*Chel's POV
Tahimik. Nakakabingi.
Naging ganito ang takbo ng byahe namin. Siguro ay naramdaman nya rin na ayaw ko muna syang kausapin ngayon. Gusto ko lang talaga syang mailayo dun sa unggoy na JohnVic na yun. Arrrgh! Bakit ba napakarami kong kaagaw kay Jovs!
Kakausapin ko na sana sya kaya lang nang lumingon ako saglit sa kanya ay mahimbing na syang natutulog. Napangiti na lang ako habang pasimple syang pinagmamasdan. Napaka-antukin talaga nito. Mukha syang anghel. Nagfocus na ako sa pagmamaneho at minabuti ko na lamang na buksan ang radyo.
"Ang susunod na kanta ay para sa lahat ng mga masokista dyan, mga ate! Naku! Ito na ang makapa-hugot ng damdaming kanta ni Glaiza de Castro, Sa'yo Pa Rin." sabi ng DJ at tumugtog ang isang malungkot na himig.
Ohhh, Ohhh
Ohhh, Ohhh
Sabi nya mahal ka nya
Pero sabi ko nagkakamali ka
Nakita ko sa kwento n'ya
Na sunod lang s'ya sa kagustuhan mo
Pero bakit ba ganon ang tema
Na kahit pa lokohin mo'y
Sa'yo parin
Pasimple akong lumingon kay Jovs. Bakit nga ba hindi nya ako magawang mahalin ng buo? Yung ako lang.
Kung ako man ang syang kapiling mo
Kagaya rin
Ang pagiging isang bulag sa damdamin ko
Sa'yo parin
Kung tutuusin, pwede naman akong humanap ng iba, pero hinihintay ko pa rin sya. Hinihintay ko na sabihin nya sa akin na, "Chel, handa na ako. Ikaw na lang ang laman nito."
Di ka ba naawa
Kailangan bang hintayin na magsawa
Ako na ay nagpapagod sa kakakinig ng mga kwento mo
Pero bakit ba ganon ang tema
Na kahit na mapagod sayo'y
Ganon parin
Ngayon lang ako nagkaganito. Ngayon lang ako nagseryoso. Pero bakit ganun? Ganito ba ang naramdaman ng lahat ng taong pinaglaruan ko yung damdamin? Ganito ba kasakit ang naramdaman ng mga taong pinaasa at pinaghintay ko noon?
Kung ako man ang s'yang kapiling mo
Kagaya rin
Ang pagiging isang bulag sa damdamin ko
Sa'yo parin
Karma. Karma nga siguro ang tawag dito. Pero bakit ganoon? Ngayon lang ako nakaramdam ng saya simula ng mawala sina Mommy at Daddy. Kay Jovs lang. Pero bakit ang bilis rin nawala?
Kung sakali mang s'yang kapiling mo
Ganun parin
Ipatuloy mo man ang nais mo
Sayo parin
Kahit na malayo sa'yong mga halik
At ako'y masabik
Sayo parin
Ang laman ang damdamin at pag iisip
Sa'king pananabik