Chapter 13

116 10 0
                                    

LEXUS FLASHBACK

" Bitiwan mo ako !." sabi ko at inialis ang mga kamay ni Cris sa braso ko.

" Lexus I'm sorry. Nagawa ko lang naman iyon dahil sa sobrang pagmamahal ko sa iyo !." umiiyak na sabi nito.

" Sa tingin mo pagmamahal iyong ginawa mo ?!. No ! because you're selfish !. You ruined my life Cris ! Napakasinungaling mo !."

" Lexus please forgive me ." umiiyak na sabi nito.

" No !. Hinding hindi Kita mapapatawad !. Akala mo mabibilog mo lahat ang ulo namin dahil diyan sa mga kasinungalingan mo ?! Nagkakamali ka !. Ang mabuti pa umalis ka na dahil baka ano pang magawa ko sa iyo !." galit na sabi ko.


" Why don't you give me a chance. W-why don't you love me. I'm better than Carlen ."


" Don't you ever compare yourself to her. Hindi Siya katulad mo .!"


" Talaga?. Nasaan siya ngayon .? Kung mahal ka niya susuportahan ka niya at hindi ka niya iiwan !. Ni hindi
nga niya sinabi sa iyong aalis siya ng bansa !. Nagpaalam ba siya sa iyo ? Hindi Diba ?! Ang ibig sabihin lang noon hindi ka niya mahal !."


" Umalis siya dahil sa iyo !. Kung Hindi ka nanggulo eh di sana hindi Siya lumayo. Eh di sana Masaya kami ngayon .!"

" Sige ako na ang dahilan. Isisi mo na sa akin lahat ! Lahat ! Kasalanan ko naman Diba. Naudlot ang pag iibigan niyo ng dahil sa akin. Pero kung mahal ka niya talaga hindi siya aalis at magpapaapekto sa nangyari. Dapat nasa tabi mo siya lagi at hindi ka niya hahayaan sa problema mo. Patunay lang na hindi siya karapat dapat mahalin Lexus. She's a b*tch !! and I hate that b*tch !!."  galit naman akong lumapit dito at sinampal ito.


" What kind of a friend are you ?. She treated you as her bestfriend but just because of your selfishness nasira lahat iyon. Don't you ever call her like that because the real b*tch is you !!! and not her !!. Now get out !. I don't want to see you again !."








________________________________

Nagmamadali namang naglakad si Carlen papasok ng gusali ngunit laking gulat nito ng makita si Lexus palabas ng elevator.
Nanlaki naman ang mga mata ni Carlen ng makita ito at biglang nataranta.

" Carlen ?." tawag ni Lexus dito ngunit hindi ito umiimik. Nakatulala lang itong nakatingin sa kanya. Kaya nilapitan niya ito at hinawakan sa magkabilang balikat.

" Carlen . Are you alright ?."


" Y-yeah ." nauutal na sabi ko.

" Eh bakit parang nakakita ka ng multo ?." natatawang sabi ni Lexus

" Na-nagulat lang ako. I didn't expect that I will see you here ."


" or maybe natulala ka sa kagwapuhan ko noh ." sabi nito at inakbayan ako at kumindat. napangiti naman ako.


" Oo alam kong gwapo at maganda ka kaya huwag mo ng ipagmayabang ."

" Correction gwapo lang. Erase mo na na iyang maganda. Tagal ko ng kinalimutan iyang word na iyan to describe myself. Matagal na akong nag retire sa MOTHER ng SANGKATAUHANG BAKLA ." sabi nito kaya tumawa naman ako.


" Ewan ko sa iyo ." Sabi ko at nangingiting inismiran ito.

" Ah alam ko na. Siguro iniisip mo na  nambababae ako noh. Manglalake nga hindi ko ginagawa , mambabae pa kaya. You don't have to worry my love. Never kong gagawin iyon sa iyo. Never akong magsisinungaling sa iyo. From now on sasabihin ko lahat lahat sa iyo. Wala akong itatagong secret. Diba dapat ganun sa relationship. My trust ." Sabi nito kaya parang nakonsensya naman ako. I have the biggest secret pero hindi ko masabi sa kanya ang totoo.


" A-ano ka ba !. A-ang dami mo namang sinabi. Hindi ko naman iniisip iyon. Alam ko namang loyal ka at malaki ang trust ko sa iyo ." ngiting sabi ko.

" Good. I just want you to know. Alam mo namang  Ikaw lang ang babae sa buhay ko ." Kindat nito. Napangiti naman ako.

" Btw I'm just here because hinatid ko lang iyong mga kakilala ko. Magtatagal pa sana ako but I received an important call from the hospital kaya hindi ko na nahintay ."

" Ikaw anong ginagawa mo dito ?".

" Ahm bi-bisitahin ko lang iyong friend ko ."

" Sayang at hindi na kita masasamahan at mahihintay. I'm in a hurry. May emergency sa hospital eh.


" Don't worry it's ok. S-sige na baka kanina ka pa hinihintay. Inuna mo pa makipagchikahan sa akin ." natawa naman ito.

" Ok bye ." sabi nito at hinalikan ako sa lips.
" I'll call you later ." Sabi nito at nagmamadaling umalis na.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makaalis na ito.










______________

" Mommy !!!" sigaw ng twins sabay yakap sa akin.

" We missed you !!"

" I missed you too ."

" Nagpakabait ba kayo kay Yaya ?. Baka pinahirapan niyo na naman siya dahil sa kakulitan niyong dalawa ."

" No mommy. Behave nga kami eh. Diba Yaya ."

" Opo ma'am. Hindi sila makulit kasi nakita nila ulit iyong kinukwento ko sa iyo dati ma'am. Iyong lalaking nakasalubong namin sa hallway dati ng hotel. Ang saya nga ng kambal ma'am eh. Tapos nilibre pa kami sa isang restaurant sa mall. Naku ma'am napakagalante ,mabait at higit sa lahat gwapo ma'am ."kinikilig na sabi ni Yaya.

" Look Mommy oh. He buy us toys ." Sabi ni Alexis.

" Wow ang bait naman ng new friend niyo. Did you say thank you to him .?"

" Yes po ." Sabi ni Alexis.

" Sana Mommy ganun din kabait si Daddy . Eh Kailan po ba namin makikita si Daddy .?" tanong ni Alexa. Kaya natahimik naman ako.


" Hi-hindi pa sa ngayon Alexa pero Ma-malapit na . Busy pa si Daddy eh ." ngiting sabi ko.

" Hmmp lagi nalang busy si Daddy. Buti pa si Tito Lexus. Sana Siya nalang Daddy namin, Mommy !." nakasimangot na sabi ni Alexa at tumakbo papunta sa kwarto.
Natigilan naman ako ng marinig ang pangalan na sinabi nito.




Lexus ......








Don't forget to Vote, add this to reading list and comment.
Sinisipag ako mag update haha.
See you sa next chapter

Lexus the Gay 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon