" Ano bang tinitingnan mo diyan sa daliri ko ?" nagtatakang tanong ko kay May. Kanina pa kasi nito hawak ang magkabilang kamay ko at parang may hinahanap.
" Nasaan na iyong engagement ring mo ate Carlen ?." tanong nito.
" Oo nga ate. Sabi ni Doc Lexus fiancee ka niya. So nasaan na ang engagement ring niyo ?." dagdag pa ni Nicole.
" Wala ."
" Anong wala ?" tanong ni May.
" Hindi pa naman siya nag po-propose ." sabi ko.
" Ibig sabihin hindi ka niya fiancee ?.
It means may pag asa pa ako kay Doc. Lexus !" Sabi ni May." Sira !. Wala kang pag asa dun noh ! As in Wala ! .Diba naikwento ko na sa iyo na may past si ate Carlen and doc Lexus.
Parang kanta lang iyan eh.
MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG IBIG ." kanta ni Nicole." MULING PAGBIGYAN ANG PUSONG NAGMAMAHAL ." dagdag pa ni May
" Ayieeee !!!!!" panunuksong nilang dalawa. Hindi pa naman talaga siya nag po-propose pero napag uusapan na namin ang kasal. Magpropose man siya o hindi ang importante ok na kami at masabi ko sa kanya ang tungkol sa kambal.
" Sino na naman nagkwento sa iyo niyan ?." tanong ko.
" Si ate Maureen. I was surprised na dun pala kayo nagka developan ni doc Lexus !!!! ." tili nito.
" Hinaan mo nga iyang boses mo Nicole ." sita ko rito. Buti nalang at konti lang ang tao sa canteen.
" Sorry ate. Nakakakilig naman kasi. Imagine sa daming babae na nagtangkang landiin si doc Lexus wala ni isang babae ang nakabihag ulit sa puso niya .Nag IISA KA lang !"
" Kasi nga first love never dies !!" dagdag pa ni May at nag apir pa silang dalawa.
" Kaya siguro bumalik sa pagiging beki si doc kasi according to ate Maureen. Binasted mo daw hahaha. "
tumatawang sabi ni Nicole." Pambihira ka naman ate!. Sa guwapong iyon ni Doc Lexus binasted mo lang !. Lahat nasa kanya na gwapo, Mabait at matalino pa !
Kung ako iyon !! Hiding hindi ko na siya pakakawalan !" Sabi ni May at napapalo pa sa mesa. Tumango naman si Nicole."Imagine ate Nakaya mong maging STRAIGHT ang gwapong BAKLUSH na iyon !." dagdag pa nito.
" Sinong baklush ?." tanong ng isang lalaki na bigla nalang sumulpot sa gilid namin.
" Si doc Lexus .." Sabi ni May ngunit natutop nito ang bibig ng lingunin nito ang nagsalita.. Ngumiti naman ito at umupo sa tabi ni Carlen
" Naku doc sorry po ." Paumanhin nito. Natatawa naman ako rito habang kumakain ng favorite kong chocolate cake.
" It's ok. Totoo naman . Pero dati iyon ." sabi nito at lumingon kay Carlen. Lumapit naman ito kay Carlen at Pinunasan ang gilid ng bibig nito dahil sa kinaing chocolate cake.
" Ang tamis!!! Nilalanggam na po kayong dalawa. Respect naman sa mga single sa harap niyo !. Naku !" Panunuksong sabi ni Nicole.
" Hay sana makahanap din ako ng katulad ni Doc Lexus .." nakapangalumbabang sabi ni May kaya nagkatawanan silang lahat.
____________________________
Carlen POV
" Ate Carlen si Doc Lexus ba ang Daddy ng kambal ?." Biglang tanong ni Nicole habang nasa elevator kami. Lumingon naman ako rito.
" Ate kahit itago mo pa sa akin. Alam kong si doc Lexus ang totoong Daddy ng kambal. Base palang sa mga kwento ni ate Maureen, halatang halata na. May pagkakahawig din sila kay Doc. Hindi mo maipagkakaila iyon ." Napabuntong hininga naman ako.
" Si Lexus nga ang Daddy nila pero huwag mo munang sasabihin kila mama at papa ang tungkol dito. Ako na ang kakausap sa kanila. Balak ko na ring sabihin kay Lexus ang totoo, na may anak kami ." nangingiting sabi ko.
" For sure matutuwa ang kambal !. Lalo na si Alexa. Ang tagal na nun nangungulit kung nasaan ang Daddy nila ."
" Pero curious lang ako ate. Bakit ba hindi mo nasabi kay Doc Lexus na may anak kayo ? At anong dahilan kung bakit mo siya iniwan ?"
" It's a long story ." buntong hininga ko.
" Okay hindi na kita kukulitin pa. Ang importante makikilala na rin ng kambal Ang daddy nila. Naeexcite na ako !" sabi ni Nicole at lumabas na kami ng elevator.
" Ako din ." ngiting sabi ko.
" Balak kong sabihin kay Lexus before graduation at tamang tama uuwi din sila ng PILIPINAS ." dagdag na sabi ko.
inopen naman ni Nicole ang pinto sa may bandang passenger seat ng sasakyan ko ng may makita itong bouquet of flowers." Wow !. Super sweet talaga ni Doc Lexus ."
" Huh ?"
" May pa bouquet of flowers pa ." nangingiting sabi ni Nicole at ibinigay sa akin ang bouquet.
Nakangiti naman ako habang binubuksan ang card ngunit nagulat ako sa nakasulat rito ....." LAYUAN MO SI LEXUS KUNG AYAW MONG MAY MANGYARING MASAMA SA MGA ANAK NIYO !"
_____________________________
Guluhin ko muna sila ng slight lang hehe. Don't worry malapit na ang mga revelations haha.Don't forget to VOTE and add this to READING LIST
Enjoy reading! See you sa next chapter readers ❤️
BINABASA MO ANG
Lexus the Gay 2
RomanceAkala ni Carlen magiging maayos ang lahat kapag bumalik siya ng pilipinas. Ngunit nagkakamali ito. Isang malaking pagkakamali dahil simula ito ng malaking gulo sa buhay niya. Magbabalik rin ang taong labis niyang minahal. Ang BAKLANG BESTFRIEND niya...