Chapter 28 - The truth

148 8 16
                                    


" Sino po ito ?." tanong ng  isang batang babae sa akin sa phone. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti sa labi ng marinig ang boses nito.

" Don't you miss Daddy ?." sabi ko rito. Tinignan ko naman ang reaction ni Carlen at ini on ang speaker ng phone nito. Namutla naman ito ng marinig ang sinabi ng anak naming babae.

" DADDY ?!! ."

" Yes baby ." ngiting sabi ko. Kung pwede lang mag teleport at puntahan ito agad ay ginawa ko na. I want to hug my daughter.

" Is this really you Daddy !?."

" Yes baby ." ngiting sabi ko.

" For real ?!!! "

" Yes  my beautiful princess ." I told her then I heard my daughter scream.

" Waaahhhhhhh !!!!  Finally we have a Daddy !!. " masayang sabi nito. Sa sobrang saya na nararamdaman ko di ko napigilan ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko. Ganito pala ang feeling na tinatawag ka ng anak mo ng Daddy. Ganito pala ang feeling na maging isang Ama. Nilingon ko naman si Carlen ngunit nakatalikod lang ito. Hindi ko makita ang emosyon nito. Bigla naman akong nagtaka ng agad na sumigaw ang aking anak na babae.

" Alexis !! Come here. Bilis !! Daddy is on the phone !!!!. " 
" A twins ?" sabi ko sa sarili. Mas lalo  tuloy akong na excite na makita silang dalawa .

" Really ?!" sabi ni Alexis at patakbong pumunta kay Alexa. Tumango naman ito at kinuha ang phone kaya binigay ito ni Alexa sa kambal.
" Give me the phone, I want to talk to Daddy ."

" Ok here ." Sabi ni Alexa.

" Hi Daddy !! I missed you so much !. Please visit us Daddy. I am so excited to see you. Tita Nicole told me that I look like you. " sabi nito.
napangiti naman ako.

" Mommy said that I look like her and Daddy. Kaya nga ako beautiful eh because I got both of their handsome and beautiful face ." Alexa said

" Mommy said that I look like her too pero slight lang because I look more like Daddy. Mommy even said that daddy and I have the same smile ." 
sabi naman ni Alexis. Napapangiti nalang ako sa mga naririnig ko sa mga ito.

" Huh! Mommy told me that I got daddy's brown eyes ." Alexa said.

" Mommy told me that too. Look oh. Diba I have brown eyes ." sabi ni Alexis at inilapit pa sa kambal ang mata.

" Ay oo nga ." sabi ni Alexa.

" We're twins kaya ." Sabi ni Alexis. kaya tumawa naman ako sa kakulitan nila. Gusto ko silang I hug pareho.

" Don't worry pareho kayong kamukha ni Daddy ." ngiting sabi ko.
Humagikhik naman sila.

" Daddy kelan po kayo uuwi ni Mommy. We're so excited to see you !"
Tanong ni Alexa at kinuha ang phone sa kakambal.

" Tomorrow uuwi na kami ng Mommy niyo ." I said.

" Really ?!. " namilog naman ang mata ni Alexa.

" Yes baby ." I said.
" I'm so excited to see you both and hug you tightly in my arms ." dagdag ko pa.

" Huh ? Eh di we can't breath properly na po kasi tight iyong hug niyo. Dalawa pa naman kaming I hug niyo ni Alexis. Maiipit ako. Chubby pa naman si Alexis Daddy. Laki nga tummy niya eh. Malakas kasi kumain ." sabi ni Alexa. Tumawa naman ako. May pinagmanahan nga.

" Uy hindi kaya ." sabat naman ni Alexis.

" Eh di luluwagan na lang ni Daddy iyong hug para makahinga pa rin kayong pareho ." Natatawang sabi ko. Humagikhik naman sila ng tawa.

Lexus the Gay 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon