*Chel's POV
"Jovs, sorry. Hindi ko..." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya pero pinutol nya ako.
"Okay lang, wala ng magagawa. Ate Tina, pwede po bang magpahinga muna ako?" sabi nya.
"Sige Jovs, okay lang kahit pass ka muna sa team bonding ngayon." sagot ni Ate Tina
"Pero Ate Tina, diba sya ang pinakadahilan kung bakit tayo may team bonding? Kasi kailangan nating makaclose yung bago." pagtutol ko. Kailangan ko syang makasama. Dapat makabawi ako sa kanya.
"Chel, pabayaan muna natin sya." sabi ni Ate Ging.
"Salamat. Uuwi na po muna ako." paalam ni Jovs at tumango sa lahat maliban sa akin. Chel! Ano ba tong nagawa mo.
"Jovs..." habol ko sa kanya pero nakalayo na sya.
--
Nandito kami sa KFC, as usual, pagkain ang bonding namin, tapos movie pag uwi sa dorm. Nagkukwentuhan sila ng kung anu-ano, pero hindi ko maintindihan dahil abala ako sa pag-iisip kung paano babawi kay Jovs. Gaano ba kasi kahalaga yung laruang yun sa kanya para magreact sya ng ganun?
"Haaay..." buntong hininga ko.
"Lalim nun Chel ah. Huhukayin ko na ba?" Pang-aalaska ni Ate Sha.
"Naku! Iniisip nyan si Jovs. Hala ka Chel! Pinaiyak mo yung tao!" dagdag ni Ate M9.
"Oo nga. Siguro mahalaga yun sa kanya. Di naman nya iiyakan yun kung laruan lang yun e. Naku Chel, lalong magiging moody yun." sabi ni Ate Jacq.
"Haaay! Nakakainis naman kayo e! Kitang nahihirapan na nga akong mag-isip ng pambawi dito oh." sabi ko at ngumuso pa. "Pati kasali kayo kanina no! Kaya samahan nyo akong bumili mamaya ng laruan na yun." dagdag ko.
"Chel, yung laruan madaling palitan. Pero paano kung may ala-ala yun kaya nya iniingatan? Hindi mo mapapalitan yun." sabi ni Ate Tina at nakonsensya naman ako. Naalala ko kanina, kinakausap nya yun. Hala!
"E mga ate, ano pong gagawin ko?" tanong ko habang pinipigilan yung luha ko. Ganito talaga ako, mababaw ang luha ko. Parte na rin siguro ng nakaraan.
"Kunin mo ang loob nya Chel." sagot ni Ate Tina.
"Mahirap yan Chel. Pero kailangan mong mapalitan yung first impression nya sayo. Baka magkailangan kayo sa court. Maapektuhan ang laro natin. Sayang kung ganun, malaking tulong si Jovs sa team." sabi ni Ate Ging at tuluyan ng tumulo ang luha ko.
"HAHAHAHA!" Napaangat ang mukha ko ng magtawanan silang lahat.
"Grabe Chel, napakaiyakin mo talaga! Hahaha." sabi ni Ate Ging.
"Nakakainis kayo! Alam nyong nagdadrama yung tao, pinagtitripan nyo pa!" sabi ko at pinagbabato sila ng tissue.
"Tama na nga yan. Hahaha. Tara na, samahan natin si Chel bumili ng isang kahong rubik's cube. Para pag sakaling masira nya ulit, may reserba na. Hahaha." sabi ni Ate M9.
"Baka kamo ibato ni Jovs kay Chel yun sa sobrang galit! Hahaha." sabi ni Ate Jo.
"Che! Lagi nyo talaga akong pinagtutulungan!" inis na sabi ko at nagpout pa.
"Si Jovs na lang kasi ang kakampi mo, inaway mo pa e." sabi ni Ate Tina. Tinamaan ako dun. Solid.
"Hmmp... Tara na nga. Maggogrocery pa tayo. Ipagluluto ko si Jovs. Baka hindi kumain yun." sabi ko at napangiti sa ideya ko.
Ayokong mawala ka, Jovs. Ayoko ng mawalan ulit. Ayoko ng ayawan pang muli.
*******************
Author's Note:
Hi guys! Sorry for the late update. Got too busy with school and weird stuffs.
Plug ko lang! Like nyo yung new confession page namin for volleyball enthusiasts. Dito sa page na to, you can share your admiration/secrets/problems/criticsms about volleyball players/games/officials/leagues and stuffs, and you could do that anonymously! Like and share! https://www.facebook.com/pages/Pinoy-Volleyball-Confessions/346813092184332
Also, I don't really add author's notes, but you can freely share kung anong gusto nyong flow ng story. Thanks! I will update again soon!
Lots of love,
P A R -- xoxo