Chapter 20

746 31 6
                                    

"Huy! Nakatingin ka na naman sa kawalan." puna ni Ate Tina sa akin. Sinundan pala nya ako.

Nandito kami ngayon sa hometown ko, sa Ilo-ilo para sa tour ng Amihan at Bagwis para magturo ng volleyball sa mga kabataan sa bansa. Ito na sana yung pagkakataon ko na maipakilala si Chel kay lolo. Pero paano ko sya ipapakilala? Special friend? Ka-M.U? Hindi naman naiintindihan ng matatanda ang ganun.

"Ah. Ate, ikaw pala. Bakit ka nandito? Nagkakasiyahan yung iba oh. Ang ingay nga nila e." turo ko sa mga kasamahan namin na nag-aasaran at nagbabatuhan ng pick-up lines.

"Naku, kaya nga humiwalay ka kasi maingay, ano? Dumali na naman yang pagka-introvert mo." sabi nya at umupo sya sa tabi ko. "Kamusta pala yung radio guesting nyo kanina? Baliw baliwan na naman si RAD ah."

"Haha. Oo. Hyper na naman. Ang sweet nga nya kanina e." nangingiting pahayag ko. "Kaso sweet din sya kay Peter." at napasimangot ako nang maalala ko ang eksena kanina na inaasar sila ng fans na bagay raw sila.

"Sira. Alam mo namang may Angge na yun. Hahaha. Saka hindi naman ganung tao si Chel. Hindi ka nun ipagpapalit." paninigurado nya. "Kung ikaw siguro ang nagkaroon ng iba, nagwala na naman yun."

Napatingin ako sa kanya. Pilit kong hinahanap kung may hugot ba yung sinasabi nya sa akin. Never na kasing nabuksan ang topic tungkol sa dahilan ng paghihiwalay namin ni Chel. Nahihiya nga ako sa kanila dahil sa effort nila na paaminin kami parehas ni Chel ay ako pa ang sumira ng relasyon namin.

"Ate, sorry." sambit ko.

"Ano ka ba, hindi naman ako damay dun. Problema nyo yung dalawa. Problema mo. Ayaw ko lang na magkaroon ng lamat yung pagkakaibigan nyo at yung team. Ayaw ko ng nasasaktan kayo dahil pamilya ko kayo." paliwanag nya at tinapik-tapik yung balikat ko. "Wala ka bang napapansin kay Chel?" tanong nya at napakunot ako ng noo. Saka ko naalala yung weird na ikinikilos nya nung nakaraang buwan.

"Ate, hindi ko nga maintindihan e. Minsan sobrang saya nya. Minsan naman nagkukulong lang sya sa kwarto at ayaw makipag-usap kahit na kanino. Naririnig ko rin syang umiiyak." nag-aalalang kwento ko.

"Yun nga e, wala ba syang nakukwento sa'yong problema nya? Nakita ko kasi na may sugat sya sa kanang braso nya. Napa-aray sya nung natamaan ng bola yun nung training." sabi nya na nagpakaba sa akin. May problema ba si Chel na hindi sinasabi sa akin? "Di bale, wag mo nang isipin yun. Baka naman nahiwa lang ng kung ano. Gamutin mo na lang mamaya para makapuntos ka." biglang bawi nya.

"Uy, Jovs, andyan ka lang pala." Ngiting ngiting sabi ng isang lalaking pamilyar ang mukha. Actually, hindi pala pamilyar, kilalang kilala ko sya. Si JohnVic, yung ex ko na hanggang ngayon ay nangungulit pa rin sa akin. Parte rin sya ng national team. Malaki ang inihusay nya sa volleyball simula ng naghiwalay kami. Natatandaan ko pa, sabi nya sa akin noom, "Pag malakas na ako, Jovs, babawiin kita." Kanina ko pa sya iniiwasan dahil ayokong buksan yung topic tungkol sa amin, lalo na't hindi pa malinaw kung ano kami ni Chel ngayon, at may problema pa akong personal.

"Ah, eh. H-hello?" Nag-aalangang sagot ko.

"Ah, dai, alis na muna ako ha?" Paalam ni Ate Tina at tinapik ako na parang pinapaalalahanan. "JV, alam mo limitasyon mo ha?" paalala nito kay JohnVic at tumango naman ang huli bilang sagot.

"Ano ka ba, wag ka nga mailang. Para namang wala tayong pinagsamahan." Sabi ni JohnVic nang makaalis si Ate Tina at umupo sa tabi ko. "O eto, pampalamig. Wag kang mag-alala, walang gayuma yan. Haha." Natatawang sabi nya, at tinanggap ko naman ang buko na inaalok nya at binigyan sya ng impit na ngiti.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa magdesisyon akong basagin na ito.

