" Alexis !! Dalian mo aabutan na tayo ni Yaya ! " nagmamadaling sabi ni Alexa sa kapatid habang tumatakbo sa hallway ng hotel." Alexis !! Alexa !!. Huwag nga kayong tumakbo !. Malilintikan talaga ako nito sa Mommy niyo kapag may nangyari sa inyo !!.
" Bleee !!". Sabi ni Alexa at tumigil sa pagtakbo. Hinintay naman nito ang kapatid.
"Alexis bilis !! Aabutan na tayo ni Yaya ." Sabi nito." Teka lang naman." humihingal na sabi nito at tumigil sa pagtakbo.
"Para ka namang babae. Mas mabilis pa akong tumakbo sa iyo eh." sabi ni Alexa at nilingon ang yaya nitong papalapit na sa kinalalagyan nila. Hinawakan naman nito ang kamay ng kapatid at sabay na tumakbo, hanggang sa palabas na sila ng hotel.
Natigil lang sila sa pagtakbo ng may bigla silang mabunggo. Sa lakas ng pagkakabunggo nila sa isang lalaki ay napaupo ang magkapatid sa sahig." Ouch ." sabi ni Alexa. Lumuhod naman agad ang lalaki at tinulungan ang magkapatid na tumayo.
" Ok lang ba kayo. Sabihin niyo Kung may masakit sa inyo. " worried na sabi nito sa magkapatid.
" Ok lang po. Sorry po Mister ." hinging paumanhin ni Alexa.
Nilingon naman nito ang kapatid.
" Ok ka lang ba." tanong nito. Ngunit umiling lang ito at biglang umiyak." Mommy !!!." Iyak na sabi nito.
Sabing huwag na nating takbuhan si Yaya eh. Isusumbong kita kay Mommy !!!." iyak na sabi nito" Uy huwag ka na ngang mag cry. Para ka namang babae niyan eh. Ako nga Hindi umiyak ." tahan na malalagot ako niyan kay mommy ." sabi ni Alexa.
" Your sister is right. Don't cry little boy. Dapat matapang ka. Look at your sister. She's a girl pero ang tapang niya. Hindi siya umiyak nung bumagsak siya sa sahig. Dapat ganun ka din. Para di ka mabully ng iba."
Diba ate ?." ngiting lingon na sabi nito kay Alexa. Tumango naman Ito." By the way kids. Bakit kayo naghahabulan dito ?. Nasaan ang parents niyo ?." tanong ng lalaki.
" Si mommy may pinuntahan saglit. Tinakasan lang po namin si Yaya. Oops." sabi ni Alexa sabay takip sa bibig.
" Naku bad iyon. Dapat di niyo tinatakasan ang Yaya niyo. Paano kapag may nangyari sa inyo. Tiyak na malalagot siya sa parents niyo. Eh Ang daddy niyo nasaan ?." tanong ulit nito.
" Wala po kaming da_____ ." putol na sabi ni Alexa ng dumating ang Yaya nito. "
" Kayo talagang kambal kayo naku. Tiyak na masesermonan na naman ako ng Mommy niyo, dahil sa kakulitam niyo !. Mawawalan ako ng trabaho nito eh. " inis na sabi ni Yaya Erlinda.
" Sorry na Yaya. Ito po kasing si Alexa ang may pasimuno eh. " sumbong ni Alexis.
" Anong ako. Hindi kaya. " pagsisinungaling nito.
" Diba sabi ni Mommy bawal daw mag lie ." Sabi ni Alexis. Umirap naman ito.
" Ok fine. It's my fault. " napangiti naman ang lalaki sa ka cutan ng magkapatid. Tumayo naman ito.
" Naku ser. Sorry po kung naabala kayo dahil sa kakulitam ng mga batang ito. Pasensya na ulit ser. " hinging paumanhin ng Yaya nito.
" It's ok. " ngiting sabi nito.
" Next time kids. Makinig kayo kay Yaya ha. Huwag kayong lalabas ng walang kasamang matanda. Maraming masasamang tao sa paligid. Baka mamaya gawan kayo Ng masama. Malulungkot ang daddy at mommy niyo. " Sabi nito.
" Yes po mister. Sorry po ulit." Sabay na sabi nila Alexis at Alexa. Napailing naman na ngumiti ang lalaki at nagpaalam na.
" Ang bait niya noh Alexa. Sana katulad din niya ang Daddy natin.
" Oo nga. Sana Makita pa natin siya ulit. " masayang sabi ni Alexa.
Bigla namang nag ring ang cellphone ni Yaya.
BINABASA MO ANG
Lexus the Gay 2
RomanceAkala ni Carlen magiging maayos ang lahat kapag bumalik siya ng pilipinas. Ngunit nagkakamali ito. Isang malaking pagkakamali dahil simula ito ng malaking gulo sa buhay niya. Magbabalik rin ang taong labis niyang minahal. Ang BAKLANG BESTFRIEND niya...