Gaya ng napagkasunduan ay nagkita nga kami sa lumang parke. Pawis na pawis sya at halatang tumakbo. Tumakas na naman to. Haha.
"Ang galing mo na agad ha." puri nya sa akin.
"Syempre, magaling ata tutor ko." ganting puri ko sa kanya kaya't napatawa sya.
Naging ganito kami ng mga sumunod na araw, tatakas sya sa kanila, magpapraktis kami at mauuwi sa kulitan. Matapos iyon ay maglalaro kami saglit at kakain kung sa kung saan saan. Ang dami nyang first time kainin. Hindi rin namin napag-uusapan ang mga buhay namin. Una dahil ayoko na ring maawa sya saakin, at pangalawa ay dahil nakakalimutan ko laht ng problema ko kapag magkasama kami.
"Grabe, masarap pala yung mga yun, ano? Busog na busog ako." sabi nya at humawak pa talaga sa tyan nya.
"Haha, wag ka kasi matakot kumain. Ilalabas mo rin naman yan e. Hahaha." natatawang pahayag ko.
"Kadiri ka ha! Pasalamat ka masaya ako ngayon." sabi nya at hinampas na naman ako. Nakakadami na talaga to e.
*Klingklingklingkling*
Napatingin sya kaya't tinanong ko sya, "Gusto mo nun?"
"Amh, ano ba yun?" tanong nya.
"Ice cream. Tara." yaya ko sa kanya.
Umorder kami ng dalawa, yung kanya, nasa apa, yung akin naman, nasa baso. Ayoko kasi ng apa, di ko type yung nababasa yun ng ice cream. Bumalik kami sa park at umupo sa damuhan.
"Ano ba yan, may spoon ka na nga ang kalat mo pang kumain." sabi nya at pinunasan ng panyo nya yung bibig ko. Ubos na agad yung kanya? Takaw ah. "Oh, di ko 'to ibibigay sayo ha? Remembrance mo na."
Napakunot noo naman ako sa sinabi nya. "Remembrance?" tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako? Pati ba sya ay iiwan ako?
Napayuko sya at nagsimulang tumulo ang luha nya. "P-pupunta k-kasi kami sa G-germany nina Daddy. D-doon na daw kami titira."
Para naman akong nabingi sa sinabi nya. Iiwan nya nga ako. Bakit? Kung kelan nasanay na ako na nandyan sya. Kung kelan masaya na ako.
"Bakit? Kelan ang alis nyo? Hindi na ba mapipigilan? Kelan ka babalik?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Pinipigilan kong umiyak. Baka naman mapipigilan pa, gagawin ko kahit ano.
"Bukas ang alis namin." yun lang ang nasagot nya sa tanong ko. Napaiyak na ako ng tuluyan sa sinabi nya.
"Bukas? Ang bilis naman! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?!" napataas na ang boses ko. Hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng luha ko. Nahihirapan na akong huminga. Ang sakit, sobrang sakit.
Hindi pa rin sya nag-aangat ng tingin. Nagsisikip na yung dibdib ko kaya't nabitawan ko yung ice cream na hawak ko. Alam kong nakita nya yun dahil nakayuko sya. Naramdaman kong may pumalibot na braso sa akin, hinihimas ang likod ko, pinapagaan ang pakiramdam ko.
"Huwag ka ng umiyak. Diba ayaw ko ng umiiyak ka. Ang panget mo na oh." nakuha pa nyang magbiro, lalo naman akong napaiyak.
"Anne, wag mo naman akong iwan oh, ayokong pati ikaw." nagawa ko pang sabihin yun kahit hirap na hirap na ako, kahit alam kong hindi nya maiintindihan.
"Babalik naman ako e. Pangako." sabi nya. Ramdam ko na patuloy pa rin ang pag-iyak nya dahil sa nababasa ang damit ko sa likod.
