Chapter 11

167 9 0
                                    


" Alexa ! Alexis !." hingal na sigaw ng yaya ng kambal habang hinahabol ito sa loob ng Mall.

" Bilisan mo maaabutan na tayo ni Yaya. " pasigaw na sabi ni Alexa sa kapatid habang tumatakbo. Ngunit bigla naman natumba si Alexis at napaupo sa sahig ng may makasalubong itong lalaki.

" Alexis !." sigaw ni Alexa. Tinulungan naman ng lalaki na makatayo ito.

" Ok ka lang ba ?. May masakit ba sa iyo ?." worried na tanong ng lalaki.

" Ok lang po ako ." sabi naman nito.

" Halika na !. Bilis maabutan na tayo ni Yaya. Look oh ." Sabi ni Alexa habang tinuturo ang Yaya nitong papalapit sa kanila.

" Eh pagod na akong tumakbo. Hintayin nalang natin si Yaya dito ." Sabi naman ni Alexis.

" Oh sige na nga huwag na tayong tumakbo. Hintayin nalang natin si Yaya dito. Tutal papalapit naman din siya sa atin ." sabi ni Alexa.

" Kids hanggang ngayon pa rin ba tinatakasan niyo pa rin ang Yaya niyo ?. Diba sabi ko sa inyo huwag niyong tatakasan si Yaya dahil baka may mangyari sa inyo. Mapapagalitan si Yaya ng parents niyo ." sabi ng lalaki. Kunot noo namang nakatingin ang kambal dito.

" Don't you remember me ?"
ngiting sabi nito at nagkatiginan naman ang kambal. Makailamg sandali ay napangiti ito at nilingon ulit ang lalaki.

" Mister ?!. " masayang sabi ng kambal at niyakap ito. Napangiti naman ang lalaki sa pagiging sweet ng kambal.

" I didn't expect na makikita ko kayo ulit and same situation pa na nakikipaghabulan kayo ulit kay Yaya niyo ." sabi nito at nagtawanan naman ang kambal.

" Salamat at tumigil kayo sa kakatakbo ." hingal na sabi ng Yaya ng mga ito.
" Talagang malilintikan ako sa Lolo at Lola niyo lalo na sa Mommy niyo kapag may nangyari sa inyong masama .Naku naman mawawalan ako ng trabaho sa inyong dalawa ." dagdag pa nito.

" Naku ser sorry po kung naabala kayo ng mga batang ito ." paumanhin na sabi ng Yaya ng mga ito.

" Its alright. This is not the first time this has happened ." sabi naman ng lalaki.

" Do you remember him Yaya. Si Mister po iyong nakabungo naming dalawa ni Alexis dati sa may hallway ng hotel dito din po sa Manila. " Sabi ni Alexa kunot noo namang tintigan ni Yaya ang lalaki habang inaalala ang sinasabi nito.

" Hala Si Yaya ulyanin na ." sabi ni Alexis at nagkatawanan naman Ang kambal.

" Hala ! Oo nga !. Naku ser sorry po hindi ko agad kayo nakilala ."

" Ok lang iyon Yaya ." ngiting sabi Ng lalaki.

" Mabuti po at kayo ulit ang nakapagpatigil sa mga batang ito tumakbo. Pasensya na talaga at naabala po ulit nila kayo ."

" No it's ok. I'm so happy to see them again ." ngiting sabi nito sa kambal. "Nagmamadali ba kayo ?. o May pupuntahan pa ba kayo ?. Ahm kung gusto niyo Treat ko muna kayo.
May alam akong masarap na kainan dito sa loob ng Mall .

" Sige po !!!!!" excited na sigaw ng kambal.

" Naku huwag na po nakakahiya naman saka pauwi na rin po kami ."

" Yaya gutom na din po kami kaya sige na pumayag ka na ." hawak sa braso na sabi ni Alexa sa Yaya nito.

" Ano ka ba Alexa nakakahiya ."

" Yaya please .." pa-beautiful eyes na sabi nito. Natawa naman ang lalaki.

" Oh Sige na nga ."

" Yehey !!!." masayang sabi nito.

" Mister I want like to eat spaghetti and chocolate ice cream po ." sabi ni Alexa.

" Ako naman po ice cream and burger !!. " masayang sabi naman ni Alexis.
Natawa Naman ang lalaki sa ka cutan ng kambal .

" Alexa. Alexis ! Ano ba kayo nakakahiya. Naku ser sorry po talaga sa kakulitan nila ."

