" Ya-yaya si-sino iyong binanggit na pangalan ni Alexa ." nauutal na tanong ko kay Yaya. Nasa likuran ko naman ito." Ah ma'am siya po iyong kinukwento ko sa inyo. Iyong lalaking nakilala namin sa hallway ng hotel at nanlibre kanina sa kambal ."
" Si sir Lexus............. .. teka lang ma'am nalimutan ko po iyong apelyido ni sir ." medyo bumagal naman ang paghinga ko ng mga oras na iyon at pakiramdam ko ay mahihimatay ako.
" Ay ma'am !. Naalala ko na po. Si sir Lexus__ "
" Salvacion ." biglang sabi ko.
" Ay naku ma'am tama po kayo .! Kilala niyo po si sir ?. Alam niyo po sobrang gaan ng loob ng kambal sa kanya. Sa katunayan nga ma'am siya po ang naghatid sa amin dito. Magtatagal pa po sana siya pero may emergency daw po sa hospital kaya hayun umalis na po. Sayang nga ma'am hindi kayo nagpang abot. Gusto niya pondaw kayong makilala ." napapikit naman ako at hindi namalayang tumutulo na pala ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Buti nalang at hindi nakikita ni Yaya.
" Ang kwento pa nga ni sir kanina napagkamalan daw po ng kaibigan niya na anak niya iyong kambal . Malaki daw po kasi ang pagkakahawig nito sa kanya. Napa wow nga si sir ma'am eh. Saka ma'am alam mo may point din po iyong friend ni sir Lexus. Kanina ko nga lang din po napagtanto na totoo nga. May hawig nga si sir Lexus sa kambal. Lalo na po si Alexa, girl version po ni sir. Si Alexis naman po kamukha niyo at ni Sir. Pero 100% ma'am si Alexus kamukhang kamuha ni sir Lexus. Mapagkakamalan talaga silang anak ni Sir Lexus ma'am !."
Matapos sabihin ni Yaya iyon ay narealized nito na sumobra ito sa kadaldalan kaya agad nitong tinakpan ang bibig." Naku naman ang daldal ko talaga ." Ma'am sorry po. "
" Yaya samahan mo muna ang kambal sa kwarto ."
" O-opo ma'am ."
Nagmadali naman akong pumunta sa kusina at kumuha ng tubig. Nanginginig naman ang kamay ko habang hawak ang baso. Patuloy naman ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ko.
_________
CARLEN FLASHBACK" Carlen naman naaawa na ako kay Lexus. Ilang ulit na akong tinatanong kung nasaan ka. Napapagod na ako sa pagsisinungaling ." Maureen said.
" Hayaan mo na lang siya. Ayoko ng makarinig pa ng tungkol sa kanya. Tandaan mo Maureen huwag na huwag mong sasabihin kung nasaan ako. Ayoko ng gumulo pa ang buhay ko at ng mga anak namin ." Sabi ko at hinawakan ang 3 months ng tiyan ko.
"A-ayoko na ring gumulo ang buhay ni Lexus ." malungkot na sabi ko." Gumulo ?. Eh si Cris lang naman ang tinik sa buhay niyong dalawa. Kung hindi siya inggitera at bitter hindi sana hahantong sa ganito. Mali ka ng ginawang bestfriend . May obsession ata kay Lexus kaya pati sariling bestfriend kayang saktan. Kung sa akin ginawa iyon. Magkakamatayan kami !." galit na sabi ni Maureen.
" Sabihin mo na kasi ang totoo kay Lexus. Huwag kang magpalamon ng dahil lang sa takot mo sa babaeng iyon ."
" Baliw si Cris at hindi natin alam kung anong kaya niyang gawin. Ayokong masaktan ang mga anak namin. Ayoko ng madamay pa sila. Oo maimpluwensya kami pero maimpluwensya rin si Cris. Kaya mas mabuti ng manahimik kesa mas lalo pang gumulo ang sitwasyon ."
" So ganun ganun nalang iyon ?. Hahayaan mong lumaki ang bata diyan sa sinapupunan mo ng walang kinagisnang ama. Ngayon palang naawa na ako sa mga anak mo ."
