Chapter 12

1.1K 41 1
                                    

Jov's POV


"Ano ba yan Jubilyn. Napakaseryoso mo naman dai." biro ni Ate Jacq, na binalewala ko.


Patuloy lang ako sa pagbigay ng 100% na effort ko sa paglangoy. Malapit na ako sa finish line. Hindi naman ako competitive na tao, mahiyain ako infact. Pero iba ngayon. Gusto kong ibuhos dito sa team building activities yung nararamdaman ko. Gusto kong lunurin yung kaguluhang bumabagabag sa isipan ko. Konting push pa. Kailangang manalo kami. Kailangan kong manalo. Hindi man sa puso nya, kahit dito man lang.


"Dai, wala naman si Chel ah, kanino ka ba nagpapasikat? Haha." Asar ni Ate Tina ng nag-aayos na ako ng gamit para sa next activity.


Napayuko ako ng marinig ang pangalan nya. Wala sya dito. Kinailangan nyang pumunta ng Germany. May aasikasuhin lang daw sya, pero babalik rin. Kung kailan, hindi ko alam. Pero alam kong babalik sya. Nakwento rin kasi nya sakin na doon na sya pinapatira ng mga mama nya. Pero mas nananaig sa kanya ang pagmamahal sa volleyball, ang tanging bagay na sineryoso nya.


"Hindi naman ako nagpapasikat, Ate." sagot ko. Hindi naman talaga. Akala ko lang makakalimutan ko sya kahit saglit pag binigay ko ang lahat. Gusto ko ring maranasang manalo para sa sarili ko. Pero hindi ko kaya, sa lahat ng bagay na ginagawa ko, at pilit pinagbubuti, sya lang ang laman ng isip ko.


"Kamusta na kaya si buday. Nako sigurado naggagala na yun dun. Di man lang nagbabalita." singit ni Ate Ging. Nako ito talagang dalawang tanders, laging bangka sa kwento at kalokohan.


"Busy yun. Kausap si Aly nya." wala sa sariling nasabi ko. Patay, ano ba yung nasabi mo Jovs?


"Uyyyy, selos ka dun sa video no? Hi Ly, happy birthday..." sabi ni Ate Tina na ginagaya ang boses ni Ate Chel. Nagtawanan naman yung ibang team mates namin. Grabe lang talaga, basta tsismis, ang bibilis nila magsilapit.


"H-hindi ah. Ang bilis lang kasi. Parang nung isang araw, nagbonding pa kami. Tapos bigla nyang sinabi na aalis pala sya at di makakasama sa start ng conference." palusot ko.


Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot ng maaalala ko na naman yung huling beses na nagkasama kami. Masaya kami. Parang sa amin lang umiikot ang mundo. Nakalimutan ko saglit maging si Jovelyn na mahiyain, si Jovelyn na nagtatago, si Jovelyn na nagpapalamon sa takot nya.


"Jovs, tara kain tayo sa labas." aya ni Ate Chel sa akin. Bago to ah? Niyaya nya ako? Pagkatapos nya akong di pansinin ng dalawang linggo?


"Ako?" takang tanong ko sa kanya at itinuro ang sarili ko gamit ang kaliwang hintuturo.


"Oo, tayong dalawa lang. Tara. Bihis ka na. Hintayin kita." sagot nya at ngumiti pa.


Dali dali naman akong sumunod sa gusto nya. Sino ba naman ako para tumanggi? Sa wakas, pagkatapos ng ilang linggong pag-iwas nya, magkakausap na ulit kami. Makakasama ko na ulit sya. Sobrang namiss ko sya. Kahit na magkasama kami sa iisang kwarto, parang wala lang ako sa kanya. Awkward, pero alam ko rin naman na kasalanan ko, nag-over react ako at sinapak si Aly nung hinatid nya si Ate Chel na lasing, nung araw na "magdedate" daw sila.

Twist & TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon