Naka ilang tawag na ako kay ninong Art ngunit hindi talaga ito sumasagot. Naisipan ko kasing mag drop out na lang at bumalik sa US. Para dun ituloy ang internship ko. Tutal nasa US na rin ang parents ko at ang mga bata. Hindi pa ako nakakapag paalam kay Papa at paniguradong pagagalitan ako sa desisyon kong ito. Ngunit kailangan ko itong gawin,
dahil kapag nagtagal pa ako dito ay siguradong guguluhin lang ako ni Lexus. Ayoko ng magkaroon pa ng ugnayan rito. Lalo na at may boyfriend na ito. Ayokong masira ang relasyon nila nang dahil lang sa akin." Yaya nasaan po si Ninong Art ?." tanong ko kay manang Eva nang buksan nito ang gate.
"Ay ma'am wala po rito. Nasa America po ."
" Huh ? Eh kelan ang balik niya ?."
" After 6 months pa ata ma'am. Kakatawag lang kasi niya kanina ."
Sabi nito. So ibig sabihin 6 months pa kami magkakasama ni Lexie ?. My gosh ! Kailangan ko na talgang mag drop out." Ganun ba. Eh bakit hindi ko siya makontak. Ilang beses ko nang tinatawagan si ninong. Ngunit hindi ito sumasagot ."
" Nagpalit na po kasi si ser ng number ma'am. Kakatawag niya lang po kay sir gwapo ." sabi ni manang.
" Sir gwapo ?. Sino iyon ?." nagtatakang tanong ko rito.
" Student po ni Doc Art dati. Dito daw po muna titira. Eh kagabi lang po kasi dumating kaya nakalimutan ko pong tanungin iyong pangalan niya ." sabi nito at pinapasok ako.
" Ang gwapo naman kasing binata ma'am. Kaya ser gwapo nalang iyong tinawag ko ." kwento nito habang naglalakad kami papasok sa bahay ni ninong.
" Ang bait pa ma'am. Ang swerte ng girlfriend niya sa kanya. Ang sabi pa ni Doc Art sa akin. Isa siya sa mga pinakamagaling na studyante niya sa Manila .Close nga po sila ni ser ." kwento pa nito." Maupo po muna kayo. Tatanungin ko po muna si ser gwapo . " dagdag ni ni manang at umakyat na sa taas.
______________________________
FLASHBACK
" Lexie sinabi ko na sa iyo kahapon diba. Tigilan mo na ako. Ka-kalimutan mo na iyong feelings mo para sa akin. I'm not the girl for you and I don't deserved your love. Kaya please lang hu-huwag mo na akong kukulitin pa sa bagay na iyan. " sabi nito sa kabilang linya.
" Hindi kita maintindihan Carlie. Ano bang kinakatakot mo. Ikaw na ang nagsabi na Mahal mo ako. So why are you rejecting me if we love each other. Your excuses are so lame !." sigaw ko rito.
" Please Carlie huwag mo namang gawin sa akin ito oh ." pagmamakaawa ko rito." I'm sure makakahanap ka pa ng mas higit sa akin. Let's move on. Ang daming nangyari simula nung nagkakilala tayo. Nasira ko iyong relationship niyo ni Philip. I'm making you confused at higit sa lahat a-ayokong masira iyong nalalapit na kasal niyo ni Cris. Ma-malay mo siya talaga iyong para sa iyo at hindi ako ."
sabi nito." Bakit ba ipinipilit mo si Cris sa akin ? Eh hindi ko naman siya mahal. May sinabi ba ang babaeng iyon sa iyo ?. "
inis na sabi ko. Sa lawak rin kasi ng connection ng pamilya ni Cris ay hindi ako makakuha ng matibay na ebidensiya laban sa kanya. Pilit niya pa rin kasing sinasabi sa akin na ako ang ama ng ipinagbubuntis niya." Wa-wala. Hindi mo kasi naiintindihan Lexie !. Para naman sa iyo ito eh. Para sa ikatatahimik ng lahat .!" sabi nito sa kabilang linya. Napangisi naman ako sa sinabi nito.
" Ano ?! Alam mo Carlie. Hindi ko makuha ang punto mo kung bakit ayaw mong maging masaya tayong dalawa !. Mahal mo ako diba at Mahal din kita !. Pero bakit mo ako pinapahirapan ng ganito !." galit na sabi ko at narinig ko naman itong umiiyak sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Lexus the Gay 2
RomanceAkala ni Carlen magiging maayos ang lahat kapag bumalik siya ng pilipinas. Ngunit nagkakamali ito. Isang malaking pagkakamali dahil simula ito ng malaking gulo sa buhay niya. Magbabalik rin ang taong labis niyang minahal. Ang BAKLANG BESTFRIEND niya...