" Tigilan na nga natin itong usapan na ito. Kaya nga ako umalis ng bansa para matahimik ang buhay ko. Paano ako makaka move forward kung laging siya ang bukang bibig mo ."
" Kawawang Lexus hindi man lang niya nalaman na iyong naka one night stand niya ay Ikaw at hindi iyong bruhang Cris na iyon. Hayun tuloy buking ang bruha na hindi buntis. Buti nga sa kanya. Pipikutin pa si Lexus hayun nakarma tuloy ."
" Maureen kakasabi ko lang Diba ."
" Oh Sige na from now on hindi ko na siya babanggitin kahit sobra na iyong awa ko sa kanya ." irap nito at nag walk out.
_____________________________
Inimbitahan naman ako ni Lexus sa pinagawang bahay nito sa manila. Infiernes Ang ganda at Ang laki Ng space nito
" Alam mo bang pinagawa ko talaga ito para sa future family ko. Pero never kong naimagine na ang ititira ko pala dito ay Babae ." Natatawang sabi nito.
" Nung mga panahon na binili ko itong lupa na ito nung kami pa ni Harry. I thought I will end up with him but I was wrong. We have so many plans for us. Actually Plano din namin mag ampon. Masaya naman kami but sometimes when he bring up that it's about time for us to get married. Ako ang laging umaayaw. I don't know. Para kasing may kulang sa buhay ko. Then I realized na Ikaw pala ang kulang sa buhay ko.
I feel so complete when I'm with you. You're my world ." napangiti naman ako sa sinabi nito." Ang corny mo. Pakilabas nga si Lexie masyadong seryoso si Lexus eh ." natatawang sabi ko.
" Ok wait tatawagin ko lang siya ."
Kumalas naman ito ng yakap sa akin at pumikit na parang nagmemeditate ." Hindi ko naman mapigilang ang tawa ko. Iminulat naman nito ang mga mata at sabay sabing ...." Hi Carlie besh !!!." Sabi nito at nakipag beso beso sa akin.
" I missed you girl ." natawa naman ako dito.
" Oh huwag ka masyadong tumitig mahirap na baka may mag selos ." irap nito at ipit sa imaginary hair niya. Natawa ako lalo sa ginawa nito.
" Eh paano kapag sabihin kong mas gusto kita Lexie ." Sabi ko dito at ikinawit ang braso ko sa leeg niya.
" Don't play with me. Bakla ako pero baka hindi mo kayanin kapag nag ano tayo ." smirk na sabi nito at tinataas taas pa ang dalawang kilay nito. Tumawa naman ako.
" Anong ano ?." nangingiting sabi ko.
" kapag naging 2 become 1 na tayo ."
tumawa naman ako sa sinabi nito." You know what you never fail to make me laugh ."
" Bakit ?. Totoo naman ah. Magaling ako sa kama. Hindi mo lang naitatanong. Sa lalake nga lang. Pero same lang naman iyon Carlie. May mga konting pagkakaiba lang sa pag roromansa sa babae ."
" Oo na alam ko na na magaling ka. Kaya ang mabuti pa Tigilan na natin itong usapan na ito. Baka saan pa mapunta ."
" Saan ba dapat mapunta ?." husky voice na bulong nito sa tenga ko habang mahigpit na nakayakap sa bewang ko. It sends shiver to my body nung ginawa niya iyon.
" Simulan na kaya natin ang pagakakaroon ng twins ." seryosong tingin nito sa akin.
" Ano ka ba nasa internship palang ako. "
" Isang buwan nalang naman at matatapos na iyon ."
"Diba Sabi ko after review nalang ."
" Ang tagal pa nun eh. Pwede naman nating I advance ." Kindat na sabi nito.
" Pero Lexie_ ." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla ako nitong halikan ..
Don't forget to Vote, add this to reading list and comment readers!
BINABASA MO ANG
Lexus the Gay 2
RomanceAkala ni Carlen magiging maayos ang lahat kapag bumalik siya ng pilipinas. Ngunit nagkakamali ito. Isang malaking pagkakamali dahil simula ito ng malaking gulo sa buhay niya. Magbabalik rin ang taong labis niyang minahal. Ang BAKLANG BESTFRIEND niya...