*Jov's POV
"...I knew you were trouble when you walked in
So shame on me now
Flew me to places I'd never been
Now I'm lying on the cold hard ground
Oh, oh, trouble, trouble, trouble
Oh, oh, trouble, trouble, trouble" pagkanta ni Ate Chel, with matching pagbirit at pagtaaas taas pa ng kamay, habang hawak yung tumbler nya na nagsisilbing mic nya. Napakakulit talaga nito.
Naging close kami matapos ang maliit na tampuhan namin. Makulit pala talaga sya at madaldal. Kahit nasa court na kami, ang daldal pa rin nya, minsan bumubulong bulong pa yan ng kung anong napapansin nya. Mahilig din syang tumawa. Bully, pero lagi din naman syang binubully nina Ate Tina.
Kita mo ngayon at nagcoconcert sa dug out. Katatapos lang ng game namin laban sa FEU. 4 sets rin yun, pero parang wala syang pagod at napakahyper pa rin. Masaya lang daw sya na pasok kami sa quarter finals. Haha. Baliw talaga.
"Uy Jovs, kamusta ulo mo? Haha." tanong ng kung sino, pero di ko sya pinansin dahil busy ako sa panunuod kay Ate Chel, na ngayon ay sumasayaw na ng Gangnam Style. Napangiti ako habang pinapanuod sya. Magaling syang sumayaw, kahit na sintunado sa pagkanta. Haha.
"Hoy day, iba na yan ha!" sabay tapik nung katabi ko. Si Ate Tina pala.
"Huh?" takang tanong ko sa kanya.
"May pagngiti ka na dyan habang pinapanuod sya ha. Yan ba epekto ng pagtama ng service nya sayo kanina? O baka naman epekto ng pagyakap nya?" ngingisi ngising tanong nya.
Oo nga pala, natamaan ako ng service nya kanina. Solid. Haha. Ang sakit rin nun ah. Ang bigat ng karga ng service nun e. Natataranta pa nya akong niyakap ako kanina.
"Ahhh, wala yun." sabi ko na lang. Hindi ko naman alam ang isasagot ko e. Bumalik ako sa panunuod kay Ate Chel.
"Hay nako buday, natamaan ka na rin ba dyan kay Daquis?" tanong ni Ate Tina. "Mag ingat ka, madami ng pinaiyak yan." Napatingin ako sa kanya. "Ewan ko ba dyan, wala ng bagay na sineryoso bukod sa volleyball. Kung gaano yan kaloka loka sa buhay, e ganun din sya sa pakikipagrelasyon. Ni hindi mo naman mapagkwento tungkol sa buhay nya, palaging umiiwas." bumuntong hininga muna sya, bago ituloy ang kwento. "Napakamisteryoso nyan, kahit na ganyan yan kadaldal. Pareho kayo, hindi makwento tungkol sa personal na buhay. Ang kaibahan lang, e napakatahimik mo." Aba, sa akin pala babagsak ang kwento nya.
"Kung ganon, dalawang taon na sya sa team pero wala kayong alam tungkol sa kanya?" takang tanong ko. Naging interesado tuloy ako sa buhay ni Ate Chel.
"Sa pamilya nya, wala. Bukod sa nasa Germany daw ang mga ito. Pero sa mga kalokohan nya, todo kwento yan."
"Baliw talaga yung si Daquis." sabi ko. Mapapakwento ko din yan, konting drama lang. Hahaha.
Bumubuo na ako ng plano sa utak ko kung paano ko sya mapapakwento ng tungkol sa buhay nya ng may biglang pumingot sakin.
"A-aray naman!" reklamo ko.
"Sinong baliw, aber!" uhh ohh. Si Ate Chel pala. Lagot.
"A-ate kanina ka pa?" tanong ko, hindi pa rin nya binibitawan yung tenga ko. "Aray ate, masakit na."