" No worries Yaya. Ang cute nga nila eh ." Ngiting sabi nito.
" Naku tamang tama. I'm sure na magugustuhan niyo iyong pupuntahan nating restaurant. Order niyo lang kung anong gusto niyo ako na bahala ." ngiting sabi nito.

" Really ?!!! Yehey !!!." nagtatatalon na sabi ng mga ito.

" Mister let's go na po excited na po kami !!." masayang sabi ni Alexa at hinila naman ang kamay ng lalaki.
Tumawa naman ang lalaki.













_______________________________

" Mister ano pong name niyo ?. I forgot to ask you po before ." tanong ni Alexa.

" LEXUS SALVACION "
You can call me Tito Lexus.

" Iyong name niyo po pala pwede nang name nung isa pa naming kakambal. Kung aalisin lang po iyong A sa name ni ALEXUS ." kwento ni Alexa.

" So triplets pala kayo ?. Wow ." amaze na sabi ni Lexus.
" Bakit hindi ko nakikita ang isa niyo pang kambal ."

" Ayaw po kasing umuwi ni ALEXUS dito sa Pilipinas sir. Binibisita naman daw po sila ng Mommy nila sa Australia kaya ok na daw po iyon ."

" Ewan ko ba sa Batang iyon. Kabaliktaran po siya ng dalawang ito. Hindi iyon pasaway at madaling pagsabihan ."

" Yaya minsan lang naman kami pasaway kapag umuuwi kami dito, Kasi wala sila grandpa and grandma. Saka mas gusto po kasing mag golf ni ALEXUS kasama si grandpa. Mahilig din po siya sa mga mind games ." kwento ni Alexa.
" Ako po mas gusto ko pong maglaro Ng Barbie doll ." dagdag pa nito.

" Ako po mahilig po mag drawing ." sabi naman ni Alexis.

" Wow. Sa susunod na magkita tayo pakita mo iyong mga drawings mo sa akin ok ." Sabi ni Lexus kay Alexis. Tumango naman ito at ipinagpatuloy ang pagkain.

" Saan nga pala ng Mommy at Daddy niyo ?."

" Si Mommy nag aaral po, si Daddy busy daw po sa work pero sabi ni Mommy malapit na daw po namin siya Makita ." Sabi ni Alexa.

" Hindi niyo pa ba nakikita ang Daddy niyo ."

" Hindi pa po ." dagdag pa nito.
Nilingon naman nito Ang Yaya.

" Hindi ko nga rin po alam ser kung bakit. Nagtataka rin po ako. Simula pagkabata po ay hindi pa nila nakikita ang Daddy nila hindi ko nalang din tinatanong kasi hindi naman po napag uusapan iyon. Pero may mga pagkakataon din po na hinahanap nila ang daddy nila. Ang sabi naman po ni mam. Makikita rin daw po nila ang Daddy nila malapit na ."

" Ganun ba. Sabik na sabik na siguro silang makita ang Daddy nila ."

" Ay naku ser. Sobra po. Lalo na si Alexa talagang naghahanap Ng Daddy. Hindi nga alam ng Lolo at Lola nila kung paano pa sasagutin Ang paulit ulit na tanong. Kaya tinatawagan nalang nila si Maam. Umiiyak po kasi itong si Alexa dahil gusto niya daw makita Daddy niya ." naawa naman si Lexus sa kambal. Hindi naman naririnig ng kambal ang pinag-uusapan nila ni Yaya dahil busy ito sa cellphone.

" Sabi ni Alexa nag aaral ang Mommy nito. Ano bang kinukuhang kurso ng Mommy nila .?"

" Doktor po. Internship nalang po at gagraduate na si maam . "
tumango naman ito. Ngunit makailang sandali ay bigla itong kinabahan. Hindi naman nito maipaliwanag kung bakit nakaramdam siya ng ganun.

" eh kayo po ser ano pong trabaho niyo ?."

" Doktor. I'm a Surgeon ."

" Naku mukhang magkakasundo pala kayo ni ma'am ." tumango naman si Lexus at ngumiti.





" Gusto ko ring makilala ang Mommy ng kambal ........ " sabi ni Lexus













-------------------------------------------
AUTHORS NOTE

Bonding with the kids muna haha.

-Sorry sa matagal na update.
Don't forget to comment, vote and add this to your reading list.
See you sa next chapter. Inaayos ko na po siya.

Lexus the Gay 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon