Chapter 7

983 34 3
                                    

Bumaba na ako at nakita ko silang nagkukulitan sa hapag-kainan. Ako na lang pala ang hinihintay. Si Ate Chel ang bangka sa mga jokes. Ang kulit nya talaga. Parang walang problema.

"Oh andyan na pala si Ms. Mahiyain." sabi ni Ate Chel, sabay tawa. Mas maganda pala sya sa malapitan kesa sa t.v.

"Ahh, pasensya na po kung natagalan." hingi ko ng paumanhin at umupo na sa tabi nya, dahil yun na lang ang bakanteng upuan.

"Okay lang, huwag ka ng mahiya samin. Pati masanay ka na nagkukulitan kami. Naku, lalo na yan si Chel. Pasaway yan. Hahaha." sabi ni Ate Tina. "Nga pala, musta naman tulog mo? Hindi naman humihilik si Chel? Hahaha." tanong nya sakin. Oo, si Ate Chel yung roommate ko. Pero di ko naman napansin yun dahil pagod din ako sa byahe kahapon, kaya't madali akong nakatulog.

"Oy, di ako humihilik no!" depensa ni Ate Chel. "Atsaka anong maingay? Ang bait ko kaya." dagdag pa nya.

"Nako day, wala kang maloloko dito. Kahit itanong mo pa Jovz kay coach kung sinong pasaway, si Chel talaga isasagot nyan." gatong ni Ate Ging sa pang-aasar sa kanya.

"Nakakahalata na akong pinagtutulungan nyo ako ha!" sabi ni Ate Chel at nagpout pa. Ang cute nya, kahit anong gawin nya sa mukha nya, maganda pa rin sya. "Jovz, ipagtanggol mo nga ako." sabi nya sabay cling ng braso nya sakin. Nakasimagot pa rin sya.

"Hoy day, kung anong tahimik ni Jovelyn, syang iningay mo. Mamaya, mabingi yan sayo." sabi ni Ate Nene.

"Okay lang po. Hindi naman po sya humihilik e." sabi ko kaya't ngumiti sya.

"O, sabi sa inyo e. Haha. May kakampi na ako. Saka hintayin nyo lang, mahahawa rin tong si Jovz sa ingay natin. Haha." proud na sabi ni Ate Chel.

"O sya, tama na yan. Kain na tayo. Gutom na ako." sabi ni Ate Genie.

Masaya sa Army. Parang pamilya ang turingan nila sa isa't isa. Lagi silang masayang nagkukwentuhan. Magkakaiba ng edad pero parang mga tropa lang, pero andoon pa rin ang paggalang, lalo na kay Ate Tina. Kahit hindi ako sanay sa ganitong ingay ay parang nag-eenjoy rin ako sa company nila. Lalo na kay Ate Chel, pag talaga kalokohan, sya ang taya. Lagi syang kumakanta, kahit na ehem, sintunado po sya. Haha.

Katatapos lang namin magtraining. Si Ate Chel ang partner ko sa drills. Okay naman ang training kahit puspusan. Nakasabay ako kahit iba ang lebel ng training dito kesa sa amin. Kailangan daw kasi naming mabawi ang kampyonato sa V-League ngayong Season 10, lalo na at malalakas daw ang mga kalaban namin ngayon. Lalo na ang PLDT at Cagayan.

Pagkatapos ko magshower ay nakita ko si Ate Chel na dala ang bag ko at inaabangan ako.

"Jovs, bakit ang bigat naman ata ng bag mo?" nakakunot noong sabi nya.

"Ahh, wala po yun Ate." pagtanggi ko, ayokong malaman nila yung sikreto ko no.

"Talaga? Hmm" tanong nya kaya't tumango ako. Akmang aagawin ko yung bag ko pero naiiwas nya. " Ate Ging salo!" sabi nya at inihagis ang bag ko.

Pinagpasa-pasahan nila yung bag ko. Halos lahat nakisali na. Ako naman ay parang tanga na pilit inaagaw sa kanila iyon. "Ate, akin na please. Hindi pwedeng bumagsak yan" pagmamakaawa ko.

" Ano muna laman?" tanong ni Ate Chel at patuloy pa rin sila.

"Importante." sabi ko. Tumigil si Ate Chel at tumingin sa akin na parang nagtataka.

"Chel, salo." sabi ni Ate Jo. Pero huli na. Hindi napansin ni Ate Chel kaya't tumama sa kanya yung bag at bumagsak. Rinig na rinig ko yung malakas ng pagtunog ng bagay na nasa loob nun, parang nabasag.

"Shit." dali dali kong kinuha yung bag ko at binuksan. Napaluha na lang ako. Sa dami ng uri ng Rubik's cube sa bag ko, bakit yun pa ang nabasag? Bakit yung bigay pa nila Papa at Mama? Bakit yun pang may ala-ala ni Anne?

Ito na ba ang senyales na dapat na akong sumuko sa paghihintay sayo Anne? Binasag mo na nga ba ang pangako mo?

Twist & TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon