" Papa, ayokong humawak ng company natin. After internship gagraduate na ako ng Doktor. Alam niyo namang pangarap ko ito diba. Buti nga at nagawan ng paraan ni Tito Art na makapasok ako sa class nito. Kahit na kakauwi ko lang last week ."" Oh siya sige. Basta't tulungan mo ang kapatid mo sa paghandle ng company. Alam mo namang kakalabas ko lang ng hospital diba, kaya nga pinauwi kita rito dahil para may katuwang ang kapatid mo sa pagpapatakbo nito ." paliwanag nito.
" Yes Papa. Don't worry tutulong ako ."
ngiting sabi ko. Bigla namang pumasok si Mama sa kwarto ni Papa na may dalang pagkain." Carlen nandiyan na ang mga Bata. Kakahatid lang ni Nicole ." sabi ni Mama at inilapag sa maliit na lamesa ang hawak nitong tray ng pagkain.
" Papa pupuntahan ko muna iyong mga bata ." sabi ko at tumayo na.
" Sige tapos sabihin mo puntahan nila ako dito. Gusto kong makipagkulitan sa mga apo ko." sabi ni Papa kaya napangiti naman ako at tumango. Nang bubuksan ko na ang pinto ay natigilan ako sa tanong nito.
" Hindi mo pa rin ba sasabihin sa amin kung sino ang ama ng mga anak mo Carlen ?. Paano kapag nagkita kayo ulit at maghabol ito sa mga Bata. Malaking problema iyon Anak ." sabi ni Papa. Nilingon ko naman ito at nginitian.
" Ma-mauna na po ako ." sabi ko at tuluyan ng lumabas.
Sa totoo lang ayoko munang isipin iyon. Matagal na panahon na rin ang nakakalipas. Siguro may sariling pamilya na rin ito at masaya na. Sana nga lang ay hindi na kami magkita pa ulit." Sabi ko sa sarili.
Pagbaba ko ay sinalubong naman ako ng kambal." Mommy !!!." sigaw at yakap ng dalawa sa akin.
" Anong meron at mukhang masaya ata kayong dalawa .?"
" Eh Kasi po nilibre kami ni ate Nicole sa Jollibee ." masayang sabi ni Alexis.
" Wow. Ang bait naman ni ate Nicole ." sabi ko at tiningnan ito.
" Hindi kaya. Inaway ako niyan kanina mommy eh. " sumbong ni Alexa. Kaya natawa naman ako.
" Binibiro lang naman kita. Ikaw talagang bata ka. Napaka maldita mo. Hindi Kita ililibre ulit ."
" Eh di wag ." irap nito. Kaya napailing naman ako at natawa.
" Thank you at inihatid mo sila ." Sabi ko rito.
" Ok lang po ate. Sige Mauna na po ako. See you sa hospital next week.
Bye Alexis and Alexa na maldita ." ngiting sabi nito at nagpaalam na." Pinapupunta nga pala kayo ng Lolo niyo sa taas. Kanina niya pa kayo hinihintay ." sabi ko.
" Mommy ,may gusto po ba si Tito Carl sa inyo ?." biglang sabi ni Alexa.
" Friends lang kami ni Tito Carl niyo. Bakit mo naitanong ?." natatawang sabi ko.
" Eh Kasi po ayaw namin siyang maging daddy. Diba Alexis ." lingon nito sa kapatid at tumango naman ito.
"May gusto po kaming maging daddy."
dagdag nito. Kaya nangunot naman ang noo ko." Sino ? ." tanong ko.
" Iyong lalaki pong nakilala namin kanina. Ang bait bait niya po kasi. Sayang nga po at hindi kami nakapagpapicture sa kanya. Kapag siya po naging Daddy namin. Magiging masaya na kami, diba Alexis ." sabi ni Alexa at tumango naman si Alexis habang katabi ang Yaya nito.
" Anong pinagsasabi ng dalawang ito Yaya .? " lingon ko rito.
" Ay ma'am. May nakilala po kasi kami kanina. Ang gwapo po at ang bait pa, kaya siguro nagustuhan ng mga bata. Kung wala nga lang po akong jowa pinatulan ko na iyon. Tiyak na maiinlab iyon sa akin ma'am ." kinikilig na sabi ni Yaya. Kaya napangiti naman ako.
BINABASA MO ANG
Lexus the Gay 2
RomanceAkala ni Carlen magiging maayos ang lahat kapag bumalik siya ng pilipinas. Ngunit nagkakamali ito. Isang malaking pagkakamali dahil simula ito ng malaking gulo sa buhay niya. Magbabalik rin ang taong labis niyang minahal. Ang BAKLANG BESTFRIEND niya...