"Ah, J. Sorry." usal ko.

"Wag kang mag-alala, Jovs. Hindi naman ako nandito para kulitiin ka ulit. Namiss ko lang na close tayo, yung walang ilangan. Parang naging best friend na rin kita kahit na ayaw mo akong ilabel na ganun, ano." sabi nya bago tumingin sa akin. Kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata nya.

"Maniwala ka, sinubukan ko naman e, kaso hanggang kaibigan lang talaga." pagpapaliwanag ko.

"Alam ko, at nagpapasalamat ako dahil sinubukan mo, dahil binigyan mo ako ng chance. Salamat, J. Haay!" sabi nya.

"Oh, bakit ka napabuntong hininga?" nagtatakang tanong ko.

"Wala. Ang sarap lang sa pakiramdam ng maayos yung paghihiwalay ng landas." sagot nya na ngiting ngiti, kaya't napangiti na rin ako. Nagulat ako ng pinisil nya yung ilong ko. "Paano, friends na ulit tayo ha?" tanong nya sa akin at inoffer ang kanang kamay nya.

"Oo naman! Nakakamiss din yung may nahihingian ako ng favor no." natatawang sagot ko at sinuklian ang shake hands nya na parang nagdeal. Pero nagulat ako nang hilahin nya ako payakap sa kanya.

"Last na to, Jovs. Salamat." sabi nya kaya't di na ako nagpumiglas.

"Ehem. Pwede ba mahiram si Jovelyn? May pupuntahan lang kami." sabi ng pamilyar na boses ni Hitler, este ni Chel.

Kumawala si JohnVic sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang mga mata nya. Ngumiti sya bago tumayo at tinapik ng bahagya si Chel sa balikat bago umalis.

Nanunuyo yung lalamunan ko sa sobrang kaba sa maaaring sapitin ko mamaya. Oo, hindi kami, pero napakatindi pa rin nyang magselos. Papainom na sana akong buko para kahit papaano ay mabawasan yung pagkatuyo, pero pinanlakihan nya ako ng mata.

"Subukan mong inumin yan, hindi ka na makakabalik ng Maynila ng buhay." Banta nya sa akin. Syempre, dahil under ako, at dahil ako yung dahilan ng paghihiwalay namin, sinunod ko na lang sya. Mahirap na, ano. Baka maban ako for life sa buhay nya.

"Yes, commander!" sabi ko at sumaludo pa sa kanya ng naka-tiger look pero bigla akong kumindat. Baka lang naman effective.

"Wag kang magpacute dyan! Samahan mo ako." sabi nya at tumalikod kaya't hinabol ko sya at inakbayan.

Hindi nya tinatanggal yung akbay ko sa kanya pero hindi rin sya umiimik. Nababato na ako, kaya't sinimulan ko syang kulitin.

"Ah, Chel. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa bahay namin." walang ganang sagot nya.

"Ha? Teka, bakit di mo sinabi. Hindi ako nakapag-empake. Saka magpapaalam pa ako sa Army. Hindi naman pwedeng aalis ako ng bansa ng walang order." napapakamot-ulo kong sagot.

"Wag ka ngang OA, bahay namin sa Ilo-ilo, hindi Germany." simpleng sagot nya, pero ako? Napanganga ako.

"May bahay kayo dito?" Manghang manghang sagot ko kahit na medyo napahiya ako.

"Wag ka ngang maingay dyan! Sakay!" Utos nya. Nasa tapat na pala kami ng kotse ng management. Pinahiram siguro sa kanya. Dali dali akong sumakay sa passenger's seat.

Walang nagsasalita sa amin sa byahe, kaya't di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan na lang ako nang may kumatok sa gilid ng bintana. Inip na inip na Rachel ang bumungad sa akin. Agad agad akong bumaba at nagulat ng igala ko ang mata ko sa paligid. Nasa tapat kami ng bahay namin? Paano nya nalaman ang address ko? Nag-usap ba sila ni Sarah? Ano ba to? Naguguluhan ako.

---

Hi! Sorry for the delay. It has been 3 months since my last update and I am sorry for that. Susubukan kong iupdate to ng mas madalas, pero hindi ko maipapangako dahil may mga personal issues akong kinakaharap sa sarili ko. Salamat sa mga naghihintay at nagtyatyaga kahit na medyo magulo na yung story. =) Enjoy your life!

-PAR


Twist & TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon