Jov's POV
"Pero Steph, diba ang nakalagay lang dun, pag nag-26 ako? 26 na ako bukas ah? Ano pa bang problema?" boses yun ni Ate Chel. Papasok na sana ako ng kwarto namin kaso narinig kong may kinakausap sya, kaya't tatalikod na sana ako pero parang may kung anong pumigil sakin at andito ako ngayon sa may tapat ng pinto at nakikinig.
"Kaya nga, ano pa bang kailangan nila? Hindi ko pa rin ba makukuha yun? Ang gulo naman e." sabi nya ulit sa kausap nya. Mababakas na yung inis sa boses nya.
"Teka, ayokong pumunta dyan. Alam nyong volleyball ang priority ko." pagtutol nya sa kausap nya. Teka, pupunta dun? Diba nasa Germany sina Steph at ang pamilya nya? Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Aalis kaya sya ulit?
"Hindi pwede. Baka naman pwedeng sya na lang ang papuntahin nyo dito." mahinahon nyang suhestyon. Sino naman kaya yun?
"Sige, I will go there to talk to him. Pakikumusta mo na lang ako kina Mommy." pagpayag nya. Him? Sino yun? Aalis sya para makipagkita sa kung kanino?
"Sige Steph... Oo na, e hindi ko pa nga makuha e." sabi nya ulit. Mukhang nakikipagbiruan na sya ngayon.
"Anong hindi matino? Ang bait ko kaya, may narinig ka bang masama tungkol sa akin? Diba wala? Lahat maganda daw ako. Hahahaha." Haaaay nako. Ayan na naman ang hangin nya hahaha. Pero isa yan sa mga nagustuhan ko sa kanya, confident sya at kaya nyang dalhin ang sarili nya sa kahit anong sitwasyon, at isa pa, totoo namang maganda sya. Mali, sya ang pinakamaganda.
"Oo, sige. Sana nga. Bye" pagpapaalam nya.
Pumunta muna ako sa kusina para maghintay ng ilang sandali bago kumatok sa kwarto namin. Mahirap na, baka mabistong nakikinig ako, maspike pa ako sa mukha kapag bigla syang lumabas ng pinto at naroon ako. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga narinig ko. Aalis sya, makikipagkita sa isang lalaki, at may gusto syang kuhanin? Ano naman yun at sino ang lalaking iyon? Dapat na ba akong kabahan? Kailangan ko na bang magmadali para hindi na sya maagaw ng iba? Anong gagawin ko? Paano kung umalis na sya ng tuluyan? Hindi. Wag kang mag-isip ng ganyan Jovs. Bumalik na nga sya diba? Siguradong babalik at babalik sya. Hindi man para sayo, para rin sa pagmamahal nya sa volleyball.
—-
Chel's POV
*Tok tok tok*
"Ate, pwede bang pumasok?" tanong ni Jovs. Alam kong si Jovs yun dahil kabisado ko na ata ang lahat sa kanya. Ang boses nya, ang amoy nya, pati na rin ang kakaibang pakiramdam kapag dumadating sya, o magkausap kami, o magkasama. Napapagaan nya ang pakiramdam ko, kahit na parang nagwawala na yung puso ko sa kilig.