Chapter 6

946 32 2
                                    

Pinanuod ko syang lumayo hanggang makapasok sya sa malaking gate nila. Masakit pala kapag unti unti syang lumalayo, unti unti ka ring nadudurog.


Pinunasan ko ang mga luha ko at nagmamadaling tumakbo. Pupunta ako ng mall. Baka magsara na, kailangan kong maabutan to. Sumakay ako ng jeep, okay lang kahit masikip, maliit naman ako e.


Pagbaba ko sa mall ay agad akong naglibot hanggang mapadako sa isang shop. Buti at bukas pa ito. Pumili ako ng magandang item at pinabalot ito. Saka umuwi sa amin.


Inihanda ko na lahat ng kailangan ko para bukas. Isinet ko na ang alarm clock. Gigising ako ng maaga at aabangan sya sa kanila. Ibibigay ko ito kahit na anong mangyari. Sana Anne, wag mo rin akong kalimutan.


—-KINABUKASAN—-


Nagising ako sa lakas ng busina ng kotse. Napatingin ako sa orasan, "Shit, late na akong nagising." Kinuha ko ang regalo ko at bumaba ng di man lang nag-abalang ayusin ang sarili.


"Kuya, si Anne po?" Tanong ko sa guard ng bahay nila.


"Nako. Kaaalis lang e." sagot nya.


Mabilis akong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta kailangan ko silang maabutan.


Nakita kong may nakahintong kotse sa daan, may nasagasaan itong itim na pusa.


"ANNE!" sigaw ko, pagbabakasakaling kanila ang kotseng iyon. Hindi ako nabigo dahil ng makalapit ako ay nakita ko syang nakaupo sa likod at nakadungaw sa bintana.


"Anne, buti at naabutan kita. May ibibigay ako sayo." hingal na hingal na sabi ko. "Isuot mo yan palagi ha? Para lagi mo akong maalala." pagtukoy ko sa isang kwintas na may pangalan nya.


"Salamat Jovzkie. Pangako. Di kita makakalimutan." sabi nya at hinawakan ang kamay ko.


"Tara na, baka malate na tayo. Iha, mauna na kami." sabi ng daddy nya ata yun.


Inistart nya ang makina ngunit ayaw ko pa ring bitawan ang kamay ni Anne. Ayaw ko syang pakawalan. Nagsimula ng umandar ang kotse. Unti unti, natatanggal ang pagkakapit kamay namin. Hindi ako bumitaw pero naramdaman ko ang pagbitaw ni Anne. Alam ko, wala na akong magagawa. Napaluhod na lang ako at humagulgol sa kalsada.


"Anne." mahinang sabi ko ng magising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Napanaginipan ko na naman sya. Napatingin ako sa rubik's cube sa lamesa sa tabi ng tulugan ko. "Anne, balik ka na, mas magaling na ako sayo oh." parang akong ewan na kinakausap ang sarili ko.


"Hoy, bumangon ka na dyan aba. May training tayo mamaya. Saka mo na lang ulit kausapin yang laruan mo. Hahaha." sabi ni Ate Chel. Loko talaga to. Haay, ewan.


Ginulo ko muna yung cube bago ako pumasok sa banyo para maligo. Mamaya ko na lang bubuuin paglabas ko.


Habang naliligo ay binalikan ko ang mga nangyari pagkatapos nya akong iwan. Bumalik ako sa pagiging tahimik at seryoso. Nakapagtapos na rin ako ng pag-aaral at isa ng volleyball player, oo tumangkad na ako no. Naalala ko yung asaran namin, "Anne, kahit matangkad na ako, hindi ka na Who You sakin, basta bumalik ka na." sabi ko.


First training ko bilang player ng Army mamaya. Hindi naman ito ang first time na makapunta ako sa Manila, nakapaglaro na ako sa V-League last year bilang guest player ng USLS. Pero iba ngayon dahil I'll be staying here for good. Ang tagal ko ding pinag isipan to. Ayaw ko kasing umalis ng Guimaras dahil nga hinihintay ko pa rin sya. Madami ding universities na nag offer sa aking maging vrsity player pero tinanggihan ko ang mga iyon dahil sabi ko, pag bumalik sya, kailangan nandoon ako, kaya't doon na rin ako sa amin nagtapos ng pag-aaral. Pero naisip ko na kailangan ko na ring mag move on. Marami na rin akong nasayang na opportunities sa paghihintay sa kanya. Isa pa, alam kong magkikita at magkikita kami.


Natapos na rin akong maligo, medyo natagalan pala kakaisip. Nagulat ako ng makita kong buo na yung rubik's cube ko. "Baka naman may marunong magbuo dito." sabi ko sa isip ko.


Isinawalang bahala ko na lang iyon at bumaba na upang sumabay sa kanilang kumain. Kailangan ko ring makipagkilala sa teammates ko para mas maganda ang samahan namin sa court.

Twist & TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon