Magkahawak-kamay kaming naglalakad pauwi habang kumakanta ng 'Friends Forever.' Ang totoo nyan hindi talaga kami naglalakad kasi tumatalon talon pa kami. Hahaha. Ang saya lang. Mauuna akong umuwi dahil ihahatid daw nya ang celebrant. Hay nako. Buti na lang talaga at maliwanag ang kalsada, marami na rin ang mga batang nagbabahay-bahay at nag 'Trick or Treat.' Naalala ko kung gaano ako kasaya noon kapag nakakarami ako ng candy. Napabaling ako ng tingin kay Anne ng tumigil sya sa pagkanta at paglalakad. Nakatitig sya sa mga batang nakacostume at inaabutan ng candies.
"Anne, nasubukan mo na bang gawin yan? tanong ko na nagpaalis sa pagkakatitig nya sa mga bata.
"Hindi e. Hindi ko naman daw kailangan sabi nina mommy. Pwede naman daw kaming bumili e. Pati hindi daw ako pwedeng masobrahan ng pagkain ng candies, masisira daw yung ngipin ko." mababakas ang lungkot sa pagsagot nya.
"Gusto mo itry natin?" sabi ko. Maganda to. Marami syang first time moments kasama ako.
Ngumiti sya. "Hindi na. Tingnan mo oh, ang laki laki ko na kumpara sa mga batang yan. Hahaha. Pati baka hinahanap na tayo. 'Lika na, hatid na kita." pagtanggi nya.
Hindi ko na sya pinilit at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Kasama nya ang mga magulang nya pero hindi nya nagagawang mag enjoy. Maswerte pa rin ako dahil kahit maikling panahon, nagawa ko ang mga bagay na nagpapasaya sa isang bata.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.
"Uhhh, andito na tayo. Salamat ha?" nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Senyorita, andyan lang po pala kayo. Kanina pa po namin kayo hinahanap. Galit na galit na po ang mommy at daddy nyo." sabi ng isang lalaking nakaputing uniporme. Teka, nakita ko na ang mamang to ah.
Hindi nya ito pinansin at sa halip ay niyakap ako.
"Magpraktis ka ha? Dapat pag nagkita tayo ulit, nagimprove ka na." bulong nya habang nakayakap pa rin sa akin.
"Oo, pangako. Salamat sa pagsama mo ha?" sagot ko sa kanya. Salamat sa mga sandaling nalilimutan ko kung paano maging malungkot. Niyakap ko sya pabalik.
"'Wag ka ng umiyak ha? Ngingiti ka lagi." dagdag pa nya.
"Senyorita, tara na po at baka lalo pong mag-init ang ulo ng mommy at daddy nyo." sabat nung security guard. Pamilyar talaga sya sa akin, parang tinaguan ko na ito dati.
"Opo manong, sandali na lang." sagot nya na hindi pa rin lumilingon at nananatiling nakayakap sakin.
"Magkita ulit tayo sa isang araw doon sa may swing ha? Dapat hindi ka na umiiyak pagdating ko." bulong nya ulit. Napangiti ako. Magkikita kami ulit kami. "Baka hindi ako makalabas bukas e, madaming multo. Hihi." dugtong nya na medyo napatawa pa. Kumalas na sya sa pagkakayakap sakin.
"Oo, sige." tanging sagot ko.
"Ma'am tara na po." sagot na naman nung epal na guard.
"Teka kuya last na." sagot nya at hinalikan ako sa pisngi na ikinagulat ko. "Nahuli kita kanina, pumitas ka ng bulaklak sa amin. Good night Jovzkie." bulong nya muli sa akin at napanganga ako. May nakakita pala sa akin. Aysh nakakahiya.
Umalis na sya kasama ang security guard patungo sa malaking bahay sa tapat namin. Kaya pala pamilyar si kuya. Haaays.
"Kuya, 'wag mo akong isusumbong ha? Ako na ang bahalang magpalusot." rinig kong sabi nya. Hahaha. Makulit talaga to.
"Anne!" sigaw ko kaya napalingon sya. Kumaway ako sa kanya. "Salamat!" huling sabi ko at napangiti sya. Tumakbo na ako papasok ng bahay namin.
Sya pala ang nakatira sa malaking bahay. Kung ganoon ay madalas ko syang makikita. Oo nga pala, magkikita kami sa susunod na araw. Maghahanda ako.
"Oh, Jovelyn. Bago yan ah. Ngiting ngiti ka." Nakangiting sabi ni lola. Kaagad akong nagmano sa kanya. "Kumain ka na ba?" tanong nya sakin.
"Opo, lola. Akyat na po ako." sabi ko at tumango sya. Iniwan ko syang nakangiti pa rin.
Kaagad kong kinuha ang panyo nya mula sa aking bulsa at tiningnan ito. "Anne, hangga't andito ka, sigurado ako na hindi ko magagamit ang panyong ito." sabi ko sa isip ko at itinago iyon sa drawer ko. Sunod kong kinuha ang rubik's cube ko at ipinatong sa lamesa sa higaan ko bago ako mag ayos ng sarili at matulog.
Akala ko never ko ng maeenjoy ang birthday ko, o kahit anong araw sa buhay ko. Salamat Anne, Happy birthday to me.