Byuntae #30

820 23 6
                                    

"Ikikiss mo talaga ako kapag uminom ako?" Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa reaksyon ni Chanyeol, mukha siyang bata na nakarinig ng libreng candy.


"Basta ba uminom ka ng gamot eh. Para gumaling ka na." 


"Ayaw ko kasi ng lasa ng gamot." 


"Kaya nga iinom ka ng tubig para mawala agad yung lasa." 


"Pero ang sabi mo nga diba ikikiss mo ko?" Hindi ko napigilang hindi ngumiti, ang cute cute niya, para siyang bata! >.< 


"Oo nga, kaya sige na, uminom ka na." Inabot ko sa kanya yung gamot. Nag hehesitate pa siya kung kukuhanin niya iyon, pero in end kinuha niya rin. "Isubo mo na. Eto tubig." Tinaas ko tubig. 


Dali dali niya inilagay yung gamot sa dila niya at inagaw agad tubig sa akin, "Aba, oy, lunukin mo, hindi talaga yan pupunta mag isa sa tiyan mo." Pinipigilan kong huwag matawa baka kasi maibuga niya yung tubig. 


Nilunok niya naman, "Ano? Nandyan pa?" Umiling siya pero nailabas niya agad dila niya at parang pinaypayan pa iyon, natawa na talaga ako doon, "Hahaha anong nangyayari sayo?" 


"Ang pait!!" Pagkasabi niya noon, lumapit agad ako sa kanya at hinalikan siya, edi natikom bibig niya, pero dahil doon, nalasahan ko din ang pait. Ang pait nga naman, sobra. Humiwalay ako sa kanya.


"Kinagat mo ba ang gamot?" Dahan dahan siya tumango. Napa facepalm naman ako. "Hindi kinakagat yun, okay?" Tumango nalang siya. "Matulog ka na uli." 


"Tabi tayo." Pagbibigyan ko muna siya, humiga ako sa tabihan niya, niyakap naman niya ako. "Hmm, I miss this." Tiningnan ko ang mukha niya na malapit sa akin, nasa may balikat ko lang, nakapikit na siya. 


Ako rin naman, namiss ko rin ito. Pero kailangan kong siguraduhin na huling beses na ito. Hindi na talaga maari. Nasaan na nga kaya ang L na iyon. 


**


"Guys? Wake up." Namulat ang mata ko ng marinig ang boses ni Kuya Baekhyun. Nakita kong nakangiti siya sa akin, napalingon ako sa tabi ko, nandoon pa rin si Chanyeol. 


"Kuya Baek? Nasan ang iba?" 


"Sa labas." 


"Sa labas?!" Napaupo agad ako sa kama. Nako, baka makita nilang magkatabi kami ni Chanyeol.


"Yep. Mag usap na kayo." Sa sinabi ni Kuya Baekhyun, na gets ko ka agad. Ibig niyang sabihin, kausapin ko na si Chanyeol, na huwag nang aasa pa para sa amin. Kasi hindi na talaga pede. 


"Okay, sige ako na bahala." Lumabas siya ng kwarto, lumapit naman ako sa tabi ni Chanyeol. Hinaplos ko muli ang buhok niya, at tinitigan ang mukha niya. "Mamimiss kita." Hinalikan ko siya sa pisngi. Na nakapag pagising sa kanya.

Living With My Byuntae OppasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon