Chapter 9

960 32 1
                                    

*Chel's POV


Wala akong nadatnang Jovelyn Gonzaga sa barracks. Tss. Kumain na kaya yun? San naman kaya nagpunta yun?


Pinagluto ko sya ng spaghetti, fried chicken at fries. Bumili rin ako ng maraming ice cream. Oo, alam ko ang luma ng style at puro pambata ang mga pagkain na to pero ito kasi yung mga pagkaing madaling iluto. Isa pa, ito rin yung mga pagkaing nagpapakalma sakin.


"Wow! Ang daming pagkain ah. Pahingi ako!" sabi ni Ate Sarah at akmang kukuha na ng isang pirasong manok pero hinampas ko yung kamay nya.


"Tumigil ka ng dyan Ate! Para kay Jovs yan!" saway ko sa kanya.


"Ang damot naman! Para konti lang e. Di naman mauubos lahat ni Jovs yan." pagrereklamo nya.


"Aba Chel, akala ko ba ipagluluto mo at baka hindi pa kumakain, e parang ipinaghanda mo na sya sa para sa birthday nya e." pang-aalaska ni Ate Tina. Nandito na pala ang mga kumag kong team mates. Haay. Pagtutulungan na naman nila ako nito e.


"Oo nga naman Chel. Todo sa bawi ah. Haha. Awayin mo nga rin ako at nang maipaghanda mo rin ako nyan." sabi ni Ate Ging.


"Nako. Asa ka dyan kay Chel. May favoritism yan no." sabi ni Ate Jo. Haay. San naman kaya nito napulot yun?


"Oy, anong favoritism ka dyan! Syempre mahihirapan ako pag hindi kami nagkaayos no. Room mate ko yun e. Saka para sa team rin to no." pagtatanggol ko sa sarili ko.


"Tama. Tama. Napakamisteryosong tao pa naman nun ni Jovs. Hindi pa man natin nahahawaan sa kadaldalan e, baka mapalayo na agad ang loob." sabad ni Ate Genie. Teka, parang alam ko kung saan pupunta tong usapan namin ah.


"E sino ba naman kasi ang matinong tao na mambubully sa bagong kakilala. Hiya hiya rin." dagdag ni Ate Sha.


"Tapos magsosorry pag nasaktan na yung tao, pag nakasira na. Para namang maibabalik yung dati. Haaay." si Ate Ging yun.


"Teka, wag nyo naman akong konsensyahin. Nagsisisi na nga ako oh. Kaya nga magsosorry at babawi e." paiyak kong sabi.


"Oh, tama na yan. Paiiyakin nyo na naman si Chel. Porket may bago ng bata sa team, e hindi nyo na sya baby." pagpigil sa kanila ni Ate Tina. "Panuorin na lang natin ang diskarte ng bata natin. Haha." dagdag pa nya. Haay akala ko pa naman seryoso na sya, mang-aasar din pala.


"Kainis, akala ko pa naman may kakampi na ako." pagtatampo ko sabay hampas sa balikat ni Ate Tina.

"Pero salamat ate ha?" sabi ko sabay yakap sa kanya. Unti unti na ring tumulo ang luha ko.

Naramdaman ko na rin ang pagyakap ng iba pa naming team mates sa amin. Ang sarap sa feeling tuwing group hug, alam mong maraming sumusuporta sayo.


"Masaya yung group hug, pero masarap sana kung busog tayo saka tayo naggroup hug e. Asan na ba si Jovs? Para malantakan na yung mga pagkain." napalingon kaming lahat kay Ate Nene. Seryoso pa rin sya habang sinasabi yun.

Twist & TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon