata pa lang pala talaga siya ay ganoon na ang ugali niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa Asher the motherfucker na iyon, e.
Tumunog ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase namin kay Mrs. Claine. Bumuntong hininga ako. Physical Training na naman. Hindi ko rin sana gustong umattend sa klaseng iyan kaso kapag nawawala ako ay mabilis na napapansin ng mga kamiyembro. Hindi na sila katulad noon na walang pakialam sa akin. They treat me now differently, in a positive way, I guess? Siguro ay dahil na rin sa pagkapanalo ko sa game. Kaso isa lang talaga ang problema ko, lagi na nila akong napapansin kaya hindi ako makakuha ng tiyempo para makatakas.
Sabay kami ni Megan na naglalakad papunta sa Physical Training Room. Yes, kasama ko pa rin siya. She is enjoying being a Create Faction Member, eh?
Mahina ko siyang siniko. "Paano ako makakaalis nito? Halos lahat yata nakabantay sa atin."
"Oh, extra popularity, Athena? Perks of surviving the Game of Death, I guess?" she said playfully.
I rolled my eyes at her. She's not taking me seriously. Gusto ko talaga pumunta at magtraining kasama ang mga Alpha dahil mas marami akong natututunan doon. Lately, nakafocus kami kung papaano palawakin pa ang range ng Control ko. I also want to explore and discover something about Restraining Control but how the hell can I do that kung ganito ang nangyayari?
God. This sucks.
Nakasimangot ako habang pumapasok sa loob ng room. Kaniya kaniyang upo na ang mga kamiyembro namin. I sighed heavily.
"Athena, dito!" turo ng isang babaeng kamember namin sa tabihan niya.
Ngumiti lamang ako at umiling. She pouted but she let me sit far away from her. I glanced at Megan beside me. Masaya siya habang nakikipagkwentuhan sa iba pa naming kasamahan.
I am not an extrovert like her. I can socialize but not to the extent na kakausapin ko kahit hindi ko naman close o ano. I can't barely start a conversation with someone I am not comfortable with.
Pumasok si Asher sa room namin, seryoso ang mukha. Umayos ako ng upo at tumitig lang sa kaniya. He looks like a merciless devil but I know, deep inside... he's soft and gentle too. Malakas na kumalabog ang puso ko dahil sa naisip. Pinilig ko ang ulo para iwaksi iyon para makapagpokus na lamang sa harapan.
Pinasadahan niya ng tingin ang buong lugar. When his eyes found mine, agad nawala ang nakakunot niyang noo at napalitan kaagad ng magaang awra. Tumikhim ako at nag-iwas na lamang ng tingin.
He started with his usual lectures. I frowned. Ilang beses ko nang naririnig sa kaniya ang mga pangaral niyang walang katapusan. Iba iba sa iba't ibang araw. Hindi yata siya nauubusan. Hindi ko na tuloy alam kung faction leader ba siya o ama na namin.
Mahina akong humagikhik dahil sa naisip. What the hell, Athena? Papa Asher, really? I giggled again.
"Looks like one of my members is daydreaming about something. Mind sharing us what are you giggling at, Miss Levin?"
Agad akong napaayos ng upo dahil sa biglaang pagsaway sa akin ng leader namin. I surveyed the whole room only to find out that everyone's attention are already on me. Bigla akong ginapangan ng hiya dahil sa mga naiisip.
YOU ARE READING
Perigo University
خيال (فانتازيا)Athena Beatrice Levin is just a normal girl, living her normal life, or that's what she thought. It all started when her Auntie pushed her to enter a portal. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya pagkatapos nito, ngunit wala siyang ibang m...