Chapter 3

948 30 0
                                    

"J-Jollibee?" tanong ni Anne sa akin.


"Oo. 'Wag mong sabihing di ka pa nakakakain dito. Lahat ng bata paboritong kumain dito. Hahaha," sagot ko na may halong pang aasar.


"Hindi pa nga. Hindi ako pinapakain nina mommy at daddy dito. Masyado daw masebo ang pagkain. Dapat daw masustansya lang ang kakainin ko," nahihiyang sagot nya.


Napakaarte naman ng magulang nito. Tss. Sigurado na akong anak mayaman nga sya. Nakaisip naman ako ng magandang ideya na nagpangiti sa akin. "Kung ganoon, first time mo ito?" tanong ko sa kanya.


"Uhm, oo." sagot nya.


"Maganda kung ganoon. Sisiguraduhin kong magiging masaya ang unang pagkakataon mong kumain dito." sabi ko at hinila ko na sya sa counter.


Umorder ako ng spaghetti w/ chicken, extra large fries, coke float at burger. Lahat tigdadalawa. Matapos magbayad ay inabutan ako ng number "18" at sinabihan na umupo na at doon na lamang hintayin ang aming order. Mga limang minuto ang nakalipas ay dumating na rin ito.


"Oh. Kain na." pagyaya ko sa kanya.


"Ahh... Eh kasi ano... Umh..." pagdadalawang isip nya.


"Ano ka ba. Sige na. Wag ka ng mahiya. Oh, Ahhhhh..." pamimilit ko sa kanya sabay subo ng dalawang pirasong french fries na isinawsaw ko sa ice cream ng float. "Oh masarap diba?"


Napangiti sya at kumuha rin ng fries. Ginaya nya ang ginawa kong pagsawsaw sa ice cream. "Oo nga ano, masarap pala. Oh ayan, ikaw naman." Nakangiti pa rin sya habang itinatapat ang pagkain sa bibig ko.


Nagkunwari akong nag aalangan kaya't sumimangot sya. Pero nagulat sya sa susunod kong ginawa. "Yuck! Ano ka ba? Bakit pati daliri ko isinubo mo?!" iritable nyang tanong sabay irap pa sa akin. Tawa naman ako ng tawa.


"Eh kasi tumulo na yung ice cream e, sayang naman. Hahaha." sagot ko na may paghawak pa sya tiyan ko habang humahagalpak ng tawa kaya't hinampas nya ang braso ko.


Haaay, ngayon na lang ako ulit tumawa ng ganito simula nung... Bigla na naman akong napasimangot ng maalala ko na naman ang mapait na sinapit ng buhay ko. Hindi ko namalayan na malapit na palang tumulo yung luha ko. Nagulat na lang ako nang may mga daliri na nagpupunas ng luha sa mga mata ko.


"Huy. Hala. Masakit ba yung hampas ko sayo? Pasensya na. Ikaw naman kasi e. Ginulat mo ako. Sorry na. 'Wag ka ng umiyak. Bati na tayo, please" pag alo nya na sakin kaya napatawa na naman ako.


"Hahaha. Oo, masakit. Tagos nga dito oh. Hahaha." Pang-aasar ko sa kanya sabay turo sa ilang piraso ng buhok ko. Paano ba naman, halos hindi ko nga naramdaman yung palo nya tapos sasabihin nya, yun ang dahilan ng pag-iyak ko. Hahaha. Nakakatawa talaga sya.


"Nakakainis ka! Ang yabang huh. Hmmp." Umirap na naman sya at ngumuso pa. Haha. Ang cute talaga nito. "Teka nga, siguro baliw ka no? Kanina tawa ka ng tawa tapos mamaya maya, iiyak ka na tapos tatawa ka ulit? Hala! Baka hindi ako ligtas sayo." sabi nya at nagkunwari pang natatakot. Aba ang lokang to at may pagatras pa. "Aray!" biglang sigaw nya.


Napahagalpak na naman ako ng tawa. Paano ba naman, nahulog sya sa inuupuan nya. Hahaha. Bigla naman nya akong sinamaan ng tingin. Napatigil naman ako at tinulungan sya.


"Haay, ang lampa mo talaga." Pang aalaska ko sa kanya matapos syang tulungang tumayo.


"Heh! Tumigil ka nga dyan iyakin!" inis na sabi nya na nakapamewang pa. "Pasalamat ka at gusto kong masaya ka dahil gumaganda ka. Ang panget mo kasi kapag naiyak e. Hahaha." dugtong nya. Aba't teka nga... Hmmp. Sige di ko na to papatulan, tutal napapasaya naman nya ako e.


Ngumiti ako ng peke sa kanya. "Kumain na nga lang tayo. Oh, tikman mo na yang spaghetti. Haluin mo ha?" sabi ko.


"Che! Marunong naman akong kumain ng pasta noh." sagot nya sakin sabay irap. Hahaha. Napapadalas na pag-irap nito sakin ah.


"Pikon talo! Hahaha." sabi ko at kinurot ang pisngi habang sya ay sumusubo ng spag, kaya't kumalat ang sauce sa mukha nya. "Hahaha. Ang cute mo." sabi ko habang pinupunasan ng tissue ang pisngi nya. Namula naman sya. Haha. Lalo ko tong aasarin.


"Uy, namula. Crush mo 'ko no?" sabi ko na may pagtaas-baba pa ng kilay. Napakunot noo naman sya pero mas lalo syang namula. Haha.


"Hindi ah! Babae ka kaya!" depensa nya.


"Eh ano? Crush lang naman e. Aminin mo na. Dali. Yieeeeee." Sabi ko at kiniliti pa sya sa tagiliran.


"Kapal mo! Di no! Ayoko sa iyakin. Hahaha" sagot nya.


"Ikaw naman lampa!"


"Bansot!"


"Aba sumusobra ka na ha. Walang damayan ng height dito. Pag ako tumangkad, who you ka sakin." sabi ko. Di naman ako napikon pero wala akong laban pag ganun e. Hahaha.


"Oo na. Sige na. Pagbigyan, Birthday mo naman e. Hahaha. Ay, teka. Wala akong regalo sayo." sabi nya at napasimangot naman sya.


"Ano ka ba? Okay lang yun. Buti nga nasamahan mo ako e. Saka kanina lang naman tayo nagkakilala." sabi ko.


"Hindi, teka." aniya at kinuha yung burger nya at tinusukan ng isang fries na isinawsaw sa ketchup sa gitna. "Oh, ayan. Blow your cake! Hamburgday!" nakangiti nyang itinapat sa mukha ko ang burger at kumanta ng 'Happy Birthday.'


Hinipan ko yung 'cake' at isinubo sa kanya yung fries dahil hindi ako kumakain ng ketchup. "Oops, kalahati lang." sabi ko at kinagatan nya yung fries. Isinubo ko naman yung natira at ngumiti sa kanya. Ibinaba ko yung burger na hawak nya sa lamesa at niyakap sya. "Salamat dahil dumating ka." sabi ko at tumulo na ang mga luha ko.


Ang tagal kong nangulila at nabuhay sa kalungkutan, pero sumaya akong muli ng dahil sa pagdating mo. Sana, sana huwag mo rin akong iwanan.

Twist & TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon