Suho's POV
Argh..
Inaantok na ako pero hindi pa ako pede matulog. Kailangan ko pang bantayan ang mga isip batang 'to. Ewan ko ba kung bakit bigla nilang naisipan yan. Sabagay magtataka pa ba ako? Basta ba sina Chen, Baek, at Chanyeol e.
"Andaya mo kuya Chen!" Narinig kong sigaw ni Yoo Jung. Naglalaro kasi sila ng Snake and Ladder.
"Hoy kung magkakadayaan lang kayo jan. Mabuti pa matulog na kayo. Maaga pa tayo bukas Baek, Chanyeol at Chen." Aniya ko at ibinaba ang phone kong hawak *yawn* inaantok na talaga ako. Nalowbat pa phone ko, pambihira kung kailan ko kailangan.
"Suho hyung. Kailangan ba talaga namin sumama doon?" Tanong ni Baekhyun na busy pa rin sa pagtira.
"Malamang. Kayo ngang tatlo ang kailangan dun. Bakit kasi ngayon nyo pa naisipan maglaro niyan kung kailan may lakad pa tayo bukas *yawn*" Pagkasabi ko nun humikab ako. Mapapapikit na sana ako ng may magsalita sa pinto.
"Suho ako na ang bahala dito. Matulog ka na." Napatingin ako sa nagsalita sa pinto. Umiling lang ako ay saka nagsalita.
"Alam mo kung sino dapat ang maagang natutulog ngayon. At ikaw iyon. Ikaw ang pinaka unang gigising at gagawin ang gawain mo." Ibinalik ko ng tingin ko sa mga isip batang naka dapa sa kama habang nagtatawanan sa nilalaro nila. Hayy nakakawala ng stress ang tawa nila.
"Suho--" Iimik pa sana siya ng tiningnan ko siya ng nanlilisik na mata. Napatigil naman siya noon. Pero bago siya umalis tumingin muna siya sa kama at sinabing, "Good night Princess. Matulog ka na ha." Napatingin naman sila sa taong nasa pinto.
"Good nighy din kuya Dyo! I love you!" Pagkasabi niya nun tumakbo siya papalapit kay D.O at hinalikan ito sa pisngi. Hinawakan naman ni D.O si yoo jung sa ulo at hinalikan ang noo nito. Umalis na si D.O at Tumakbo na pabalik si Yoo Jung at tumalon paupo sa kama kaya nagulo ang nilalaro nila.
"Ano ba yan!? Bakit ba kasi tumalon ka pa?! Nagulo tuloy yung nilalaro natin!" Sigaw ni Chanyeol na ikinagulat namin. Iba ang aura niya ngayon. Dati pag ganyan tumatawa pa nga siya dahil nagugulo tapos ngayon magagalit?
"S-sorry kuya Chanyeol." Sabi niya habang naka tungo. Niyakap naman siya ni Baekhyun at narinig nalang namin ang paghikbi ni yoo jung. Hindi nga pala namin 'to basta sinisigawan -.-"
"Stop crying yoo jung. Malaki ka na. And please matulog na kayo, tama na ang laro. 1 na ng umaga. Dapat pagbalik ko wala na kayo diyan." Palabas na sana ako ng unahan pa ako ni Chanyeol sa pinto at parang nababalot ng masamang aura. Pagkalabas ko sumalubong sa akin si Luhan.
"Anong nangyari dun?" Nag shrug lang ako sa tanong niya. "Matagal na panahon na nung nakita ko siyang ganyan kagalit." Napaisip naman ako. Oo nga, at yun ay noong dahil sa girlfriend niya dati.
Baekhyun's POV
"Shhh tahan na yoo jung." Pagpapatahan ko, ano ba kasing nangyari kay Chanyeol? Bigla nalang siyang sumabog. Dapat nga ako yung magalit e. Ako yung natamaan sa mukha ng board. Magsasalita pa sana ako nun nang biglang sumigaw naman si Chanyeol.
BINABASA MO ANG
Living With My Byuntae Oppas
Dla nastolatkówLiving with my oppas. Ang saya grabe! Lalo na kapag nasa mood silang makipag kulitan sayo! Pero minsan nga lang ang byuntae nila. Pero paano kapag isa sa kanila nahulog ka?! Pede ba yun? Maari ba? At sino sa kanila yun? Malamang! Ampon ka lang eh!