Kim Yoo Jung's POV
Nagising ako ng mga 1:00 gutom na ako e. Yung isaw ganun lang nakain ko, hindi na kasi ako talaga bumaba kagabi, ayoko na makita pa mukha nung babae na yun.
Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa hagdan at dumiretso sa kusina. Good thing may pagkain pa sa table mukhang pinagluto ako ni Kuya Dyo ah. Sa taas ko nalang kaya ito kainin? Ah, dito na pala. Bibilisan ko nalang. Iba ang luto ni Kuya Dyo ngayon ah, masarap din siya pero iba sa nakasanayan ko.
Nang matapos na ako agad ko din itong hinugasan. Paakyat na ako sa hagdan Nang may marinig akong umubo. Sino yun? Hindi ako mag papanick Hindi naman ako takot sa multo, and wala naman ganun dito sa bahay namin. Napatingin ako kung saan nag mumula ang tunog. Hanggang sa nakarating ang mata ko sa couch.
"Kuya Baek!?" Pabulong na sigaw ko, paano kasi, bakit siya nandito? Malamig pa naman ngayon, Kaya ata siya umuubo.
Lumapit ako at tiningnan siya, kawawa naman siya kung titingnan mo. Lamig na Lamig kasi siya. Nag away kaya sila ni Kuya Chanyeol? Baka Nga? Kinulbit ko si Kuya Baek, nagising naman siya at taka akong tiningnan.
"Hmm, bakit ka nandito yoo jung ah? Pumunta ka na sa taas, Malamig ngayon. Nga pala kinain mo na luto ko para sayo?" Ha? Ano daw? Luto niya yun? Kailan pa siya natutong magluto? Kaya ba ganoon ang lasa?
"Ikaw ang nagluto nun Kuya Baek?" Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, nag tanong din siya katulad ng ginawa ko sa kanya.
"So, kinain mo nga yun? Masarap ba?" Kuya Baek
"Kailan ka pa natutong magluto?" Ako
"Tsk, sige ipagpatuloy lang natin ang tanungan portion. Wala tayong mararating." Inaantok na umupo si Kuya Baek sa couch.
"Sorry. Pero ako muna. Bakit ka nandito Kuya Baek?"
"May tao sa kama ko eh. Naagawan." Ano!? Inagawan pa siya noon?!
"Aba't inagawan ka pa ng pukritang iyon!?" Medyo napalakas ata boses ko Kaya tinakpan ni Kuya Baek ang bibig ko gamit ang isang daliri niya. Mabuti natanggal niya agad kundi maabot nun ang kagat ko.
"Shhh ka lang. May balak pa akong kagatin eh." Nakasimangot na sabi ni Kuya Baek.
"Sa kwarto ko nalang kaya ikaw Kuya Baek? Malamig ngayon. Taglamig na. Baka magkasipon ka dito." Nginitian Lang ako ni Kuya Baek at umiling.
"Hindi na, alam mo naman ngayon. Diba pinagbabawal na kaming pumunta sa kwarto mo?" Aish, oo nga pala.
"Sus, eh ako naman ang nagyaya eh." Umiling pa din siya. Napakamot nalang ako sa batok ko. "So, hangga't nandito yang babae na yun, dyan ka matutulog?" Tumango naman siya. Wala na akong magagawa dun, mukhang Hindi magpapa pilit eh.
BINABASA MO ANG
Living With My Byuntae Oppas
Teen FictionLiving with my oppas. Ang saya grabe! Lalo na kapag nasa mood silang makipag kulitan sayo! Pero minsan nga lang ang byuntae nila. Pero paano kapag isa sa kanila nahulog ka?! Pede ba yun? Maari ba? At sino sa kanila yun? Malamang! Ampon ka lang eh!