After 1 month" May balita ka na ba kay Carlen ? Nakontak mo na ba siya .?" tanong sa akin ni Philip ng bisitahin ako nito sa Hospital namin sa Manila.
" Wala pa nga eh ." malungkot na sabi ko.
" Ano ba naman iyang jowa mo. Bigla nalang naging silent mode .! Don't tell me maghihintay ka na naman ng another 8 , 10 or many years tapos kung kelan naka move on ka na bigla na naman siyang susulpot. Naku Lexus .! Masusuntok talaga kita ng bonggang bongga kapag hindi ka pa rin natuto ."
" Baka may problem si Carlen aside from her father's health issues, kaya ayaw niyang sabihin sa akin kung nasaan siya. Baka ayaw niya lang mag alala ako sa kanya ." kumbinsi ko sa sarili.
" 1 month na Lexus hindi pa rin siya nagpaparamdam. So ilang months pa ba ang hihintayin mo bago siya magparamdam ?. Kahit nga pinsan niyang si Nicole even Maureen hindi mo makontak Diba .? Ibig sabihin may tinatago talaga si Carlen sa iyo ."
" Sinong may itinatago ?." Biglang tanong ni Wesley. Kakarating lang nito galing sa OB-GYNE nito. Nagpa check up kasi ito dahil 6 months na itong buntis. Hindi naman ito nasamahan ni Philip dahil may meeting ito kaya sinabi nitong magkita nalang sila sa office ni Lexus.
Inalalayan naman ni Philip umupo ang Asawa." Iyong best friend mong si Carlen. Hanggang ngayon nowhere to find pa rin siya ." Sabi nito.
" Akala ko pa naman matutuloy na iyang much awaited wedding nila ni Lexus. SCAM PALA !. Nakaready pa naman iyong dress ko ." dagdag pa nito. Sinamaan naman ito ng tingin ni Wesley." Charot lang !. Ikaw naman honey . Actually balak ko sanang magpagawa ng dress for you and kay Hannah para sa wedding ni Lexus. Pero mukhang hindi na ata matutuloy ."
" Gusto man kitang tulungan pero
hindi ko rin alam kung paano makokontak si Maureen. Wala rin akong kilalang closest relatives nila na may alam kung anong exact address ni Carlen abroad. Simula nung umuwi si Carlen dito ay nag migrate na ang family nito. Kwento nito sa akin nuon one reason daw kaya napilitan siyang umuwi dito ay dahil sa company nila. Bata pa kasi ang brother nito and he didn't know how to handle the company kaya tinutulungan niya ito. Try to visit their company baka may makuha kang information. Hindi ko nga lang alam kung nakabalik na ba ang CEO na kapatid nito galing Canada. Nag aaral kasi ulit ito kaya minsanan lang umuwi rito ." Sabi ni Wesley." Naku Lexus ! Dali Dalian mo ang paghahanap kung nasaan iyang jowa mo para naman hindi masayang iyong outfit namin ni Wesley at ng inaanak mo sa kasal niyo. Excited pa naman ang panganay namin maging flower girl .
" Nakakadalawa na kami ni Wesley ng anak baka MAKABUO na kami ng basketball team naghahanap ka rin kay Carlen. Masasabunutan ko talaga iyang si Carlen kapag nagkita kami !. Bigla bigla nalang umaalis. Nakakaloka !. "
" Ayusin niyo nga iyang love life niyo pati ako naiistress !."
" PARA KAYONG NAGLALARO NG TAGU- TAGUAN .
" Mamaya niyan may ITINATAGO NA PALANG ANAK iyang si Carlen sa iyo. I still remember iyong ichinika mo sa akin dati. Malay mo nakabuo kayo ayaw lang sa iyong sabihin ni Carlen ." mahabang sabi ni Philip." Oh my gosh ." sabi ni Wesley kaya napalingon kaming dalawa rito.
" What's wrong honey ?." worried na sabi ni Philip.
" Lalabas na ba si baby !! Ang aga Naman !!!." tarantang sabi nito." Umayos ka nga Philip. Mahahampas talaga kita. 6 months palang itong tiyan ko. Nakalimutan mo na ba ?." iritang sabi nito.
