Jovs' POV
*DIIIING DONG DIIIIIIIIIIING DOOOOONG*
Nagising ako sa paulit ulit na pagdoorbell ng kung sino man sa labas. Naramdaman kong dahan dahang iniaangat ni Chel ang ulo ko at saka tumayo. Nakatulog na pala ako lap nya. Kanina, sinusuklay suklay nya lang yung buhok ko gamit ang kamay nya.
"Ahh. Good afternoon po. Nandyan po ba si Manang Jovs?" narinig kong tanong nung nagdoorbell. Kaya lumapit ako sa pinto.
"Ahhh, ehh. Nandito sya kaso tulog sya e." sagot ni Chel.
"Sarah!" excited na sigaw ko at excited syang niyakap. Sobrang namiss ko itong batang to. "Hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka."
"Jovs. Papasukin mo muna yang bisita mo." malamig na sabi ni Chel. Ano kayang problema nito?
Tinulungan kong buhatin papasok ang maleta ni Sarah. Loka lokang 'to. Ni hindi man lang nagpasabi na magbabakasyon pala dito. Edi sana nasundo ko man lang sya sa airport.
"Oh. Magmeryenda muna kayo." sabi ni Chel at inilapag ang tray na may dalawang platito na may tig-isang slice ng cake at dalawang baso ng juice. Umupo sya sa tapat namin at inabala ang sarili sa pagkalikot ng phone nya.
"Sana man lang, inabisuhan mo ako. Para nasundo man lang kita." sabi ko kay Sarah na katabi ko ngayon.
"Surprise nga e. Haha." sagot nya. Lumapit sya sa akin at bumulong, "Hindi mo man lang ba ako ipapakilala dyan sa idol ko?"
Oo nga pala. Nakalimutan kong ipakilala si Sarah kay Chel.
"Ah, Chel." tawag ko.
"Hmmm?" sagot nya at tumingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Si Sarah nga pala. K-kapatid ko." pagpapakilala ko sa kanya. Para namang nagliwanag yung mukha nya. Ngumiti sya at niyakap si Sarah.
"Waaaah! Si idol niyakap ako." kilig na kilig na sabi ni Sarah ng maghiwalay na sila.
"Sus. Ate Chel na lang. Kapatid ka pala ng girlfriend ko." ngiting ngiting sabi ni Chel na nagpablush sa akin. Hindi sya nagdalawang isip na magpakilala kay Sarah kahit na may iniingatan syang pangalan. Talagang nagtiwala na agad sya dito kahit ngayon pa lang nya nakilala.
"Wow! Ate, ito na ba si Ate Anne? Ikaw talaga, hindi mo man lang sinabi na nahanap mo na pala sya! Talagang nakatadhana kayo ano? Grabe, ang ganda ganda na nya. Papicture naman ako Ate Chel." manghang saad ni Sarah at inilabas ang cellphone nya at inabot sa akin. Nakita ko naman na biglang sumama ang mukha ni Chel pero agad nya itong binawi at ngumiti sa camera. Kinabahan ako dito. Hindi nya kilala si Anne.
Inabot ko ang cellphone kay Sarah. Kinakabahan ako sa kung anong sasabihin ni Chel. Galit kaya ito? Hay nako Sarah. Nang dahil sayo, kailangan ko pang magpaliwanag mamaya. Sakto namang dumating ang team sa barracks, kaya't napuno na naman ng ingay yun. Buti naman at ligtas na ako sa ngayon.
---
Halatang enjoy na enjoy si Sarah sa company ng team mates ko. Tawa sya ng tawa dahil si Chel ay hyper na naman at kanina pa pinipilit na maggawa sila nina Ate Ging ng videos ng sayaw at kalokohan nila. Si Nene ang taga video, as usual. Napansin ko ang pag-iwas ni Chel sa akin. Simula kasi ng maging kami, lagi na nya akong pinipilit na sumama sa kalokohan nya, pero ngayon ni isang tingin, hindi nya ako maambunan.
Napagod na rin sila sa wakas. Pero si Chel, ayun at kanta pa rin ng kanta. Sobrang miss na miss ko na sya kahit na magkasama lang kami. Hindi ko kasi sya magawang lapitan kanina. Kaya't habang naliligo si Sarah ay minabuti kong lapitan sya.
"Hi baby, namiss kita." paglalambing ko sa kanya at niyakap sya mula sa likod. Pero hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagkanta.
"Nakakainis naman! 83 lang tuloy score ko. Dun ka nga muna, nadidistract ako e." sabi nya at tinabig ako.
"Hoy dai, kahit anong gawin mo, 'di ka makaka 100 dyan no. Pinagbuntungan mo pa si Jovs dyan." Pagtatanggol ni Ate Tina sakin.
"Baby naman e." pag-amo ko sa kanya at nilapitan sya ulit saka ipinatong yung mukha ko sa balikat nya.
"Ano? Sumasang-ayon ka pa na pangit boses ko? Doon ka nga Jovelyn at naaalibadbaran ako sa mukha mo." sabi nya at itinulak pa palayo yung mukha ko. Ouch. Saan naman nya nakuha yung mga sinabi nya.
"Okay." malamig kong sabi at lumayo na nga sa kanya. Patuloy lang sya sa pagkanta.
"Uy. Busangot ka dyan." tabig ni Sarah sa akin na naghihintay pala sa pinto ng kwarto ko. "Dito na daw ako matulog sabi ni Ate Chel. Kay Ate Ging na lang daw sya tatabi." sabi nya at pumasok ng kwarto. Umupo sya sa kama ni Chel
"Ha? Bakit daw? Tss. Aaaay! Kasalanan mo to Sa e! Kung ano anong sinabi mo sa kanya!" naiinis kong iniyupyop yung ulo ko sa dalawang palad ko.
"Ako? Anong ginawa ko? Ayaw mo bang nandito ako? Akala ko pa naman tuwang tuwa ka at ipinakilala mo pa ako bilang kapatid mo." nagtatampong sabi nya.
"Hindi. Gusto ko. Pero... pero yung sinabi mo sa kanya. T-tungkol kay Anne." takot na sabi ko saka bumuntong hininga. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nya, pero hinayaan nya lang akong matapos ang kwento ko. "Hindi sya si Anne. Ni wala nga syang alam tungkol sa kanya, o sa nakaraan ko." pag-amin ko.
"Ano?!" gulat na tanong nya. "Arrrgggh . Ano ba yung nagawa ko?" buong pagsisising sabi nya bago tumingin sa akin na parang nagtataka. "Kaya mo ba ako pinakilalang kapatid dahil dun?" tanong nya. Tumango lang ako bilang sagot.
"Ate, paano yan? Sorry. Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko alam." buong sinseridad na paghingi ng tawad ni Sarah.
Nagsisi naman ako na sinisi ko pa sya. Inaamin ko naman na kasalanan ko dahil ang dami kong lihim sa kanya kahit na kami na. Pero hindi ako handang maungkat yung buhay ko, kaya't pilit kong pinagtatakpan ito at pinalalabas na normal lang ang buhay ko.
"Sorry Sa. Dinamay pa kita." paghingi ko ng tawad.
*BLAG!*
Napatakbo kami palabas ng kwarto ng marinig ang malakas na kalabog na iyon. Sa kwarto yun nina Ate Ging nagmula. Hindi ako maaaring magkamali.
e