"Narinig ko, sabi mo baliw ako. Hmmmp." binitawan nya yung tenga ko at ang nagpamewang. Tssss. Ang sakit, parang matatanggal yung tenga ko dahil sa pagkakapingot nya. Tiningnan ko si Ate Tina, at ayun, nagpipigil ng tawa. Bully talaga.
Hinimas himas ko yung tenga ko. Haaays. Ang sakit talaga. Yumuko ako at pinakalma yung sarili ko.
"Teka lang ah, tawag ako ni coach." sabi ni Ate Tina. Lokong 'to. Tatakas pa.
"Hala. Namumula na yung tenga mo." sabi ni Ate Chel. Malamang, mamula yan. Ang diin ng pagkakapingot e. "Ikaw naman kasi e, sabi mo baliw ako." aba, ako pa? "Jov Jov, sorry na oh." at hinalikan nya yung tenga ko.
Nagulat naman ako sa ginawa nya. Para akong nanginginig. Bakit ganito? Sanay naman akong clingy sya e. Sanay naman ako na lagi syang nangyayakap at nanghahalik sa pisngi. Ginagawa nya naman to sa iba naming team mates, pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Dahil ba to sa mikasa? Naguguluhan na ako.
"Jovs, Chel. Tara na daw sa shuttle. May team dinner daw." sabi ni Ate Sha. Waaah. Buti naman. Bigla atang uminit dito sa tabi ni Ate Chel, pinagpapawisan na ako. Kailangan ko na ring makatakas dito.
"Tapos na pala kayong magshower, di nyo man lang sinabi." sabi ko kay Ate Sha at tumayo na.
"Nagmomoment pa kasi kayo e. Tara na. Gutom na ako." sagot ni Ate Sha at umalis na.
Susunod na sana ako nang hawakan ni Ate Chel ang kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ako?
"So iiwanan mo ako ganun?" tanong nya at inakbayan ako. Hindi ako makatingin sa kanya. Shit Jovs, wag mong ipahalatang natetense ka. "Relax ka lang uy." bulong niya, na nagpatayo ng balahibo ko. Bakit ba nagrereact ng ganito ang katawan ko sa kanya ngayong araw?
"Hahaha! Tara na. Gutom na ako." sabi nya at hinila ako.
--
"Haaaay!" malalim na buntong hininga ko ng makasakay sa shuttle. Napakarami kasing fans ni Ate Chel na nagpapicture. E ayaw namang magpaiwan nung isa. Kaya hinintay ko. Pati tuloy ako naipit.
Buti na lang may bakante pang upuan na nasa tabi ng bintana sa may likuran sa kanan. Paboritong pwesto ko yun e. Umupo ako at pumikit. Naririnig ko pang nagkukulitan yung team mates namin.
"Gwapa, patabi ha?" boses ni Ate Chel yun. Kaya nagmulat ako, at tama nga ako. Loko to ah, nagtatanong pa lang, umupo na kaagad.
"Gwapa ka dyan." pagpuna ko sa kanya.
"Yun kaya ang tawag sayo ni Ka Noel. Kung hindi 'The Bionic Ilongga', 'Gwapa'" paliwanag nya. "Bagay naman sayo e. Gwapa ka naman talaga." sabi nya pa at nginitian ako. Napangiti rin ako. Teka, kinikilig ba ako? "'Yan, ngiti ka lang palagi para mas gwapa." sabi nya at sumandal sa balikat ko. Maya maya ay naramdaman kong nakatulog na sya. Kaya't iniayos ko sya ng pwesto at iniyakap ang kaliwang braso ko sa kanya. Marahan ko syang hinalikan sa noo at saka pumikit.
Haay Ate Chel, kung alam mo lang kung ano ang epekto mo sa akin. Hindi ko pa sigurado kung ano nga itong nararamdaman ko, pero itatago ko muna. Hanggang sa makasiguro ako na hindi mo ako iiwan.