Yoo Jung's POV
"So, tapos na tayo sa simbahan. Baekhyun, tingnan mo nga sa phone mo ang sunod nating pupuntahan. Pinasave ko yun sayo diba?" Tanong ni Kuya Xiumin kay kay Kuya Baek, tumango naman ito.
Nagtingin tingin na si Kuya Baek, tapos kami naman patingin tingin lang sa paligid. Tumitingin pa sa amin yung ibang tao. Bakit kaya? "Ahm, Burnham Park tayo." Pumalakpak naman si Kuya Kris.
"Let's Go." Sabi niya at naglakad na pasakay sa sasakyan. Sumunod naman kami.
BURNHAM PARK
"Waaah! Ang lamig talaga! Yoo Jung, hindi ka ba nilalamig? Naka dress ka pa naman." Inakbayan ako ni Kuya Chanyeol sa sinabi ni Kuya Chen.
"Ako na bahala. San naman tayo?" Hindi pa rin ako binibitawan ni Kuya Chanyeol. Sa totoo lang nilalamig na ako!
"Bike tayo!" Pag suggest naman ni Kuya Luhan nag sang-ayon naman silang lahat, napatingin sila sa akin dahil ako lang ang walang sinasabi. Eh pano naman kasi ako magbibike kung naka dress ako? Buti pa si Mae naka pants. Wala kasi akong dalang pants kaya di ako nag pants. Malay ko bang dito ang punta.
"Sige, tuloy kayo. Ako na bahala sa kanya. Pasyal lang kami." Tiningnan ko agad si Kuya Chanyeol nag puntahan na naman sila dun sa may bike. Nag iba din kami ng direksyon ni Kuya Chanyeol. "Oh suotin mo to." Hinubad niya yung jacket sa kanya at binigay sa akin. Pero hindi ko inabot.
"Ayoko."
"Bakit? Gusto mo ba yung kay Baekhyun?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Eh, ba't niya naman kasi naisip yun? Wala naman akong sinasabing ganun. Actually, gusto ko nung sa kanya. Alam niyo na guys, pakipot. Di niya ata alam yung word na yun eh. Tsk. "Teka lang, hihiram ako kay Baekhyun." Pabalik na sana siya ng pigilan ko braso niya.
"Hindi,"
"Si Sehun?" Napa buntong hininga ako. Di niya ba ako gets? Umiling ako, hinarap ko siya sa akin.
"Ikaw talaga Kuya Chanyeol. Sige na akin na. Pahiram ha? Haha." Ngumiti naman siya at tinulungan niya akong isuot yun sa akin. Ang manly ng amoy niya!
Naglakad na kami, hindi ko alam kung pasaan kami, "Yoo Jung, pedeng humingi ng favor?" Medyo nagulat ako dun. Kasi siya? Hihingi ng favor? Bakit kaya? At ano?
"Uhm, sige. Ano ba yun? Yung kaya ko ha?" Tumawa naman siya.
"Syempre.... Gusto ko sanang itigil mo na ang pagtawag mo sa akin ng Kuya?" Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Tumingin din siya sa akin.
"Bakit?"
"Yoo Jung," Hinarap niya ako. Kaya magkaharap na kami ngayon. "Uulitin ko pa ba na Mahal Kita? Nakaka ilang yung ganun, kasi tinatawag mo pa akong Kuya. Sakit kaya nun. Yung mahal mo tinuturing kang Kuya lang." Umiwas siya ng tingin, at saka nag lakad na pauna, sumunod naman ako sakanya. Hinila ko naman yung shirt niya.
BINABASA MO ANG
Living With My Byuntae Oppas
Novela JuvenilLiving with my oppas. Ang saya grabe! Lalo na kapag nasa mood silang makipag kulitan sayo! Pero minsan nga lang ang byuntae nila. Pero paano kapag isa sa kanila nahulog ka?! Pede ba yun? Maari ba? At sino sa kanila yun? Malamang! Ampon ka lang eh!