Chapter Twenty One

2K 127 6
                                    

I opened my eyes slowly. Doon ko napagtanto na nasa loob na kami ng isang sasakyan. Asher is driving while the other three are on the backseat. Agad kong sinulyapan si Sapphire, wala na ang dugo sa mukha at ilang parte ng katawan niya ngunit kita pa rin ang mga sugat at galos na natamo niya sa pakikipaglaban.

I sighed before throwing my glance on the driver seat. "Saan tayo pupunta?"

"Bahay," he simply answered.

"Hindi ba tayo masusundan doon?"

Nagkibit siya ng balikat. "Malayo ang bahay namin. At wala namang ibang nakakaalam at nakarating doon kung hindi ikaw..." He trailed off. "At sila..." halos pabulong niyang sinabi, ang tinutukoy ay ang tatlo sa likuran namin.

Tumango ako. Maybe they are always hanging out in each other's house? Sleep over? Having a good time? Suminghap ako at itinuon na lamang ang tingin sa bintana.

"How are you feeling?"

Sinulyapan ko saglit si Asher. "The pain is bearable."

Masakit pa ang ilang parte sa katawan ko at mahapdi rin ang ilang cuts pero matitiis ko naman. I'm not that high maintenanced na kaunting sugat ay mag-iinarte na. I can perfectly handle myself.

"Malapit na tayo. Ashley will take care of you."

"How about them?" sabay sulyap ko kina Hiro and Luigi sa likod.

Tulog silang dalawa. Si Sapphire ay nasa gitna nila at nakahilig sa balikat ni Luigi. They all look tired. Kagaya ko ay may ilang galos din sila sa katawan. Tinignan ko si Asher at naabutan ko siyang nakatitig din sa kanila sa rearview mirror.

Nang mapansin niya ang tingin ko ay saglit siyang sumulyap sa akin bago muling ibinalik sa kalsada ang tingin. "Sasama sila sa atin." Tumikhim siya.

I nodded. "How about you? You okay?"

"Matulog ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag nandoon na tayo."

Kumunot ang noo ko. "Do you want me to drive instead?" Tutal ay kagaya namin, alam kong pagod rin siya.

"Bakit? Marunong ka?" He chuckled.

Uminit ang pisngi ko nang mapagtanto iyon. Hindi nga ako marunong magdrive! The nerve of me to offer that. Ang tapang tapang mo talaga, Athena, 'no? I want to curse myself because of that.

"Sabi ko nga, hindi." I rolled my eyes at him.

Bahagya niya akong sinulyapan, the ghost of smile is still on his lips. "I'm fine, Athena. Magpahinga ka na muna. I can handle this."

Muli akong umirap. "Yabang."

Natawa siya pero hindi na lang nagkumento pa sa sinabi ko. Itinuon ko sa dinadaanan namin ang atensyon at maya maya pa ay nilamon na ulit ako ng pagod at antok.

Nagising lamang ako dahil sa marahang haplos sa pisngi ko. Pupungas-pungas akong dumilat at agad nagtama ang mga mata namin ni Asher.

"Wake up, sleepyhead." He smiled. "We're here."

Tumikhim ako at bahagyang sinulyapan ang likurang bahagi ng sasakyan. Wala na sina Luigi roon. Huminga ako nang malalim at lumabas na ng sasakyan.

"Kaya mo ba? I can carry you."

Umiling ako. "Hindi na..."

Mabagal lang ang lakad ko papasok sa malaking bahay nina Asher. I held his arms for support. Siguro'y nasa loob na sina Hiro at ginagamot na ni Ashley. I wish they are okay, though.

Nang makapasok ako sa loob ay naabutan ko kaagad sina Hiro at Luigi na nakaupo sa isang sofa. Sa tabi nila ay si Ashley na masayang nagkukwento sa kanila. I can't help but to smile. How I miss this jolly and hyper girl.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now