"Sino ng magpupunas ng luha ko kapag umiiyak ako? Sino ng magtuturo sa akin kung paano magbuo ng rubik's? Sino ng kasama kong kumain at maglaro? Sino ng aasarin ko? Wala ng magpapatawa sakin." sabi ko sa kanya na may halong panunumbat, ayoko, ayokong mawala sya.
"Shhh, diba may panyo akong binigay sayo, kadugtong yun ng kamay ko, iyon ang magpupunas sa luha mo pag umiiyak ka. Tsaka diba sabi ko, wag ka ng iiyak?" paliwanag nya. Hindi ako sumagot, bagkus ay hinigpitan pa lalo ang yakap ko sa kanya, maaaring ito na ang huli.
"Saka anong magtuturo? Hindi bat tinuruan na kita?" Tanong nya at iniharap ako sa kanya. Tumango ako kahit patuloy ang pagtulo ng luha ko. "Promise mo sa akin na pagbalik ko, mas magaling ka na sa akin ha?" dugtong nya at iniharap sa akin ang hinliliit nya, nanghihingi ng pinky promise.
Kinuha ko iyon at nagsabing, "Promise." Ngumiti naman sya kahit namamaga ang mga mata nya. "Magpromise ka rin na babalik ka." ako naman ang nanghingi sa kanya ng pinky promise.
"Pangako." sabi nya at kinuha ang daliri ko. Muli ko syang niyakap.
"Hihintayin kita Anne, pangako." sabi ko.
"Ang drama naman natin, nasayang tuloy yung ice cream natin. Hahaha. Ang lagkit na natin oh." sabi nya. Bigla namang bumuhos ang ulan. "Tara, ligo tayo. First time ko 'to." at tumakbo naman sya at naglaro. Sumunod ako sa kanya at naghabulan kami.
Matapos kaming maligo sa ulan ay umuwi kami sa bahay namin, oo sa amin. Pinahiram ko sya ng damit at patagong bumalik sa parke. Mahirap na, baka mahuli pa kami, hindi namin masulit ang huling araw namin. Kinuha ko rin ang naipon kong pera mula sa baon ko na hindi ko naman nagastos. Kailangan may maibigay ako sa kanya.
"Jovzkie, may ibibigay ako sayo." sabi ni Anne at isinuot sa akin ang isang paracord bracelet na may anim na kulay. Ang ganda ng pagkakabuo. "Ako ang naggawa nyan. 'Wag mo yan iwawala ha?" sabi pa nya.
"Oo, Anne, iingatan ko ito. Galing sayo e." sagot ko sa kanya.
Maaga kaming umuwi ng araw na iyon. Ako ang maghahatid sa kanya. Bawat hakbang papalapit sa kanila, parang ayaw ko ng ituloy. Parang gusto ko na lang hilahin sya pabalik dahil alam kong sa oras na pumasok sya sa bahay nila, iyon na ang huli. Pero wala akong magawa, kailangan nyang sundin ang magulang nya.
"Dito na ako Jovzkie, salamat ha?" sabi nya na umiiyak na naman.
"Wala yun, babalik ka naman e, diba? Saka wag ka na ngang umiyak. Ikaw pala yung iyakin e." pacool kong sabi pero ang totoo e maiyak iyak na rin ako.
"Senyorita, andyan na po pala kayo. Matulog na daw po kayo at maaga pa kayo bukas." sabi nung epal na guard na naman.
"Opo kuya." sagot nya. Niyakap nya ako. "Goodb-" magsasalita na sana sya pero pinigilan ko.
"Ops, bawal ang goodbye. See you Anne, mamimiss kita." sabi ko sa kanya.
"S-see you Jovzkie." sabi nya at walang lingon na naglakad papasok sa kanila.
Anne, ikaw ang nagturo sakin kung paano muling buuin ang buhay ko. Pero heto ka at unti unting ginugulo ito. Alam ko, Anne, na sa tamang panahon, dadating ka para muli akong buuin.