Chapter 11

1K 34 4
                                    

Chel's POV


"Nakakainis tong Gonzaga na to! Bahala sya! Hindi ko na sya papansinin kahit kelan. Hmmp." sabi ko at padabog na ipinadyak ang paa ko at sumalampak paupo sa swing. Badtrip talaga!


"Naku, subukan mo akong kausapin at masasampal talaga kita! Arrrgh, nakakawala ng beauty to!" muling sabi ko. Oo, mukha akong tanga at kinakausap yung sarili ko. Ganito ako maglabas ng sama ng loob. Para pagharap ko sa mga tao, chill na.



"Oh, sino ka naman? Wag ngayon badtrip ako." sabi ko kahit na alam ko kung kaninong kamay yung nagtakip sa mga mata ko. Kabisado ko ang lambot ng mga kamay na yon. Madalas ko yung hawakan at paglaruan kapag natutulog sya. Isa pa, isang tao lang ang mahilig magtakip  ng mata ko. Dahil sa akin lang sya malambing, dati.



"Napakasungit mo naman ngayon Ate Chel." sabi ni Jovs. Malas! Nagdadrama ako ng dahil sayo tapos susulpot ka. "Ano ba ang problema mo? Share naman dyan oh." sabi nya ulit at sinubukang kilitiin ang tagiliran ko pero hindi ako umimik. Bahala sya! Pagkatapos nyang dalhin yung pangit na yun, maglalambing sya ulit sakin. Sus.



"Ay, di effective." may pagnguso pa! Hindi ako nakukyutan sayo Gonzaga! Tigilan mo yan! "Hmmmm. Meron ka ba?" tanong nya, medyo mahina pero narinig ko yun kaya't kunot-noo akong napatingin sa kanya.



"Bastos." sabi ko at muling ibinalik ang 'emo mode' ko at yumuko habang dahan dahang nagsswing.



"Hahaha. Biro lang naman. Napakasensitive mo naman ngayon. Parang hindi ikaw yung Ate Chel na best friend ko." bawi nya, okay  na sana e. Kaso best friend?! Humanda ka sakin Jovelyn!



"Ate, hindi mo man lang kinausap si JohnVic." sabi nya. Bwisit binanggit pa yung pangalan ng kumag na yun! Mas lalong nakakahigh blood!



"Ano namang sasabihin ko dun? Congrats? Ingatan mo si Gwapa ha?" sarkastikong sabi ko at taas-kilay na tumingin sa kanya. Nakakainis! Bakit naman kasi napakabagal mo Chel e. Haaay! San naman kasi galing yang JohnVic na yan at bigla bigla na lang sumusulpot sa buhay namin. Eto namang mga team mates ko, todo asikaso. 



"Oo, unless wala kang care sakin." mapang asar na tugon ni Jovs at ngumiti pa, ngiting nagpapabuo ng araw ko. Pero hindi ngayon. Dahil alam kong iba ang dahilan ng paglabas ng ngiting yan.



"Wala eh. Sorry." sabi ko ng di tumitingin sa mga mata nya. Ayokong maiyak sa harapan nya, ayokong makita syang masaya sa iba. Ayoko na may iba syang nilalambing bukod sakin. Ayoko, maayos pa utak ko para maging masokista no. Karma, Chel. Karma. Haaaay. Nakita ko naman na nag iba yung ekspresyon ng mukha nya.



"Sya na ba talaga?" tanong ko kay Jovs, at iniwas yung tingin ko sa kanya.

Twist & TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon