Lexus POV
It's my first day handling the class of Doc Art. Naalala ko tuloy nung subukan kong magturo. Pero 1 year lang iyon dahil mas nag focus ako sa pagiging Doktor. Wala namang problema sa work ko sa Manila dahil nagpaalam naman ako na mag le-leave muna ng 3 months. Tutal it's our own hospital kung saan karamihan ng doktor at staff ay puro kamag anak din namin. Kaya ok lang na gumora ang bakla kahit saan haha.
Pumasok naman ako sa elevator ngunit nagulat ako nang papasara na dahil parang nakita ko si Carlen na dumaan. Nangunot naman ang noo ko sa nakita." No Lexus. You're just imagining things. It's Impossible that she's here ." kumbinsi ko sa sarili.
............................
" Doc Lexus ?!." gulat na sabi ng mga students ni Doc Art nang makita ako ng mga itong pumasok.
" Kayo po ba muna ang papalit kay Doc Art ?. tanong ng isang estudyante sa akin.
" Yes ." ngiting sabi ko.
" Omg !! My heart !!. Naeexcite na tuloy akong mag duty. This was the best internship ever !. I found my inspiration !." nakangiting sabi ng isa sa mga ito, kaya lalong namang nagkatawanan ang ibang students. Sanay na ako sa ganitong pagpapahangin ng mga babaeng may gusto sa akin. Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa beauty ko diba ?. I can do both .
Ipinaliwanag ko naman sa kanila ang rules ko as their C.I at iba pang information about their internship. After that ay nagdismiss na ako ng class ng may lumapit sa akin na dalawang estudyante.
" Doc we're happy po at kayo po ang maghahandle sa amin. Don't worry po magiging good interns po kami . " sabi nito .
" Good ." ngiting sabi ko.
" Alam niyo dapat sineseryoso talaga ang pag aaral. Dahil nandun na kayo sa dreams niyo. Konting step nalang. Magiging future Doctors na kayo ." dagdag ko." Ako Doc seryoso na rin sa iyo ." sabi ng kasama nito. Kaya napangiti naman ako at nakita ang isang kasama nitong siniko ito.
" Mae tumigil ka nga. Nakakahiya kay Doc Lexus. " sabi nito.
" Kung makasiko ka naman Nicole. Binibiro ko lang naman si Doc ."
" Joke lang po iyon Doc. Pero sa totoo lang crush ko po talaga kayo ." kinikilig na sabi nito.
" Don't worry doc. You don't need to crush me back. I know my boundaries even its hurting me so much ." drama nito kaya napailing nalang ako habang napapangiti ." Pagpasenyahan niyo na itong si Mae Doc. Masyado po kasi talaga siyang vocal sa mga crushes niya ." paliwanag ni Nicole.
" It's ok ." I said.
" By the way Doc may isang student pa pong hindi naka attend ngayon. May emergency po kasi kaya kailangan niyang umuwi agad ." sabi ni Nicole.
" Ganun ba. Papuntahin mo nalang siya sa akin bukas para maexplain ko sa kanya iyong namiss niyang important lessons ngayon ." sabi ko.
" Yes po ." ngiting sabi nito.
" What's her or his name ?."
" Actually she's a transferee po from US. She's my cousin Doc. Her name is Car____ ." putol na sabi nito nang biglang mag ring ang phone nito.
" Sorry Doc kailangan na po naming umalis. Emergency po kasi ." paalam nito.
______________________________
" Ate Carlen kamusta na po si Alexa ?." worried na sabi ni Nicole nang dumating ito sa hospital.
" She's ok. Bigla daw sumakit ang tiyan at nagsuka kaya natakot sila mama at isinugod na agad nila dito sa hospital ." paliwanag ko.
" Thank God that she's ok. Si Alexis po nasaan ? ."
" Nasa bahay. Hayun iyak ng iyak . Nang makita ang nangyari sa kambal niya . Buti na nga nalang at hindi rin sumakit ang tiyan niya gaya ni Alexa ." sabi ko at nilingon ito habang natutulog .
" Sila Tita at Tito po nasaan ?."
" Pinauwi ko muna para makapag pahinga. Masyado silang natakot sa nangyari kay Alexa. Lalo na si Papa ." sabi ko at tumango naman ito.
" Siyanga pala ate sabi ni prof. slash C.I pumunta ka lang daw po sa office ni Doc art bukas, nang maipaliwanag niya sa iyo iyong na-missed mong rules and regulations and other important informations about our internship sa hospital. Sinabi ko po kasing may emergency kaya hindi kayo naka attend sa class kanina." sabi nito.
" Thank you Nicole. Sige bukas na bukas pupunta ako ." ngiting sabi ko.
___________________________________
Carlen POV
Hindi ko maintindihan kung bakit habang papalapit ako sa Dean's office ni Doc Art ay matinding kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko naman maipaliwanag kung bakit.
" Baka mapapagalitan ako nung C.I . Ngunit base naman sa kwento ni Nicole ay hindi naman ito mukhang galit ." kalma ko sa sarili.
Nasa harap naman ako ng office nito ng biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Halos marinig ko na ito sa sobrang lakas. Kakatok na sana ako ngunit bigla akong natigilan." Anong bang nangyayari sa akin ?." tanong ko sa sarili habang nakahawak ang kamay sa may dibdib ko. Dinadama ang malakas na tibok ng puso ko.
" Carlen kumalma ka ok. Magiging maayos ang lahat kapag pumasok ka na sa loob ." cheer up ko sa sarili at napabuntong hininga. May nakakita naman sa aking professor at tinitigan ako nang may pagtataka sa mukha. Sino ba naman ang hindi magtataka eh kinakausap ko iyong sarili ko. Kaya nakangiti ko naman itong Binati at ngumiti rin ito sa akin. Kumatok naman ako at pinihit pabukas ang pinto. Pumasok ako ngunit ganun na lang ang pagtataka ko ng wala akong makitang tao sa loob. Nakita ko naman ang ilang paperworks sa may table nito.
" So, ibig sabihin narito na iyong bagong C.I. namin ."" Nasaan na kaya iyon ?." tanong ko at lumapit sa may table nito. Makailang sandali ay may narinig akong pagbukas ng pinto. Lilingunin ko na sana ito ng matigilan ako nung marinig ang boses nito.
" Excuse me Miss ?. May kailangan ka ? ." tanong nito sa akin. Para naman akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses nito. Hindi ako pwedeng magkamali sa boses na iyon. Kaya lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ko, hanggang sa parang nabibingi na ako sa lakas ito.
" Miss ? Why you didn't answer me ?. Is there a problem ?." Tanong ulit nito.
Halos hindi ako makapagsalita dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. Nangiginig naman ang kamay at tuhod ko. Parang ilang sandali ay matutumba na ako.
Dahan dahan naman akong lumingon rito. Ngunit ganun nalang ang gulat ko nang makumpirmang siya nga iyon. Halos hindi naman ako makahinga ng mga oras na iyon. Nabitawan ko rin ang hawak kong libro dahil sa gulat." Carlen ?." gulat na sabi nito habang nakatingin sa akin .
Ngunit makailang sandali ay napangisi ito at nakapamulsang lumapit sa akin. Hindi naman ako makatingin ng diretso rito." Kamusta. Long time no see , CARLIE ." mariing sabi nito. Napalunok naman ako ng banggitin nito ang tawag nito sa akin dati. Nilingon ko ito at nakitang nakangiti ito sa akin. Ngunit kahit nakangiti ito ay makikita sa mata nito ang galit.
" Oh my god ." sabi ko sa sarili ...
__________________________________
Author's note
Umpisa na ng TEASING GAME ni Lexus !!! Haha. Naeexcite na tuloy ako hahaha. Abangan ang next chapter .
By the way I just wanted to share this to you my dear readers. Nakasali sa #watty2020 ang Lexus the Gay book 1 !!! I'm so happy !! Haha. It's an honor for me na nabigyang pansin ni watty iyong story ko kahit hindi ako nag submit ng form. Balak ko talaga siyang isali. But the problem is I don't know the process. Hihi. I didn't expect to win because I know that it's impossible haha. But at least I have the hashtag #wattys2020 in my story tags. Malaking bagay na iyon para sa akin 😊.
Thank you to all the readers na matiyagang nagbabasa ng book 1 and 2 kahit di naman siya ganun kaganda haha. I swear At first di ko alam na maraming magbabasa nung book 1. Haha. Maraming thank you po talaga.Vote , add to reading list and comment
Enjoy reading ...
BINABASA MO ANG
Lexus the Gay 2
RomanceAkala ni Carlen magiging maayos ang lahat kapag bumalik siya ng pilipinas. Ngunit nagkakamali ito. Isang malaking pagkakamali dahil simula ito ng malaking gulo sa buhay niya. Magbabalik rin ang taong labis niyang minahal. Ang BAKLANG BESTFRIEND niya...