Arrrgggh... Hindi pa ba matatapos to? Hilong hilo na ako e. Puro ikot ikot na lang. Wala pa rin naman akong maintindihan. Magdadalawang oras na ata nya akong tinuturuan pero hanggang ngayon, isang kulay pa lang ang nabubuo ko. Anak ng pating, e anim to! Edi lima pa? E sa isa nga inabot na ako ng ganito katagal e. Tsss.
Napanguso na lang ako habang nagrereklamo sa isip ko. Bakit ba naman kasi ayaw na lang nyang buuin? E hawak naman na nya yung kamay ko habang hawak ko yung laruan e. Inaalalayan nya ako sa paggalaw sa laruan habang tinuturuan ako. Tapos ibabalik nya yung ginawa nya para ako naman daw yung gumawa, gayahin ko lang daw ang ginawa nya kanina.
"Sabi ko kanan diba? E bakit kaliwa yung ginalaw mo?," pagtataas nya ng boses.
"Sorry, kaliwete kasi ako e. Di ko napansin yung orientation mo kanina," paliwanag ko. Haaay. Bakit ko ba kinakausap tong babaeng to? E ni hindi ko nga sya kilala e.
"O sige sige. Basta tandaan mo lang yung move na tinuro ko sayo kanina. Pag second layer, hanapin mo yung edge na ilalagay mo sa pagitan nung dalawang centers, tapos itatapat mo sa center, dapat kung saan kakulay, dun mo iiiwas. Okay?" mahabang paliwanag nya.
"Opo," maikling sagot ko.
Inulit ulit ko lang yung sinabi nya hanggang sa mabuo ko yung apat na edges na sinasabi nya. Lumapad naman yung ngiti nya.
"Yes! Isa na lang!" excited na sigaw nya. Nagtaka naman ako. Paanong isa na lang e lima pa rin yung hindi buo? Gusto ko syang tanungin pero umatake na naman ang pagkamahiyain ko kaya hinayaan ko na lang sya at sinunod ang mga sinasabi nya. Madami syang alam. May fish, cross, tank pa syang nalalaman. Hahaha. Ang galing. Ngayon ko lang naisip na may figures palang nabubuo dito.
Nanlaki yung mata ko ng makita kong isang galaw na lang ay buo na yung laruan. "Sa wakas! Pagkatapos ng isang taon, nabuo ko rin itong laruan na to!" sigaw ko dala ng kagalakan. "Salamat ate uhm... Teka, hindi pa pala tayo magkakilala. Hehe." Nahihiyang sabi ko. Teka ako ba to? Nasan na yung hiya ko?
"Haha. Oo nga pala, ako si Anne, walang ate ha? Anne lang. Haha" nakangiting pagpapakilala nya sabay lahad ng malambot nyang kamay sa akin. Inabot ko naman ito at nagpakilala.
"Ako si Jovelyn. Maraming salamat sayo Anne," nakangiting sabi ko sa kanya. "Saan ka nga pala natuto magbuo nitong uhhh, ano ngang tawag dito? Hehe." Napakamot ako ng ulo sa kahihiyan.
"Rubik's Cube ang tawag dyan. Tinuruan ako ni daddy kung paano magbuo nyan pati na rin ng techniques para mas bumilis. Magpractice ka lang ng magpractice para gumaling ka," sagot ni Anne na hindi naaalis ang ngiti sa labi.
Hinila ko sya palabas ng parke. Lulusot sana kami sa butas kaya lang, hindi sya kasya dahil matangkad sya. Kaya umakyat na lang sya sa puno upang makalabas ng bakod at ako naman ay walang kahirap hirap na lumusot. Pagkababa nya ay hinila ko sya agad papunta sa paboritong kainan namin dati nina Mama at Papa.
"Teka Jovzkie, saan ba tayo pupunta? Gabi na oh," Tanong ni Anne.
Napatawa naman ako. Sya lang ang tumawag sa akin ng ganoon at nagustuhan ko iyon.
"Gabi na nga, at nagugutom na ako. Kaya kakain tayo. Ililibre kita. Birthday ko naman e," sagot ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong magcelebrate araw aaraw kasama sya.