" Bakit kasi ganun ang reaction mo Honey. Natakot tuloy ako bigla .!"
" Do you still remember Iyong kinuwento ko sa iyo Lexus ?. I told you that I saw her nung nasa Australia kami for our Honeymoon ." Sabi nito sa akin at tumango naman ako.
" May kasama siyang dalawang bata. Babae at Lalake. I think its twins .
I asked her about the them ang sabi niya mga pamangkin niya daw. But...." hindi naman itinuloy ni Wesley ang sasabihin sana nito at bagkus at matagal lang ako nitong tinitigan. Palipat lipat naman ng tingin sa amin si Philip." Wesley kanina ka pa nakatitig diyan kay Lexus. Dapat ako lang ang tinititigan mo. Baka mamaya niyan maging kamukha ng anak natin si Lexus ." sabi ni Philip in his manly voice. Natawa naman ako. Nakakagamit lang kasi ito ng gay language kapag ako at ang Asawa nitong si Wesley ang kausap pero kapag anak nito at ibang tao ay pang lalaking boses ang ginagamit nito.
" Hindi ko pa nasasapak iyang si Lexus nung naghiwalay kami pero baka masapak ko na iyan kapag hindi ka pa tumigil sa kakatitig sa kanya ." Banta nito. Nilingon naman ito ni Wesley.
" Eh kung Ikaw kaya ang sapakin ko ."
Kanina ka pa. Gusto mo matulog sa Sala ?!"" Chariz lang !. Siyempre hindi ko gagawin iyon kay Lexus. Super friends kaya kami niyan ."
" Eh bakit kasi kanina ka pa nakatitig sa kanya ?!!."" Kasi nga iyong twins na pamangkin na sinasabi ni Carlen ay medyo may hawig kay Lexus ."
" What !!!! O-M-G . Are you sure honey ? Baka nagkakamali ka lang ."
" Nope. Kaya nga tinititigan ko si Lexus ng matagal eh. Para kasing magkamukha. Hindi nga ako nagkamali ."
" Bago nga kami mag usap ni Carlen tinanong ko muna iyong twins kung ilang taon na sila then they said na they're 8 years old. Sabay pa nga sila nung sinabi iyon eh ." Sabi ni Wesley.
Bigla naman akong kinabahan nung marinig iyon.
Baka nga nagbunga ang gabing iyon.." Honey ! bakit ngayon mo lang iyan ichinika !. Nakaalis na si Carlen . Hindi na natin maco confirm kung may nabuo nga .!" sabi ni Philip.
" Nakalimutan ko eh. Sorry Lexus. Hindi ko naman kasi alam na may nangyari pala sa inyo dati ni Carlen. Ikaw naman Philip dapat ichinika mo rin sa akin ." sabi ni Wesley.
" Pero malay mo baka nagkakamali lang ako , tayo ." dagdag pa nito." Naku Lexus. Kailangan mo talagang mahanap at makontak si Carlen. Dahil Kung totoo ngang may anak ka sa kanya , baka forever mo nang hindi makita ang mga ito ." sabi ni Philip.
Paano kung totoo ang sinabi ng kaibigan at nagbunga nga ang gabing iyon. Hindi ako makakapayag na ilayo sa akin ni Carlen ang mga anak namin !
_______________________________
Paano mabubuo si Alexander kapag hindi kayo nag ka ayos haha. Published na po ang story ng bunsong anak ni Carlen at Lexus. Just searched Alexander the Gay.
Don't forget to VOTE, ADD THIS TO READING LIST AND COMMENT !See you sa next chapter !!!!
BINABASA MO ANG
Lexus the Gay 2
RomanceAkala ni Carlen magiging maayos ang lahat kapag bumalik siya ng pilipinas. Ngunit nagkakamali ito. Isang malaking pagkakamali dahil simula ito ng malaking gulo sa buhay niya. Magbabalik rin ang taong labis niyang minahal. Ang BAKLANG BESTFRIEND niya...