Jovs' POV
"Mommy! Daddy!"
Napaigtad ako dahil sa malakas na sigaw na umalingawngaw sa tabi ko. Madilim pa ang paligid. Dali dali akong pumihit pakanan at tama ang hinala ko. Nasa tabi ko nga si Chel. Umiiyak sya, pero nakapikit ang mga mata.
"Mom! No!" sigaw nya pa muli. Nanginginig ang katawan nya.
"Chel, gising." pagtatangka kong gisingin sya pero walang nangyari. Patuloy lang sya sa pagtangis.
"Help! Dad! Mom!"
Naririnig kong nagtatakbuhan na ang mga team mates namin papunta rito. Napabangon na rin si Sarah mula sa kamang katapat namin.
"Chel, gising please!" pagmamakaawa ko at hinawakan ang mukha nya, at bahagyang iniyugyog ito. "Shit!" sabi ko ng makita kong nahihirapan na syang huminga. "Sarah, anong gagawin ko?!" nagpapanic na tanong ko kay Sarah.
"Hindi ko alam, ate." halata rin sa kanya na kinakabahan na. "Subukan mo syang gisingin, kukuha ako ng tubig!" sabi nya at dali daling tumakbo palabas ng kwarto.
"Teka, wag mong sabihing bubuhu-" habol ko, pero nakaalis na sya. Napansin ko ang paghigpit ng yakap ni Chel sa bedsheet. Hirap na hirap na itong huminga.
"Chel, please!" at niyakap ko sya. Naramdaman kong unti-unting bumagal ang paghinga at pagtibok ng puso nya. Lumuwag ang kapit nya sa bed sheet at maya maya pa ay tumigil na sya sa pagluha.
"Shh. Nandito lang ako, baby." pag-alo ko. Nanatili lang akong nakayakap sa kanya. Hindi ko alam kung ano yung pinagdadaanan nya, pero alam kong ito ang kailangan nya ngayon. Hinalikan ko sya sa noo, bilang assurance na hinding hindi ako aalis sa tabi nya.
"Ehem." rinig kong tikhim ng isang tao mula sa pintuan. Si Ate Tina pala, kasama ang kanyang mga alagad. Tiningnan ko lang sila saglit, bago inirapan, at saka hinaplos ang mukha ni Chel na parang kinakabisado ang bawat parte ng mukha nya.
"Ay ano dai? Walang pake? Basta makapagmoment e, ano? Kahit na nandito kami. Tulog yan oy! Pinagnanasaan mo." may pagkataklesang sabi ni Ate Tina. Kahit kelan talaga.
"Shh! Natutulog yung baby ko." saway ko sa kanya.
"Para kayong ewan! Kanina, ang drama drama. Tapos, nanggigising ng kapit bahay sa madaling araw. Hoy Jovs, sa susunod, sabihin mo kay Chel, wag naman masyadong maingay. Saka, andyan yung kapatid mo oh!" Pang-aasar ni Ate Ging na nagpatawa sa mga kasama namin. Palagi talagang magkasundo sa kalokohan yung thunders namin.
"Huy, ano ka ba! Nanaginip na yung tao, kung anu-ano pang iniisip mo! Teka, asan na ba si Sarah? Ang tagal naman ata." tanong ko, at sakto. Dumating sya dala ang tubig. Isang timbang tubig. Anak ng pating! Sinasabi ko na at yun ang tumatakbo sa isipan nya e.
"Ate Jovs! Nagising na ba sya? Eto na yung tu--" natatarantang sabi nya, pero naputol ng sabay sabay na tawanan ng team mates namin.
"HAHAHAHAHAHA!"
"Seryoso? Bubuhusan mo sya ng tubig?" maluha luhang tanong ni Ate Jo kay Sarah.
Nakita ko namang namumula sa hiya si Sarah nung marealize nya kung ano yung ginawa nya, at kung nasaan sya. Kahit na natatawa na rin ako, pinilit ko pa ring pigilan para huwag madagdagan yung pagkakapahiya nya.
"Ah eh. Kasi, ganun kami manggising sa amin." depensa ko. Kahit na sya lang naman ang ganoon sa amin at hindi ako.
"Sorry. Nakalimutan ko." paghingi nya ng tawad. "Ate, okay na ba sya?" pag-iiba nya ng topic at tinuro pa si Chel.
"Oo. Sige na, matulog na tayo." pagyaya ko sa kanya. "Hoy, chupi na kayo!" pagtataboy ko sa team mates ko.
"Oo na. Oo na! Solohin mo na!" sabi ni Ate Ging.