Alas dos na ng madaling araw, wala pa rin si Jovs. Napakalakas ng ulan Nasaan na ba yun? Kinakabahan na ako ha! Nakakainis naman, kung bakit ba kasi nakatulog ako?
"Ahhhhh! Mahal na mahal kita Chel!" sigaw ng isang taong galing sa labas kaya't dumungaw ako sa bintana at nakita si Jovs na pasuray suray.
Dali dali akong bumaba at pinagbuksan sya ng pinto. Lasing na lasing sya at basang basa. Aalalayan ko sana sya, pero tinabig nya ako.
"Wag mo akong hawakan! Si Chel lang ang gusto ko!" sigaw ni Jovs sa akin, at tinabig ako, kaya't napatumba ako.
"Ate Chel? Jovs, anong..." napasugod si Aly ng makita kami at tinulungan akong tumayo. "Jovs naman. Ano ka ba? Diba sabi ko naman sa'yo, okay lang ang lahat?! Bakit ka ba naglasing? Ang kulit mo e. Sana pala di na kita pinayagang umalis. Buti pala at hindi muna ako umuwi. Nag-aalala lahat sa'yo, alam mo ba yun? Ni hindi namin alam kung saan ka susunduin." mahabang sumbat ni Aly, pero halata ang pag-aalala. "Halika! Pumasok ka na. " sabi nya at inalalayan si Jovs na bahagya ng makatayo.
Binigyan naman ng twalya si Jovs at inasikaso ng mga team mates ko. Samatalang ako ay tahimik lamang na nakaupo at nakikinig sa pag-uusap nung dalawa.
"Ibang klase ka rin ano. Kapag lasing ka, hindi mo nakikilala ang dyosa ng paningin mo." Pagbibiro ni Aly kay Jovs. "Ano bang pumasok sa isip mo ha? Akala ko ba naiintindihan mo?" tanong nya. Ewan ko ba pero kung mag-usap sila ay parang sobrang close na nila.
Napayuko si Jovs at tinakpan ang kanyang mukha ng dalawang palad nya. Maya maya pa ay napansin ko ang pagyugyog ng dalawang balikat nya at ang mahina nyang paghikbi. Umiiyak si Jovs. Ilang beses ko na syang nakitang umiyak pero iba ngayon. She looks so helpless sa kalagayan nya.
"Ly. Natatakot ako." daing ni Jovs.
"Saan ka ba natatakot? Hindi ba't sinabi ko naman sa'yo na wala na tayong magiging problema? Nagpalamon ka na naman ba sa takot mo?" ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Ly. Teka, bakit ba kung mag-usap sila ay parang wala ako?
"Paano kung mali pala tayo ng akala? Paano kung hindi pa pala ito yung panahon?" tanong ni Jovs, puno ng takot at pagdududa ang kanyang mga mata.
"Hmmm. Kasalanan ko. Dapat pala ipinagpabukas na lang natin yung plano. Hehe. Sorry ha? Naexcite ako para sa inyo e. Hindi ko naisip na baka pagod pala sya sa byahe." paghingi ng despensa ni Ly at napakamot na lang ng ulo.
"Ly. Pati tadhana, ayaw makisama. Natatakot ako. Baka hindi talaga kami para sa isa't isa. Baka hindi kami nararapat lumagpas sa linya."
"E duwag ka naman pala e!" sigaw ni Ly at kinwelyohan si Jovs. Gusto ko syang pigilan, pero parang napako ako sa kinauupuan ko. Bakit ba walang pumipigil sa kanila? Bakit ba nanunuod lang ang team mates namin? "Akala ko ba sundalo ka ha? Ni hindi mo nga kayang harapin ng buong loob yang nararamdaman mo. Ano? Sa court ka lang ba magaling?" pangmamaliit ni Ly.
"Ly! Umayos ka! Lasing si Jovs!" hindi na ako nakatiis at pinigilan sila. Pero binalewala lang nya ito.
"May pagsuntok ka pa sa akin dati, hindi ka naman pala uubra. Asan na yung sinasabi mong hindi mo na sya pakakawalan kapag bumalik pa sya?! Hahayaan mo na lang ba mapunta sa wala yung paghihirap ng mga taong involved dito? Sasayangin mo ba yung pagod mo? Yung hirap hanapin ng 21 na bulaklak na yun, yung pagprepare, yung tiwala at suporta namin sayo. Wala lang ba sa'yo yun, Jovs? Susuko ka ba dahil lang hindi umayon lahat sa plano? Saan ka ba mas natatakot Jovelyn? Ang maiwan o ang maagaw sya ng iba?" mahabang lintanya ni Aly.
Tila naman natauhan si Jovs at tumingin sa akin. Pulang pula ang mata nya, at patuloy pa rin sa pag-agos ang luha nya. Lumingon naman sya sa team mates namin na nasa isang tabi lang at lahat ay nakayuko.