Bumalik ka nga, pero parang malayo ka pa rin. Nandito ka nga, pero parang wala pa rin. Nakakasama nga kita, pero namimiss pa rin kita. Ang sabi mo sa pangako mo, babalik ka. Pero katawan mo lang ang bumalik, at tuluyan na akong iniwan ng Rachel na mahal ko...
"Guys! Photoshoot na raw!" sigaw ni M9 at dali daling pumunta sa harap ng camera. Excited silang lahat, pwera lang sa akin.
"Common, we'll be taking pictures, okay?" boses ni Ate Chel yun. Malamang kausap nya yung mga imports namin para sa PSL GrandPrix. Mula ng dumating yung mga yun e lagi na silang magkakadikit. Kababalik lang rin naman nya, pero mas marami pa syang time para sa mga yun.
Nagstart ang photoshoot, balik na ulit sa 8 ang jersey number ko. Nakipagbreak ako kay JohnVic, kalagitnaan ng PSL Invitational. Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko, pati na rin sya. Pareho lang kaming nahihirapan. Hindi naman ako nahirapan sa break up namin, although kinailangan ko pa ang resbak ng buong Team Army para lang mapapayag sya, mas nakatulong pa nga dahil nabawasan ang distractions. Nabawasan na rin ang responsibilities ko, at mas madali na ang daan para makuha ang goals ko sa buhay, ang championship na nakuha nga namin, at ang puso ni Ate Chel.
Pero mukhang malabo yung pangalawa. Lalo pa at parang iwas sya sa akin mula ng bumalik sya. Hindi pa kami nagkakausap ng masinsinan. Gusto ko na syang mayakap, pero ngayon, eto at pasulyap sulyap lang muna ako, habang masaya sya sa company ng iba.
"Oh, guys iba namang pose!" excited na utos ni Ate Chel. Agad rin nyang tinuruan ng dapat ng pose ang imports namin. Sanay na sanay na talaga sya sa harap ng camera. Sanay na sanay rin syang mag accomodate sa mga bagong member ng team. Masyado talaga syang friendly at masayahin.
Natapos rin ang photo shoot, game face ang mga pose, syempre seryosong labanan yun, at di naman ako nahirapan dahil mukhang hindi na mababahiran ng ngiti yung mga labi ko. Extra clingy si Ate Chel at ang mga imports, katulad ng pagkaclingy nya sa akin noon.
Maingay silang lahat, kung anu anong kwentuhan, na hindi naman naabsorb ng utak ko, samantalang ako, nasa isang sulok at binubuo yung cube na bigay ni Ate Chel, ang tanging bagay na kinakapitan ko tuwing namimiss ko na sya.
"Jov, pahiram naman ng phone mo." sabi ng kung sino, nanatili lang akong nakayuko dahil nga wala pa ako sa mood.
"Andyan." walang ganang sagot ko. Ewan ko. Hindi ako yung taong nagpapahiram ng phone kung kani kanino, dahil nga may mga tinatago ako, pero wala akong lakas para makipag-argue ngayon.
"Uy, bago yan ah! Si Jovs nagpahiram ng phone nya. Iba pa rin talaga, pabor lagi kay Chel." napaangat ako ng tingin ng marinig ang pangalan ni Ate Chel, at napasapo sa ulo ko nang makita ko syang napakalapad ng ngiti habang hawak hawak ang phone ko. HALA!