"Found ya!" masiglang sabi ni Chel habang winawagayway yung coin purse nya. Nagmamadali syang tumakbo palabas ng kwarto at naiwan kaming nakanganga ng team mates namin.
Ang gulo. Sobrang gulo ng kwarto ni Ate Ging. Nakatumba na yung mini table dun at nakataob na yung mga gamit. Nabasag din yung salamin. Naguguluhan ako sa kinikilos nya, ginulo nya yung buong kwarto para lang sa coin purse? Teka, saan ba yun pupunta?
"Ate Ging, sundan ko lang si Chel ha. Ako na ang bahalang maglinis dyan mamaya." pagpapaalam ko at dali-daling sumunod kay Chel.
Inikot ko na yung buong paligid, pati yng gym at field, pero wala. Kaya't naisipan kong lumabas. Nadatnan ko sya sa labas ng gate na bumibili ng ice cream, yung sinasandok sa cone, hindi yung nakastick. Nakita ko syang naubos na yung hawak nya at humingi pa ng panibago. Pero nabadtrip ako sa tingin nung mamang nagtitinda na parang minamanyak naman sya.
"Manong nakakailan na sya?" tanong ko sa nagbebenta.
"Ah ano po, pang-apat na po ito." sagot nung mama na parang nagulat, saka iniiwas ang tingin sa akin at ipinagpatuloy ang pagsandok.
"Magkano yang lahat ng 'yan?" tanong ko at inakbayan si Chel. Nakita ko naman na nagulat ulit yung mama sa ginawa ko.
"Uy, wag mo nga akong aagawan." parang batang sabi ni Chel, hindi ko sya pinansin at tiningnan yung laman ng malaking garapon na yun.
"Marami pa pala yan e, bibilhin ko na. Eto 3k oh, pakipasok na lang sa loob." may pagyayabang pero cool kong sabi. Tumango lang sya kaya't hinigit ko na si Chel papunta sa barracks, at nananatiling nakasunod yung mama.
"Salamat kuya ha, sa susunod ayusin mo yung tingin mo sa mga babae. Kundi hindi na pera ang matatanggap mo kundi yung kamao ko." angas ko at tuluyan ng umalis yung takot na tindero.
"Huy, Jovs ano yun ha? Baka nakakalimutan mong sundalo ka, at saka ano ba yung jowa mo dun. Iniispoil mo ba yun at binilhan mo ng pagkadami daming ice cream?" pagpapaalala ni Ate Tina na may halong pang-uusisa.
"Ewan ko. Naglilihi ata." pagbibiro ko, kasi kahit ako hindi ko naiintindihan yung nangyayari kay Rachel. Napapadalas yung mood swings nya lately.
"Uy dai, ano namang ginawa mo dun sa gamit mo. Kanina, okay pa tayo nung naglilipat tapos iniwanan lang kita nagkagulo na." narinig kong tanong ni Ate Ging kay Chel ng makalapit ako sa kanila.
"Pabayaan mo na yun, para mapalitan ng bago." nakangiting sagot nya at bumaling sa akin. "Uy Jovzkie, kain ka ice cream dali." pangungulit nya at hinila ako para ipagsandok ng ice cream sa isang cone.
"Eh baby, di naman ako nakain ng cone diba?" sabi ko sa kanya.
"Ehh, sige na please? Please please." pamimilit nya at nagpacute pa. Tumango ako at kinain yung ice cream hanggang sa makarating sa apa.
"Alam mo ba, kapag may problema ako, kumakain ako nito." biglaang sabi nya. Bigla namang bumalik sa ala-ala ko si Anne. Ito yung kinain namin noong ipinagtapat nya sa akin na aalis na sya. Asan na kaya sya? Kumakain pa rin kaya sya nito hanggang ngayon? Malamang hindi, anak mayaman yun e. Haaaay! Ano ba Jovs?! Si Rachel ang kaharap mo oh. Mali na isipin mo si Anne.
"Pakiramdam ko gumagaan yung saloobin ko e. Lumalamig yung ulo ko." sabi nya at bahagyang humikbi.Tumingin naman ako sa kanya at umiiyak na pala sya.
Dali dali kong inubos yung apa kahit na sukang suka na ako at niyakap sya. Pinabayaan ko lang syang umiyak habang hinahagod hagod yung likod nya.
"Jovs, sino ba si Anne?" tanong nya na nagpatigil sa akin. Lumayo sya sa akin, pero nakatitig, hinihintay akong sumagot. Handa na ba akong sabihin sa kanya?
Lumingon ako at nakita ko si Sarah na nakatingin sa akin, at yung mga team mates namin na halatang nagtataka. Tinitigan ko si Sarah na parang nagtatanong kung sasabihin ko na ba, pero nagkibit-balikat lang sya. Mag-isip ka, Jovs. Nasasaktan mo lang si Chel hangga't tinatago mo yan.
"Anne? Sinong Anne yan? May babae ka na agad Ate Jovs? Ilang araw pa lang kayo ah. E gago ka pala e. Tinulungan pa kita, tapos lolokohin mo lang pala sya." biglang sulpot ni Aly na halatang galit na galit at sinuntok ako kaya't nahulog ako mula sa sofa. Dali dali syang pinalayo ng team mates ko. Napapikit na lang ako sa sakit ng pagkakasuntok nya.
Naramdaman kong may lumapit sa akin para tulungan ako. Umaasa ako na si Chel yun, pero hindi. Nakatitig lang sya sa akin, titig na puno ng sakit at kaguluhan ngayon. Itinayo ako ni Sarah at hinarap ko si Aly.
"Sabi mo, aalagaan mo sya. Ano to ate? Bakit may Anne agad? Sumagot ka! Nasasaktan si Ate Chel ng dahil sayo!" galit na galit na sabi nya at akmang susugurin ako pero napigilan sya ng team mates namin, na halatang naiinis rin sa akin.
"Wala kang alam sa akin, Aly. Wala kahit isang porsyento." sabi ko at tumalikod na sa kanila. "Lilinisin ko lang yung kwarto na tutulugan mo Chel." at tuluyan ko na silang iniwan.
Naririnig ko yung paghagulgol ni Chel, pero wala akong magawa kundi umiyak na lang rin at lumayo. Sorry Chel, hindi pa ako handa. Hindi ako handa sa magiging reaksyon mo. Hindi rin ako handa sa maaari kong madiskubre sa sarili ko.
2qY&