Lay's POV
"Kris! Halika na, malalate na tayo sa trabaho natin." Asan na ba kasi si Kris, malalate na kami. Kanina pa ako tawag ng tawag dito.
"Grabe ka naman Lay hyung, feel na feel mo ang pag tawag ng trabaho ah. Photoshoot lang yun." Singit ni Chen, nasa harap siya ng salamin at nag titingin ng mga caps, nag tratry na din.
"Yun na din yun. Trabaho din yun. Kaya kayo, mag aral kayo ng mabuti, tingnan mo Ako, si Kris, si Suho, si Baekhyun, at si Xiumin ay may trabaho na. " Tumingin agad sa akin si Chen na parang na aamused, ano naman kaya ikina aamused nito?
"Wow ha. Makakalimutin ka na, Lay hyung. Para sabihin ko Graduated na din ako, kami. Si Kai at Tao nalang hindi. Ewan ko lang kay Sehun, kung papasok pa siya, para sa 4th year college." Nakaharap na siya sa akin kasi naka pili na siya ng cap at kanino nga yun? Bagong bili to ni Baekhyun kay Tao ah.
"Oo na, sorry naman. Nga pala, wag mo nga suotin yan! Magalit sayo si Tao, hindi niya pa nasusuot yan. Bagong bili pa yan sa kanya ni Baekhyun-ah." Sumimangot naman siya, at tiningnan yung cap tapos saka uli sinuot.
"Tsk, sayang. New arrival pa naman to ng favorite kong shop."
"Pabili ka kay Baekhyun. May discount yun sa shop na yun. Kasi kinukuha siyang endorser nun." Nanlaki yung mata ni Chen sa sinabi ko. Problema nito?
"Ano?! Kinukuha yung endorser?! Mapapag suot mo ba yun ng naka brief lang?!"
"Tanga! Caps lang ha, wala akong sinasabing mga brief. Si Kai ang kinukuha dun pero ayaw na Kai sa school daw muna siya mag fofocus." Tumango tango naman si Chen tapos parang may na realize siya.
"Maka tanga ka naman! Bawala yan ah! Sumbong kita kay Suho hyung!" Na alarma ako sa sinabi niya. Bawal nga pala kami mag sabi ng bad word nako.
"To naman joke lang! Bibili kita ng cap na yan! Wag ka mag alala."
"Talaga?! Yeahh!!"
"Ayy, kay Baekhyun nalang pala. Wala nga pala akong allowance ngayon, hinulog ka na sa banko may pinag iipunan kasi ako."
"Hindi nga pede kay Baekhyun! Kailangan nun ng maraming pera lalo na't may girlfriend yun!"
"Psh, balita ko cool off daw sila." Nanlaki nanaman ang mata ni Chen
"ANO?! Bakit daw?" Hinila niya ako patabi baka kasi may makarinig. Isa pang rule dito, bawal pag usapan ang relasyon ng may relasyon. Pasaway din tong Chen na to eh.
"Ala, ayoko. Baka mahuli tayo. Saka yun lang ang alam ko. Hindi ko alam ang nangyari. Narinig ko lang ang usapan ni Chanyeol at Suho hyung." Napa poker face naman si Chen at binitawan ako, lumayo din siya ng kaunti sakin.
BINABASA MO ANG
Living With My Byuntae Oppas
Teen FictionLiving with my oppas. Ang saya grabe! Lalo na kapag nasa mood silang makipag kulitan sayo! Pero minsan nga lang ang byuntae nila. Pero paano kapag isa sa kanila nahulog ka?! Pede ba yun? Maari ba? At sino sa kanila yun? Malamang! Ampon ka lang eh!