Chapter 10

255 12 8
                                    

" Hindi mo ba talaga ipagtatapat sa kanya Ang totoo ?. Hindi ka ba naaawa sa mga anak mo ? Habang lumalaki sila mas nanabik silang makita ang daddy nila. You can't hide them the truth. Puro ka pangako Carlen. Na guilty tuloy akong magsinungaling sa mga bata lalo na kay Alexa. Tuwing bumibisita ako kila tita sa America , lagi akong tinatanong ng mga anak mo. Nauubusan na ako ng mga palusot para lang pagtakpan ang pagsisinungaling mo sa kanila. "

" Maureen it was in the past. Hindi na kailangan pang malaman ni Lexus ang totoo. "

" But he's the father of your children. Naku naman Carlen ! Sumasakit ang ulo ko sa iyo !. Ano pa bang kinatatakot mo ?. Iyong loka lokang Cris pa Rin ba  ?. My god hindi ko na nga alam kung anong nangyari sa babaeng iyon eh and for sure hindi niya na kayo masisira ulit ni Lexus. Kung hindi lang naman sa pesteng babaeng iyon ay hindi mo iiwan si Lexus. Nadala ka ng takot mo. Sana ipinaglaban mo siya. Hindi na sana makakaepal pa iyong babaeng iyon, pero wala eh. Nanahimik ka. Kapag nalaman ni Lexus na ganun ang ginawa ni Cris sa inyo. Naku malilintikan talaga siya ." galit na sabi ni Maureen nang maalala ang dahilan ng pag alis ko. Natakot ako na baka may kung anong gawin si Cris Kay Lexus kapag hindi ko ito nilayuan.

" I think this is the right time for you to tell him the truth. Maawa ka naman sa mga anak mo lalong lalo na sa sarili mo. I know that you still love him. Kahit ideny mo pa sa akin o sa lahat. Kahit nga parents mo gustong malaman kung sino talaga ang Daddy ng kambal. In fact Tita is asking me but you wanted me to shut my mouth so I didn't tell her the truth. What is the real reason ba why you can't tell him the truth ?."

" Maureen gusto ko ng kalimutan Ang nakaraan ayoko ng balikan pa iyon "
Sabi ko ngunit inirapan lang ako nito.

" Laging iyan nalang ang dahilan mo. Nakakasawa na pakinggan iyang walang kwentang excuse mo Carlen . Kung hindi lang talaga kita super close sinabi ko na kay Lexus Ang totoo !!"

" Anong totoo ?"

" Le-lexus .." gulat na sabi ni Maureen.

" May dapat ba akong malaman ?."
tanong nito.

" Ka-kanina ka pa diyan ?." tanong ni Maureen at nagkatinginan naman kaming dalawa.

" Anong dapat kong malaman Maureen ?." Sabi nito at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

" Ahmm Si- si Carlen kasi .. " sabi nito at tiningnan ako. Napailing naman ako para ipahiwatig na huwag niyang sabihin ang totoo.

" Si- si Carlen kasi ma-matagal na niyang gustonh sabihin sa iyo na ___

" Na ano ?"

" Na ... "

" Na MAHAL KA DIN NIYA simula noon pa ."

" Talaga ? ". masayang sabi nito at biglang nilingon ako. Nanalalaki naman ang mga mata kong binalingan si Maureen.

" Maureen ?! Ano ba.  Le-lexus huwag kang makinig sa kanya. Hindi totoo iyon. Na-nagbibiro lang si Maureen. Diba Maureen ?"

" Totoo ang sinasabi ko Lexus. Konting ligaw nalang bibigay na iyan si Carlen ." kindat naman nito kay Lexus kaya napangiti si Lexus at tinignan ako. Hinawakan naman nito ang mga kamay ko at hindi ko alam kung anong ire- react nung mga oras na iyon.

" Carlen hindi mo naman kailangan pang mag explain ramdam ko namang may feelings ka rin sa akin. There's no need to hide your feelings for me. Kahit ipagtabuyan mo pa ako. Hindi magbabago iyong Love ko for you ." Sabi nito kaya hinila ko naman ang kamay kong hawak nito.

" Ayun oh !! Hahaha. Kinikilig ako!Bigla atang sumakit ang ngipin ko hindi dahil sa cake kundi sa kasweetan niyo !." Masayang sabi ni Maureen. Inirapan ko naman ito.

Lexus the Gay 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon